Unmasking VI

2.3K 75 3
                                    

Mask of what? Thanos? Thalos? Tomatoes?

"A-Ano bang pinagsasasabi mo?! And stop pointing your gun at me! Kung gusto niyo naman pala ng maskara ni Thanos, edi sana nanood na lang kayo ng Infinity War! Or atleast buy some merch!" I shouted at him. Bakit naman kasi may pagtutok pa siya ng baril?! 

Napatayo silang lahat nang ikasa ni Deo ang baril. Napakapit ako ng mariin sa bean bag na kinauupuan ko. 

"Hey, Deo. Chill! You don't have to shoot her." napalunok ako sa sinabi ni Azul. 

Why are they like that? Parang normal lang sa kanila na maglabas ng baril out of nowhere and point it to somebody!

Nanginig ang katawan ko nang humakbang palapit sa akin si Deo. 

"S-Stop!" hindi siya nakinig sa akin at patuloy pa rin sa paglapit. 

I tried to run pero narinig ko ang putok ng baril na siyang ikinatigil ko. Nabasag ang vase na nasa harapan ko. Nanginig ang mga tuhod ko at tuluyan akong napaupo. 

My body is shaking. 

I need to get out of here! That man is crazy! They are all crazy!

Naramdaman kong may humawak sa akin. Mabilis akong lumayo sa kaniya. 

"S-Stay a-away from m-me!" my voice broke. Hindi ko alam kung paano ako nakalayo sa lalaking naka-lab coat. 

I started to cry. I need to get out of here!  But how?!

"You gave her a trauma." the guy wearing a lab coat said at tumingin kay Deo. 

Parang wala lang ito sa kaniya at malamlam na tumingin sa akin. Lalo akong nanginig sa takot when our eyes meet. 

"I guess we don't have a choice." narinig kong nagsalita si Felice. Kasabay noon ay may naramdaman akong tinurok sa may parteng batok ko. Naramdaman ko ang pagkahilo at dumilim ang paligid ko. 




















Nagising ako sa isang madilim na silid. Only the lampshade on the bedside table ang nagbibigay liwanag sa kwarto.

"So, the little red riding hood is awake?" napabaling ako sa may left side ng kwarto.

I adjusted my eyes para makita siya.

Nahigit ko ang paghinga nang makita ko ang isang lalaki. Base sa suot niya, he's Deo. But the thing is wala na siyang suot na maskara and I can clearly see his face.

His eyes are like two blackwholes wanting to drown me inside. Singkit ang mga ito at malantik rin ang kaniyang mga pilik. He has a fair skin. Mestizo. I noticed his jawline at napalunok ako nang makita ko iyon. Damn fine man! Nagawi ang tingin ko sa buhok niya. Messy jet-black  haired. Bakit ganun? Nasaan ang hustisya? Every part of his body are complimenting each other!

"Are you done checking me out?" napabalik ako ng tingin sa mukha niya. He's grinning at me which give me chills.

Napaurong ako sa kinauupuan ko nang magsimula siyang lumapit sa akin. He's still have his gun for Pete's sake!

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon