"B-Bakit po?" garalgal na tanong ni Jace sa kaniya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang banggitin ng matanda ang tunay na pangalan nito.
I can see the frustrations and curiosity in his eyes.
"P-Paano? B-Bakit?" ulit niyang tanong.
Malamlam na ngumiti si Inang sa kaniya.
"Ang mabuti pa ay umuwi na kayo. Malapit nang dumilim. Ihatid mo na ang batang iyan sa kanila." Sagot ni Inang patungkol sa akin.
"Mga bata, halina't pumasok na tayo sa loob at maghanda ng hapunan." Iika-ikang pumasok sa loob si Inang. Nagdadalawang isip pang sumunod sa kaniya sina Jimbo at Jana.
Naiwan kami ni Jace sa labas. He's still dumbfounded about what he found out.
"Naguguluhan pa rin ako." Bulong ko kay Jace. Tahimik kaming naglalakad sa makitid na eskinita. Napagpasyahan kong yayain na siya pauwi dahil sa tingin ko ay walang balak na muling kausapin siya ni Inang.
Nakakapagtaka ang naging kilos ni Inang. Siya ang nagpakilala bilang Dorothy tapos pinauwi niya kami pagkatapos noon. Ang gulo!
"Paano mo siya nakilala? Matagal na ba? Saan? Bakit?" nagulat ako sa sunod-sunod niyang mga tanong.
Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ang kaniyang itsura. Balisa at puno ng mga tanong ang kaniyang mga mata.
"Siya ang matandang nagbenta sa akin ng maskara. Nakilala ko lang din siya ay kahapon." Lalong naguluhan ang kaniyang itsura sa aking naging sagot. Lalong napuno ng maraming katanungan ang kaniyang mga mata.
Muli siyang bumalik sa paglalakad at agad ko siyang sinundan.
"Sino ba talaga si Inang? Bakit ganoon na lang ang reaksiyon mo nang banggitin niya ang pangalan niya?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Lumingon siya sa akin. Bumagal ang pacing ng kaniyang paghakbang at sumabay sa ritmo ng sa akin. He sighed deeply.
"She's Dorothy Azalea-Carson. Wife of Luthor Carson. Mother of Theodore Carson. And Deo's grandmother." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"A-Ano?!" tumango-tango siya sa akin habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.
"She's known as Iollite of Tartarus. Every precious girl of the mafia was named after a gemstone. Ganoon sila kahalaga. Queens and princesses of the mafia are treated as the most valuable part of the famiglia. Alam mo kung bakit?" lumingon siya sa akin at napalunok ako dahil sa mga tingin niya.
"B-Bakit?" he creepily smiled.
"Kasi sila ang nagdadala ng susunod na henerasyon." Makahulugan niyang sabi. Napalunok ako nang wala sa oras.
"Anyways, back to the main topic." he sighed again. Malapit na kaming makarating sa dulo ng eskinita at ang unang kanto na madadaanan namin ay ang kalye patungo sa bahay namin.
"She was named Iollite because she's really a violent and playful lady. Ang kwento sa amin ng mga reapers na kasabayan niya, isa siya sa mga first generation reapers. Pilya at marahas kung lumaban. Sobrang bilis din niyang gumalaw." Napanganga ako sa aking nalaman.
Kaya naman pala kung makatakbo ang matandang iyon ay akala mo hindi nirarayuma!
"Fast-forward. So ayun nga, she married Luthor and they had twins. Ang kaso, namatay daw ang isa dahil noong mga time raw na manganganak si Lady Iollite ay nagkaroon ng ambush. Nagkaputukan ang Tartarus at Dote. Natamaan siya sa tiyan. The other twin didn't make it at tanging si Boss Theo ang nabuhay. Dahil doon, sobrang nagalit si Senior Head Luthor at inubos niya ang buong mafia famiglia ng Dote. Siya lang at ang kaniyang mga Saints ang pumulbos ng buong member nila. Walang tinira." Napalunok ako sa kaniyang sinabi at napahawak sa aking bibig.