Unmasking XVI

1.9K 69 10
                                    


"Wear this." Napalingon ako kay Deo nang ilagay niya sa mga kamay ko ang isang silver necklace na may T pendant surrounded with crimson orbs.

"Anong gagawin ko dito?" blanking tingin ang iginawad niya sa akin.

"Try to eat that." He sarcastically said.

Inirapan ko na lang siya at sinuot sa akin ang kwintas. Nilingon ko naman ang ibang kasama namin na nauna nang lumabas ng sasakyan para magmasid sa paligid.

Nasa labas na kami ng venue. It's actually a white mansion na puno ng itim na rosas ang garden. Isang lumang mansion na abandonado. Walang makikitang tao sa labas kaya sobrang tahimik.



Nakakatakot.




Natigil ako sa aking pag-iisip nang katukin ni Effie ang bintana sa tapat ko at isinenyas na lumabas na kami.

Lumingon ako kay Deo na seryosong nakatitig sa akin. Dahan-dahan ko siyang tinanguan.

Nauna siyang lumabas at inalalayan naman niya ako sa aking pagbaba. Nahigit ko ang aking paghinga at mariing pumikit.



Lord, huhuhu! Sana po makalabas pa ako ng buhay after ng gabing ito.



Sa paglabas ko ay mahigpit akong hinawakan ni Deo sa bewang kaya napahigpit din ang kapit ko sa kaniya.

"Relax. Compose your self." His words sent chills to my spine kasi masyado siyang malapit na halos dumikit na yung labi niya sa tenga ko.

"Naks! Well trained na pala kayo ng baby ko eh! Ingat sa pagpapanggap ha, baka may mahulog." Napalingon kami parehas kay Calix na nasa likuran lang namin all this time. Nakita niya siguro ang pagbulong ni Deo sa akin.

Lumapit naman sa kaniya si Effie at kinurot ito sa tagiliran.

"Tumigil ka nga sa kakulitan mo. Hayaan mo na lang muna sila." Hinila niya ang lalaki at bago pa man sila makalayo ng kaunti sa amin ay kinidatan niya ako. She mouthed me "enjoy".

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

How can I enjoy kung alam kong nasa bingit na ako ng aking kamatayan at puro mga grim reapers ang naghihintay sa akin sa loob?

Nang makapasok na kami sa mahabang pasilyo ng mansion ay wala pa rin ni isang tao ang nakasalubong namin. Lumala ang kaba ko dahil sa katahimikan ng lugar at panay mga yabag lang naming ang aking naririnig.

"Are you cold? You're shivering." Nilingon ko si Deo na all eyes on me na. Napalunok pa ako dahil masyado pa kaming malapit sa isa't isa.

"O-Okay lang ako." Tumango naman siya agad sa akin.

Ilang saglit pa ay narating na naming ang dulo ng pasilyo kung saan isang maliit na batang babae ang naghihintay. Kulay kahel at naka pigtails ang mahaba niyang buhok. Kapansin-pansin ang mga freckles sa kaniyang mukha pati na rin ang pagka-green ng kaniyang mga mata.

"Tartarus." Ngumisi ito sa amin at nangilabot ang katawan ko dahil doon.

How can a child send shivers to my spine like that?

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon