Unmasking XXXVI

1.5K 56 3
                                    

Hi!  PAKIBASA NITONG NOTE NA ITO PARA MAINTINDIHAN NIYO ANG MGA TERMS NA SINASABI NG MGA CHARACTERS SKSKSKKSKS

ANNWN - (pronounce as annoon) pangalan ng underground city

DIYU - tawag sa arena kung saan ginaganap ang mga labanan sa pagitan ng mga grupo. 

SKULL GRANDE - kilalang bar sa Annwn (Nasabi na rin 'to sa previous chapter, 'yung lugar kung saan prosti si Layla)

'yun lang muna. Sige basa na ulit kayo hekhek


- S O M E O N E –

"Gago ka ba? Ba't mo dinala 'yan dito?" gulat na tanong ng lalaki nang makita kung ano ang laman ng likod ng van.

"Malaki ang halaga ng isang 'yan! Malaki ang makukuha natin kung isusubasta natin 'yan." Matigas na sagot sa kaniya ng babae.

"Subasta? Nahihibang ka na! Kapag nalaman nila ang ginawa mo, baka patayin ka nila! At hindi lang iyon, kilala mo kung paano magalit ang famiglia na kinakalaban mo!" napahawak na lang sa kaniyag sintido ang lalaki dahil sa ginawa ng kasama.

"Alam ko 'yon! Kung ayaw mo, edi huwag ka na lang makialam! Ako na ang gagawa tutal isa kang duwag!" bunghalit ng babae sa lalaki bago muling isinara ang likod ng van at nagmadaling pumasok sa driver seat.

Mabilis itong pinigilan ng lalaki at mahigpit na hinawakan ang braso nito.

"You'll regret this." Sa halip na pansinin ang sinabi ng lalaki sa kaniya ay agad itong kumawala sa hawak nito at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.

"Whatever!"




- C A L I X –

Napapikit na lang ako nang makita ko ang mga CCTV footages kung saan nahagilap si Lisha.

Shit.

"What is it?" malamig na tanong sa akin ni Deo.

Mabilis na natapos ang party dahil sa pagkawala ni Lisha. Naging abala kaming lahat sa pangangalap ng mga impormasyon.

"Si Cynna." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at maging ang mga kasama naming sa silid.

"Cynna? That bitch from Mikro?" tumango ako sa sinabi ni Effie.

"What the hell? Akala ko ba nakausap na natin ang Kosmos about doon? Akala ko ba hindi muna sila gagalaw hangga't hindi pa nagpapakilala bilang bagong mafia boss si Deo? Are they shitheads?!" nahulog kaming lahat sa malalim nap ag-iisip dahil sa sinabi ni Effie.

She's right. Kosmos claimed truce until Tartarus declare the new leader. Pero bakit sila nagsimulang gumalaw?

"Prepare yourselves." Naalerto kami sa biglang pagsasalita ni Deo.

Blangko ang kaniyang mukha ramdam na ramdam ko ang lamig ng kaniyang aura.

"We're going to Annwn."

Nagkatinginan kaming mga Saints dahil sa huli niyang sinabi bago lumabas ng silid kung nasaan kami.

"He'll gonna do it?" nangangambang tanong ni Effie.

Napahilot na lang ako sa aking sintido.

Mahaba-habang gabi ito.


"Yow, Tartarus! What seems to be the problem?" Nagkaroon ng tension sa loob ng Diyu nang pumasok mula sa pinto ang Mikro kasama ang anak ng Kosmos na si Trajan.

"Ang tigas din talaga ng mukha nitong si Ares. Akala niya nakalimutan ko na ang ginawa niyang pagsabotahe sa misyon ko." narinig kong reklamo ni Orien sa tabi ko.

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon