"Are you ready?" tanong ko kay Maarika nang matapos naming ayusin ang mga gamit na kakailanganin namin para sa aming unang mission.
"It'll be our last day here." napakunot ang noo ko nang makita ko ang malungkot niyang itsura.
"What's with the face, Maarika? Huwag mong sabihing nagdadalawang isip ka?" mariin niya akong tinitigan.
Napabuntong hininga ako nang makumpirma ko iyon. She is in doubt. This is not good.
"They are expecting and ito na ang araw na hinihintay natin. We can go back to Kosmos after this." umiwas siya ng tingin sa akin.
"Maarika..." nakita ko ang mariin niyang pagpikit at tila ayaw niyang tanggapin ang mga sinsabi ko.
"I don't want to do it." I gritted my teeth when i heard the words that came out from her.
She became weak... at iyon ang kinakatakutan kong mangyari.
"Maarika!" hindi ko na napigilan ang pagtaasan siya ng boses. "We don't belong here! Baka nakakalimutan mong this is all part of our plan?" masamang tingin lang ang natanggap ko mula sa kaniya.
"I don't want to be a traitor." hindi ko napigilan ang mapait kong pagtawa dahil sa mga salitang narinig ko mula sa kaniya.
"Anong pinagsasasabi mo?" hinawakan ko ang mga balikat niya at iniharap ng sa akin.
"Baka nakakalimutan mong hindi naman talaga tayo parte ng famiglia na 'to, Harriette?" nakita ko ang panlalaki ng mata niya nang tawagin ko siya sa tunay niyang pangalan.
"Harriette Kosmo." marahas niyang inalis ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak ko sa kaniya.
"Don't you dare call me that name here!" mariin ko siyang tinitigan sa mata.
"Wake up, Harriette! Huwag mong sabihing lumambot na ang puso mo dahil sa mga Saints? O dahil kay Theo?" napasinghap siya dahil sa naging tanong ko.
I knew it. Napahilamos na lang ako ng aking mukha nang makuha ko ang gusto niyang mangyari. She wants to withdraw from our plan.
Maarika and I? We're not what others think. Hindi kami mga batang palaboy-laboy na kinupkop ni Luthor at dinala sa Casa para bigyan ng bagong buhay. It was all part of the plan. Maarika is Harriette Kosmo, the daughter of Kosmos. And I am Lander Garcia, Harriette's protector. Kosmos was known as the weakest famiglia in our division. Almost all our transactions were being sabotage by other stronger famiglias. But having Harriette as the mafia's brain becomes different. And kung bakit kami nandito? It was her idea. Both of us were assigned to be Kosmos' insiders to bring Tartarus down. Mataas na pangarap ng famiglia but it was a great plan. No one knows who we really are up until now. And our plan will soon succeed because tomorrow we will get the mask from the hands of Tartarus.
But this behavior of Maarika is way out of our plan.
"Bullshit, Harriette! Naisip mo ba kung anong magiging tingin nila sa'yo once they know that you're a spy all along? Sa tingin mo ba kikilalanin ka pa rin nila bilang Maarika? You're a Kosmo! Hindi nila iyon palalampasin, so stop using your weak heart and start to use your brain—" napatigil ako sa malakas na sampal na natanggap ko mula sa kaniya.
"I-I don't w-want to live l-like this anymore." naramadaman ko ang paglapat ng mukha niya sa dibdib ko. I noticed how her shoulders shake. She's crying.
"I w-want to live a n-normal life, Lander." iniwas ko ang aking tingin mula sa kaniya. Simula nung mga bata kami, I never saw her crying. Nakilala ko siya as a strong girl with a carefree smile. 'Yung tipong akala mo hindi siya binibigyan ng pressure ng mga magulang niya as the heiress of our famiglia.