-O R I E N-
I sighed for the nth time. Sumasakit na ang leeg ko kakalingon sa mga taong naglalabas-masok sa isang Chinese restaurant na nasa may gilid ng bangkenta. Deo was beside me looking so serious habang sinusuri ang bawat taong naglalakad sa paligid.
Minamanmanan namin ang isang Chinese restaurant na may pangalang Lao Tzu. We received a lead na under this restaurant ay isang underground haven for illegal transactions and auctions. One of our reapers encounter a group na may hawak di umano ng half of the mask of Thanatos. At ibebenta daw nila ito ng malaki sa auction.
I checked my phone nang maramdaman ko itong mag-vibrate. It was a message from Calix.
"Lisha's awake." Nakita ko ang mabilis na paglingon sa akin ni Deo at ang muling pagbalik nito sa mga taong naglalakad.
"Ano nang plano mo?" I added, reffering to those guys na kumidnap kay Lisha. Under sila ng isang maliit na gang sa South na under din ng Wheel Burners. Wheel Burners are moving slyly and they are making Deo angry.
Hangga't maaga, sinisigurado talaga nila na mapatumba ang susunod na heir ng Tartarus. They really want us out of the lead. Suckers.
"From now on, as much as possible, we need to stick to Lisha and her family twenty-four-seven. We can't risk her. Not now."
-L I S H A-
"Mag-ingat ka ha. Yung inhaler mo ha wag mong iwan sa bahay. May mask ka na rin, okay? Gamitin mo lahat yun. At huwag matigas ang ulo, Lisha Kaye." I pouted before opening the car's door.
"Opo. Sige na at baka maabutan pa kayo ng traffic. Malayo-layo pa ang biyahe niyo. Ingat, Pa." I bid him my goodbye. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.
Agad din siyang nagpaalam saka umalis. Inihatid niya muna akong school bago siya bumalik sa trabaho niya. Ilanga raw siyang nag-file ng leave para umuwi dito nang malaman niyang na-ospital ako.
I walk my way through our room at habang nasa hallway ako ay nakita ko ang isang parte ng Aster Building na kasalukuyan pa ring inaayos dahil sa nangyaring sunog dito. Nakita ko ang bulto ni Detective Dustin na seryosong nagsusuri ng bawat bagay sa kaniyang paligid.
Should I tell him kung ano talagang nangyari and who's the one behind it?
"Hey." Napalingon ako kay Miko na tumawag mula sa gilid ko. Tiningnan niya rin ang tinitingnan ko.
"According to the school officials ay malapit na daw matapos ang renovation ng Aster Building by next week." Napatango-tango ako sa sinabi niya.
Sabay kaming naglakad papuntang room. At nang makapasok kami ay naabutan namin si Sir A, ang balita naming prof.
Ang aga naman niya ata ngayon?
Sabay kami ni Miko na bumati sa kaniya ng good morning at saka kami nagatuloy sa mga upuan namin. Wala naman siyang sinabi sa amin na sermon o kahit ano, pero nakita ko ang pag-irap niya sa akin at saka siya nagpatuloy sa discussion niya.
Nang makaupo ako ay tinaasan ko ng kilay si Dolly na nakakunot ang noong tinitingnan ako.
"Magkasabay na naman kayo." She whispered. I rolled my eyes at her and sighed.