- J A C E –
Pasalampak akong humiga sa sofa bed pagkarating namin ng Casa. Sumakit ang ulo ko sa ingay ni Felice at ni Casper. Casper kept on telling dad jokes which irritated Felice. Wala naman kaming magawa ni Azul dahil buhay nilang dalawa 'yan. Kung gusto nilang mag-away-bati, bahala na sila.
Buti pa kaming mga single, peaceful ang buhay...
"Guys, may tanong ako." Sabay-sabay kaming lumingon kay Casper na tila seryoso na sa kaniyang sasabihin.
"Spill." Azul answered.
"Anong hayop ang wala lang?" after he finished asking, I saw Felice face palms. Napabuntong hininga na lang ako at inaliw ang sarili ko sa magazine na nakuha ko sa ibabaw ng lamesa. Azul played his gun at walang balak pansinin si Casper.
His puns are back again.
"C'mmon guys! Pansinin niyo naman ako." Reklamo niya sa amin.
"Quit your puns, Casper." Iritadong balik sa kaniya ni Felice. He just pouted at masamang tiningnan ang girlfriend niya.
"Last na talaga 'to promise!" parang bata niyang maktol.
Casper's like this when we're not in a mission. Actually, we are all different. We're not us when we're wearing our codenames.
"Okay, fine. Spill it, puns." Suko ni Azul.
Masamang tingin ang binigay sa kaniya ni Felice but he just shrugged it.
"Yey! Kaya mahal kita Azul eh! Ikaw na lang ang nakaka-appreciate sa akin." Madramang sagot ni Casper. Napahinga na lang ako ng malalim. He's the oldest among us pero isip bata talaga siya.
"Okay! Take two! And action!" he cheerfully stated. Sumasakit talaga ang ulo ko sa kaniya.
"Anong hayop ang wala lang?" he motioned his hands to us, asking to cooperate to his dead jokes.
Feeling defeated and to stop his shits, I just go with what he wants.
"Ano?" walang gana kong banggit. Nakita ko ang pagningning ng mata niya. Dumb kid.
"Edi, LION! Puahahahahahahahahahah!" napahawak na lang kaming lahat sa mga ulo namin nang sumabog ang halakhak niya sa buong kwarto.
Parang gusto kong lagyan ng lason ang inumin nito mamaya.
Natigil ang pagtawa ni Casper nang biglang mag-ring ang cellphone ni Felice.
"Yes? What?! Okay I'll asked them." Kunot ang noo niya kaming tiningnan.
"Where is Deo? Hindi pa raw siya bumabalik sa office. May meeting siya sa mga investors from Thailand and he's running late." She stated. Napatingin kaming lahat kay Azul nang tumayo siya.
"Alis muna ako." He said at saka kinuha ang coat niya.
"Walang aalis hangga't walang sumasagot sa tanong ko kung nasaan si Deo." Malamig na sambit ni Felice.
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Azul.
"He went to Mami La. He heard you two talking." Napatigil si Felice nang sabihin 'yun ni Azul.