Unmasking XVIII

1.8K 55 5
                                    

"Mahigpit ba?" umiling-iling ako nang tanungin ako ni Jace. He's treating my wound.

"Okay lang ba si Calix?" I asked him. Nginitian niya ako at saka nagpatuloy sa paglagay ng gauze sa sugat ko.

"Malakas pa sa kalabaw ang gunggong na 'yon. And besides, he's with Effie. He'll be fine." Napahinga ako ng malalim.

Nadaplisan kasi ng bala si Calix sa may bandang tagiliran niya. Thank God at hindi iyon ganoon kalalim.

"How about Deo? Nakabalik na ba siya?" he paused for a bit at saka muling nagpatuloy. He fixed the gauze at saka umupo sa tabi ko.

"You should rest. Ihahatid ka na namin sa inyo bukas ng umaga. It's been a long day for you. Sleep Lisha." He smiled and left me inside the room.

Napabuntong hininga na lang ako. I reach the comforter and tuck myself in. sobrang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko ay sumali ako sa marathon. My wound is aching. Siguradong matatadtad ako ng tanong ni Mama kapag nakita niya ito.

Pabagsak na ang mga talukap ko nang makapa ko ang malamig na bagay sa leeg ko. It's the necklace that Deo gave me earlier.

Speaking of Deo, nasaan na kaya ang demonyong iyon? After he said those words to me ay natahimik na siya. Dumating ang ilan pang Tartarus at nakatakas na kami sa lugar na iyon gamit ang helicopter. Ang kaso nagpaiwan si Deo kasama si Orion. May lalaki kasing biglang dumating. He looks like Tuxedo Mask. Nagpakilala siya as one of the heads. Di ko na alam ang iba pang pangyayari dahil agad nila akong ipinasok sa helicopter kasama nina Effie.

I yawned while thinking about what happened earlier. Swerte pa ako kung tutuusin at nakalabas pa ako sa lugar na iyon ng buhay. Huhu! Lord, thank you po at humihinga pa po ako ngayon.




I've never imagined myself inside Satan's lair. Ano ba kasing buhay ang napasukan ko? Di ko naman ginusto na makuha ang maskarang iyon! Dapat talaga pinagdudahan ko na ang pagiging mura nung maskarang iyon eh! At isa pa, bakit ba kasi nadamay pa ako sa gulo ng mga taong ito? Bukod sa pagiging late at minsang pagkupit sa wallet ni Mama ay wala na akong ibang masamang gawain. Mabait naman ako eh!










Iika-ika pa akong maglakad papunta sa bagong building namin. We're transferred to another building dahil kasalukuyan pa ring under repair and investigation ang Aster Building. Balik na naman sa normal class ang lahat sa college department. At isang araw akong absent dahil sa sugat kong ito. Mabuti na lang talaga at hindi siya masyadong kumikirot.

Nakauwi na rin ako ng bahay kahapon. Hinatid ako ni Effie at Calix. Gumawa pa sila ng kwento sa tungkol sa sugat ko. Agad namang naniwala sa kanila si Mama, which is a good thing. Nabawasan ang inexpect kong sermon mula sa kaniya. Papasok na dapat ako kahapon pero di ako pinayagan ni Mama so ngayon na lang ako pumasok. Hinatid pa ako ni Kuya para di daw masyadong magalaw ang sugat ko.

Pero dahil napalayo ang bagong building kung saan kami pansamantalang magkaklase, siguradong mabibinat ang sugat ko. Hays, life. Masyado mo akong pinahihirapan!

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon