Unmasking III

2.9K 89 5
                                    

The whole dinner ay tahimik kaming lahat. Nakikiramdam si Mama sa mga kilos ni Papa. My father's not that talkative. Hindi siya yung palakwento. Pero ngayon, mas naging malala ang pagkatahimik niya. Sobrang seryoso niya lang sa pagkain at walang binabanggit tungkol sa nangyari. Walang nagtatangka sa amin na magsalita. Maski si Kuya na madalas ay maraming kwento, natutop ang bibig at tahimik lang na kumakain.

May certain aura kasi si Papa ngayon na never pa naming nakita sa kaniya. That vibe na hindi mo dapat galawin. Kasi kapag ginalaw mo, you may pull the trigger.

After ng hapunan ay dumiretso si Papa sa kwarto nila ni Mama. Agad naman akong lumapit kay Mama at tinulungan siya sa paglilinis ng pinagkainan.

"Ma, okay lang ba si Papa?" agaran kong tanong kay Mama.

Ngumiti siya sa akin at binigyan ako ng kaltok sa noo.

"Okay lang ang Papa mo, ano ka ba?" maliit ang kaniyang mga ngiti.

"Hindi ko ganoong kilala si Theodore. Nakilala ko lang siya ay noong araw na isinugod ka namin sa ospital dahil sa sakit mo." Nagsimula siyang magkwento.

"Nagulat ako dahil kinausap siya ni Lito noon. Hindi ko kasi alam na may kaibigan pala siyang yayamanin." May kaunting hint ng pagbibiro sa boses niya.

She's right. Hindi naman kasi kami ganoon kayaman. Kumbaga nasa middle class ang pamilya namin. And hindi ko alam na ganoon kayaman si Tito Theodore. I thought maliit na kompanya lang ang pinapatakbo niya. Carson Group of Companies pala?!

"Ngayon ko nga lang din nalaman na siya pala ang may-ari ng CGC. Hindi rin sa akin naikukwento ni Lito ang tungkol doon. Kilala mo naman ang papa mo di ba? Hindi iyon pala-kwento. Malay natin may lihim pala siyang relasyon sa Theodore na 'yon." Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Tumawa naman siya ng malakas.

Napailing na lang ako. Bakit ba ganito ang nanay ko?







Malalim na ang gabi ay hindi pa rin ako makatulog dahil naba-bothered ako sa nangyari kanina. If ever lang naman, ako ang huling taong nakausap niya after his flight. Or maybe not? Pero paano kung ako nga? Haluh! Ayokong multuhin ni Tito!

Another thing that creeps me out ay yung huli niyang sinabi sa akin...

"Mag-iingat kayo lagi ha. Huwag na huwag kang magpapakuha sa kanila.."

Huwag na huwag kang magpapakuha sa kanila...

Kinilabutan ako nang marinig ko ang kaniyang boses sa isipan ko. Sino naman ang kukuha sa akin? Bakit naman ako magpapakuha? Bakit may kuhaan na magaganap? Bakit ako? Bakit?!








Maaga akong pumasok sa classroom namin. Ikinagulat pa nga ng ilan sa mga blockmates ko ang pagiging maagap ko.

Maagap nga ako pero lutang ang pakiramdam ko. And this is the main reason kung bakit mas gugustuhin ko pang maging late kesa maagap gumising. Mas gugustuhin ko pang maging late at fresh ang mukha kesa sa maagap na lutang na nga ang isip ko, fresh na fresh pa ang eyebags ko.

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon