Unmasking VIII

2.3K 74 5
                                    

"Euphoria's Tear?" nagtatakang tanong ko kay Effie. Tumango naman siya bilang sagot.

"It's actually a violet red colored liquid drug. Kilala sa mga tawag na elixirs and such, pero para sa underground society hindi lang ito simpleng elixir lamang." she sighed.

"According to some rumors, tinawag itong Euphoria's Tear dahil kapag daw na-intake mo ito you'll feel great happiness and excitement. Mararamdaman mo ang tunay na kasiyahan, you'll reach your cloud nine. You'll be the God of your own world." nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi.

"Sabi naman ng ilan, it can revive dead people or even control people's minds." matiim niya akong tiningnan. Napalunok ako dahil sa kinukwento niya.

"It's too powerful. Kumalat ang balita na ito sa underground society. Sabi ng mga matatandang reapers, nagiging active ang Euphoria's Tear every fifty years. Kaya naman maging ang mga business men ay naging interesado sa laman ng maskara. Suckers of the underworld became too reckless at nagsimula sila ng digmaan para makuha ang maskarang iyon."

This time, ako naman ang napahinga ng malalim. Pigil ang aking bawat hininga habang pinapakinggan ko siya.

"What happened to Alfonso?"

"He died." muling nanlaki ang mga mata ko.

"What?!" muli siyang ngumiti sa akin.

"Hmm. He was killed by Romeo, one of his allies. Nang malaman nila kung gaano kalakas ang tinatagong kapangyarihan ng maskara ay nagsimula ring lumabas ang tunay na kulay nila. Si Romeo ang pinaka-matalik na kaibigan ni Alfonso pero sa huli ay siya rin ang pumatay dito." natahimik kaming dalawa ng ilang saglit.

Nang dahil lang sa kapangyarihan ay nagawa niyang patayin ang kaniyang kaibigan? Sa tingin ko ay hindi iyon isang magandang dahilan para tapusin ang buhay ng isa.

"Anong nangyari sa maskara?"

"Napunta iyon kay Romeo. Pero mapaglaro ang tadhana. Nagkaroon ng madugong digmaan sa underground society at isa siya sa napatay. Napapunta ang pamamahala ng maskara kay Luthor, ang nag-iisang anak ni Romeo. Pero hindi katulad ng kaniyang ama, Luthor was a good leader and a good negotiator. He founded Tartarus, our mafia famiglia." napasinghap ako sa aking nalaman.

My gosh! Hindi ko naman akalain na ganito kadugo ang family tree nila. Jusme!

"Sa pamamahala ni Luthor, naging maayos ang underground society. Naging payapa ang mga transactions. At dahil doon, kinilala ng underground council ang Tartarus bilang leading mafia famiglia." hindi ko napigilan ang sarili ko at napa-woah ako dahil sa pagkamangha.

Napangiti sa akin si Effie at saka itinuloy ang kaniyang kwento.

"He gained friends and a family dahil sa mafia. Pero alam mo bang sinasabi nilang may sumpa ang maskara na iyon?" nanginig ang tuhod ko dahil ang creepy niya kung makatingin.

"B-Bakit?" ngumiti siya sa akin nang nakakaloko.

"Kasi lahat ng nagiging may-ari ng maskara na iyon ay namamatay. Kaya tinawag iyong Mask of Thanatos." napalunok ako sa kaniyang sinabi.

Tinatakot niya ba ako? Kung oo, effective! Ako ang huling nagmay-ari ng maskara! Jusme Lord! Gabayan niyo po ako huhu!


"At tulad nga ng ibang nagmay-ari ng maskara, the same fate goes to Luthor. He was killed by an unknown assassin. Pero bago pa man siya bawian ng buhay ay naibigay na niya ang pamamahala ng Tartarus at ng maskara sa kaniyang nag-iisang anak which is Theodore Carson, na mas kilala sa underground na Theo of Tartarus, the late mafia boss." muntik na akong malaglag sa kinau-upuan ko nang mabanggit niya ang pangalang iyon.

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon