Unmasking II

3.2K 92 6
                                    

Naalimpungatan ako sa malakas na katok sa pinto ng kwarto ko.

"Hoy bunso, gumising ka na! Late ka na naman sa klase mo!" rinig kong sigaw ni Kuya.

Kinuha ko ang phone ko sa may table at tiningnan ang oras.

7:05...

Agad akong napatakbo papuntang banyo at agad na naligo.

Putek! Late na naman ako! Seven ang start ng first class ko! Putek talaga!


Paglabas ko ay naabutan ko si Mama na kausap ang isang tenant namin at nakakunot ang noo nito. Napailing na lang ako nang marinig ko ang matinis niyang boses. Pinapagalitan na naman niya yung lalaking tenant namin na hindi naglilinis ng apartment niya. Ang dami na kasing nagrereklamo dahil nangangamoy basura na daw ang kalapit apartment ng lalaking yun. Aysus! Ka-turn off si koya, maitsura pa man din!


"Ma! Alis na po ako!" hindi siya lumingon sa akin at patuloy pa rin siya sa pagtalak sa tenant. 



Hingal na hingal akong tumatakbo sa hallway. Walang mga estudyante  dahil nasa loob na sila ng kanilang mga room. Malamang! Halos kalhating oras din akong nagbyahe plus the main fact na traffic sa bansang ito, duh!

Malapit na ako sa room namin nang mapansin ko ang isang lalaking nasa may bukana ng pintuan ng dean's office.

Oh my gosh! Si Casper babes ba yun?!

Huminto ako at nagtago sa gilid habang sinusulyapan ko pa rin ang lalaki. Naka-ripped jeans siya at pink na hoodie. May kausap siya sa loob ng dean's office. Bale nakalabas na siya ng pinto at nakikipagkwentuhan pa rin doon. 


Anong ginagawa ng isang Casper Sindel dito?


Nagulat na lang ako nang biglang mag-ring ang bell at naglabasan ang mga estudyante sa kani-kanilang mga silid. Nawala na rin sa paningin ko si Casper. Naabutan ko ang paglabas ng prof namin sa first subject...


Shet sa second subject na nga lang ako papasok!



Nang mag-recess ay agad akong nagpunta sa food court, oo food court. Sosyal kasi ang Saledo University. Ayaw nilang nagugutom ang mga estudyante kaya food court ang ginawa nila imbes na maliit na canteen pero mahal naman ang paninda. 

Naabutan ko sa usual seat namin si Dolly habang umiinom ng lemonade niya. Dala ko ang tray na inorder ko at umupo sa tabi niya. 

Si Dolly ay nakilala ko nung first year ko dito sa university. Parehas kami ng course pero magkaiba kami ng schedule. Hindi naman sa hindi ako friendly, like duh! Hospitality major ako no! Approachable kaya ako. Marami naman akong kakilala sa university pero si Dolly lang ang lagi kong kasama kasi magkaklase kami sa first three subjects namin bago mag-recess. At saka parehas kami ng org kaya mas close kami.

"Hoy babaita! Late ka na namang nagising kaya di ka nakapasok ng first subject ano? Naku! Pasalamat ka wala masyadong ginawa ngayon. Imbyerna ka na kay baklita." ngumiwi na lang ako sa kaniyang sinabi. 

Baklita kasi yung prof namin sa first subject. Laging mainit ang ulo sa akin. Lagi daw akong late! Sus! Eh yun ngang isa naming blockmate na taga-engineering lagi din namang late pero di siya nagagalit. Porke't gwapo lang eh!

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon