Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. That detective is freaking creepy! Ang bait-bait pa man din ng itsura niya, minus his boastful aura.
Pagpasok ko sa sala ay muntik na akong mapatakbo palabas.
"What the-anong ginagawa niyo rito?!" napahawak ako sa may bandang dibdib ko. Pakshet yung puso ko.
Kumaway-kaway sa akin si Calix habang hawak-hawak yung picture frame na may litrato ko nung seventh birthday ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko naman si Effie na binubuklat ang photo album ko.
"Binibisita ka lang namin." napalingon ako kay Jace na kakagaling lang sa kusina habang may hawak na tasa.
Lumingon-lingon pa ako at hinanap yung dalawa pang kulang sa kanila.
"If you're looking for Deo, wala siya dito." Napalingon ako kay Orien na galing din sa kusina kasama si Mama.
"Lisha, magbihis ka muna pagkatapos ay tulungan mo akong maghanda ng pagkain sa mga bisita mo." Tawag pansin sa akin ni Mama.
Tinanguan ko na lang siya kasi wala naman talaga akong choice. Agad akong nagbihis ng damit. Inayos ko muna ang mga gamit ko. Napansin ko ang tatlong box na nakuha ko kanina.
"What are those?" napalingon ako kay Effie na kakapasok lang ng kwarto ko.
I shrugged. Saka ko binuksan ang isang box. Pinanood naman ako ni Effie na pumwesto sa aking likod.
I slowly opened the first box. Pare-parehas lang sila ng designs kaya sa tingin ko ay sa iisang tao lang sila galing.
Sumalubong sa amin ang maliit na manika na parang key-chain. The weird thing is, tanggal ang ulo nito. May red liquid pang nakapalibot sa loob nung box.
"Hey, may nakasulat." Sambit ni Effie at itiburo niya sa akin ang dalawang letra.
To
Napataas ang kilay ko. Ano yung to?
I opened another box. Compared to the first one ay walang nakalagay ditong kakaiba maliban na lang sa papel na may sulat ng salitang Ready.
Nagkatinginan kami ni Effie. Siya na ang nagbukas ng last box. It's an alarm clock. With red stains. Its arms showed 3:00 p.m. Napatingin ako sa orasan sa kwarto.
2:36
"May sulat din." Seryoso niya akong tiningnan at ipinakita sa akin ang papel na may nakasulat.
Die?
Kinuha ko ang mga papel ng bawat box at inihilera iyon.
Ready To Die?
Napa-urong ako sa kinatatayuan ko dahil sa nabasa.
"Shit." Mahinang mura ni Effie. Agad niyang kinuha ang alarm clock at sinipat ito.