Prince POV
Nandito na ako ngayon sa room namin katabi ko ngayon si pareng Alexa, nasabi ko bang sya lang yung nag iisa kong kaibgan dito? Sya lang kasi yung nakakatagal sa mga gusto ko. Sa tulad ko kasing nerd ang hilig ko lang ay ang mag basa, mag basa, mag basa at mag basa ng mga libro. Palagi akong nasa library at lagi ko syang kasama dun, kung wala naman ako sa library ang ginagawa ko naman eh ang sundan yung babaeng gustong gusto ko, si sexy lady.
Sexy Lady na ang tawag sa kanya ng lahat dito, kasi napaka sexy nya talaga sobra. Ang totoo nyang pangalan ay Francheska Montez.
Kamusta na kaya sya ngayon? Nakita ko lang sya kanina pero parang gusto ko na ulit sya makita. Ganto ba talaga ang feeling pag inlove ka? Gusto mo na lagi syang nakikita, at tuwing di mo naman sya nakikita halos di ka mapakali. Siguro nga pag ibig na yung nararamdan ko para sa kanya. Pero paano ko naman sasabihin sa kanya na Gusto kita kung di naman nya pinapansin ang katulad ko? Saka pano ko masasabi kung palagi syang napapalibutan ng mga heartthrob dito sa campus namin? Ano ba naman kasing laban ko sa mga heartthrob diba, wala akong kalaban laban sa kanila. As in wala talaga ! Hays.
"Ok class.. May lilipat dito sa room nyo galing sa kabilang section. So magiging bago nyo na syang classmate" sabi ng adviser namin tapos tumingin sya sa may pintuan "Pwde ka ng pumasok" sabi pa nito, at pumasok na nga sa room namin si..
Francheska Montez? OoO
Si sexy lady ang bago naming classmate.. Hala pano na toh, kinakabahan ako.. Ewan ko kung bakit, siguro sobrang natutuwa lang ako dahil classmate ko na sya at ibig sabihin nito.. Matagal ko na syang pwdeng makita.. Yes ! Yes ! Yessss ang saya nito pag gantong araw araw pwde ko ng masilayan ang mahal ko.
"Hoy! Itikom mo yang bibig mo, masyado kang nakanganga" sabi ni pare. Kaya napatingin ako sa kanya
"A-ah sorry naman" sabi ko at tumingin na ulit ako sa unahan kung saan nakatayo parin si sexy lady
"Grabe magiging classmate na natin sya? Mukang masasapawan na yung ganda ko ha" sabi nung isa kong clasamate na babae
"Pare.. Mukang gaganahan ako pumasok araw araw nito ha"
"Kaya nga pare.. Ako rin , parang wala na akong balak mag cutting basta makita ko lang sya" sabi naman nung dalawa kong classmate na lalaki na nag uusap.
Napakunot naman tuloy yung noo ko nung marinig ko yung pinag uusapan nila. Para tuloy gusto kong isigaw na AKIN LANG SI FRANCHESKA ! Pero di pwde eh, wala kasi akong karapatan.
"So miss Montez , di mo na kelangan mag pakilala sa kanila dahil obvious naman na kilalang kilala ka na nila" sabi ni adviser
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...