Unmasking XLIII

1.4K 44 11
                                    

Napapikit ako nang sinimulang tahiin ni Jace ang daplis ng bala sa bewang ko. Luckily na daplis lang iyon at walang bala na pumasok sa loob ng katawan ko at sirain ang mga internal organs ko. masyado lang talagang overacting si Deo kanina.

"There. Huwag ka na lang masyadong kumilos para di bumuka yung tahi." Mariin ko siyang tiningnan. Kalmado ang mukha niya maging ang tono ng kaniyang pagsasalita na tila walang nangyayaring kaguluhan sa labas.

"Why are you so calm?" habol na tanong ko sa kaniya habang pinapanood siya sa ginagawa niya sa mga hologram screens.

Nandito kaming dalawa sa loob ng Elysium. Mali man sa sitwasyon pero namangha ako nang wala man lang akong naririnig na kahit anong kaguluhan sa labas dito. Masyado itong secured.

Dahil nandito ang lahat ng tinatago nila...

Nagtama ang mga mata namin at ngumiti siya sa akin.

"Because I know their capabilities and I trust them enough." Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang basong tubig.

"Tartarus is not just a mafia; Tartarus is our family. And this is our Casa. This is our home. Hindi nila hahayaang masira ang nagiisang lugar na kumupkop sa kanila nung mga panahon na tinalikuran sila ng lahat." I was dumbfounded by what he said.

Wala akong masabing salita matapos ang sinabi niya. Wala sa oras na humanga ako pero hindi ko mapigilan. They trust each other so much...

And I think that is beautiful.

Naagaw ang buong atensyon ko nang may ipalabas sa hologram screen ang nangyayari sa labas. Many bodies are on the ground. Ang malawak na training field na dati'y kulay luntian, ngayon ay binabaha na ng dugo.

Natuon ang buo kong pansin ko sa isang screen kung saan nakapokus sa lugar kung nasaan ang Saints at si Deo. Calix is on a hand to hand battle with a guy na mayroong hawak na dagger sa kamay. Sa kalapit niya ay si Effie na nakikipagpalitan ng putok ng baril sa kung sino mang makakalapit sa form na binuo nila. Orien is with his shotgun at nakatago siya sa malaking bato. Deo on the other side is with my father at inaalalayan niya ito dahil may tama ito sa kaniyang dibdib.

O my God! Papa!

"S-Si Papa!" naalarma ako sa aking nakita at akmang tatayo sa clinic bed kung nasaan ako nang mabilis na nakalapit sa akin si Jace at pinigilan ako.

"Stay there." Mariin niyang saad.

Kunot-noo ko siyang tiningnan mata sa mata.

"Make me." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko dahil mabilis ang aking naging pagkilos at natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakawala na mula sa kaniyang pagkakaharang. Parehas kami ni Jace na nagulat sa nangyari.

Did I just

Hindi ko na natapos ang aking iniisip nang makita ko ang muling pagkilos ni Jace para pigilan ako. Wala na akong sinayang pang oras at mabilis kong hinanap ang daan palabas ng Elysium.

I can't let my father die out there. Not within my watch.

"Lisha!" nakita ko ang bulto ni Jace na lumalapit na sa akin. No. I can't stay.

"Lisha please! He'll be fine! Deo and the other Saints are with him!" narinig kong sigaw niya habang patuloy akong hinahabol.

Naramdaman ko ang kirot sa aking tagiliran. My wound's starting to bleed at tumatagos na 'to sa suot kong damit. Dahil natuon ang atensyon ko rito ay hindi ko namalayan ang bagay na nasa harapan ko. Natapid ako sa paa ng lamesa na aking nadaanan at napaupo ako sa sahig.

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon