"Magkakilala kayo?" takang tanong ni Dolly sa akin dahil sa naging bati ni Tyron.
"A-Ah! Hindi! Hindi naman sa ganun." Pilit akong tumawa dahil nape-pressure ako sa tingin nilang lahat sa akin.
Enebe! Shy si aquh!
"Tenant kasi namin siya. Kaya pamilyar kami sa isa't isa." Sagot ko kay Dolly sabay sipsip sa shake na nasa harapan ko.
"Really? Ah! Right! Sa apartment ka nga pala nakatira Tol." Sangat ni Yushi sa usapan.
"Now that you know them. Kayo naman ipapakilala ko sa kanila." Pag-iiba ng topic ni Albert.
"Guys, this is my girlfriend, Mitch. Alam niyo na naman siguro 'yun di ba?" ngumiti si Mitch sa kanila na agad naman nilang sinuklian pabalik maliban na lang kay Tyron na busy sa pagkain ng fries sa harap niya.
"Ito naman si Jaimie. Yep, pinsan siya ni Miko kaya umayos ka Yushi." Tinuro ni Albert si Jaimie na nahihiyang kumaway sa dalawang bagong lalaki. But then again, si Yushi lang ang may pake. Patuloy pa rin sa pagkain ng fries yung isa.
"This is Dolly."
"Hi! I'm Dolly." Magiliw na bati ni Dolly sa kanila.
"And this one's Lisha." nakita ko ang mabilis na paglipat ng tingin sa akin ni Yushi sabay kumaway siya sa akin. Napangiti naman ako doon.
Nagulat ako nang makita kong nakatingin sa akin si Tyron with that smirk plastered in his face.
Somehow his smirk reminds me of Deo's.
"So sino sa inyo ang taken na? I need to know for my science project." Natawa kami sa sinabi ni Yushi at sa biglang pagbatok sa kaniya ni Miko.
"Jaimie and Dolly are single." Natatawang sambit ni Mitch.
"Oh? Hindi na single si Lisha? Man! Kawawa naman 'yung isa sa tabi-tabi." Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi ni Yushi.
"Yep. Lisha's taken. So off limits na siya boys." Dolly added.
Nakita ko ang pagtapik ni Yushi sa likod ni Miko.
Whut?!
"Tol, I'm so sorry for your―aww!" hindi na natapos ni Yushi ang sinasabi niya nang sakalin siya ni Miko gamit ang braso.
"Huwag niyo na lang pansinin ang hapon na 'to. Kulang to sa sushi kaya kung ano-ano ang sinasabi." Miko kidded to change the topic.
Natapos na ang usapan naming at ang plano para sa outing namin. Napagkasunduan na sa darating na byernes kami pupunta doon at napagkasunduan ding two days and one night kami doon.
"Una na ako ha! Kailangan ko pang ihatid sina Mommy sa airport." Dolly hug me and bid her goodbye to the boys.
"Bye Dolly! Ingat ka ha." Mitch stated.
"Uwi na rin tayo. I have something to do pa rin." Pagaaya sa akin ni Jaimie. Tinanguan ko siya at inayos ang aking gamit.
"Sabay na kayo sa amin." Tawag pansin sa amin ni Yushi.
"Sure kayo?" Takang tanong ni Jaimie.
"Kaming tatlo lang naman. May date pa raw sina Albert at Mitch." Pumayag na kami ni Jaimie.