"W-What do you mean?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi nila. Mafia? Anong pinagsasasabi nila? Mafia is a group of closely connected people who have great power or influence in a particular field or business, and that's according to Merriam-Webster Dictionary. Masasamang tao ang mafia, goons and gangsters can be one of them. Mga drug dealers and illegal gamblers! Mga daga sa ilalim ng lupa!
"Deo, I think she don't know anything about this." sambit ni Orien.
Ibinaba ni Deo ang maskara at ipinatong sa mesa. Masama niya akong tiningnan at nagsalita,
"Sabihin mo kung anong alam mo o pasasabugin ko yang bungo mo?"
"A-Ano ba kasing mga pinagsasasabi niyo? I-I don't know anything!" nagulat kaming lahat nang ikasa niya ang baril. Napatayo si Cas-I mean si Calix pati na rin si Orien.
"Deo, relax. Walang magagawa ang pagiging mainitin ng ulo mo." Effie said. Masamang tingin ang ibinigay sa kaniya ni Deo.
Tumingin lamang sa akin si Effie at ngumiti. Huminga siya nang malalim at nagsalita.
"Para malinawan ka, yes. We are part of a mafia famiglia."
"P-Paano? You're a fashion model! And you-" itinuro ko si Casper, "Model ka rin at the same time actor pa! How can you be part of a mafia? Mga masasamang--" bago ko pa natapos ang sinasabi ko ay isang mamahaling vase na naman ang nabasag.
Napatingin kaming lahat kay Deo na ngayon ay hawak ang baril niya na nakatutok sa vase na ngayon ay pira-piraso na.
Sayang ang mga vase nila kung gagawin lang nilang shooting target! Kung ako sa kanila isasama ko yan sa mga auction! Sayang din yung pera na makukuha dun!
"Cut the crap. You think we're evil huh? Be thankful, we've just saved your ass on that shitty party." muntik na akong mapa-irap dahil sa sinabi niya. Kung wala lang talaga siyang hawak na baril ngayon, malamang nasigawan ko na siya. Masyadong makasalanan ang bibig niya!
"Deo." Effie muttered. Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti.
"Mafia works are known to be evil. But it's our fate to be in here. Wala kaming magagawa." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Anong fate ang pinagsasasabi niya? I do believe na we, people, can make our own fate. Nasa mga desisyon naman natin kung anong mangyayari sa ating kinabukasan.
"As if namang itinali kayo sa mafia kahit di pa kayo ipinapanganak?" she smiled at me.
"Parang ganoon na nga." Calix answered with a bored tone.
Napanganga ako. What the hell! Sinong magulang ang ipagkakanulo ang mga anak nila sa isang mafia organization na puro kasamaan ang dinadala sa mundo?
"Let's get to the point, masyado nang humahaba ito." Napatingin kaming lahat kay Jace.
"So Miss Dimasalang, where did you get the mask?" napalunok ako at inalala ang araw na nakuha ko ang maskara.
"A-Ano, sa may palengke..." napatingin silang lahat sa akin. Napalunok ako. They look so serious now. Nawala na ang mga friendly aura sa paligid ni Effie, Calix, at Orien. Seryoso lang silang lahat na nakatingin sa akin at matamang nakikinig sa bawat salitang aking sasabihin.
"Yung matanda, siya ang nagtitinda niyan. Isa ang maskara na yan sa itinitinda niya kasama ng mga antique na sing-sing at mga bracelets pati mga kwintas." nakita ko ang pagkunot ng noo ni Deo.