Alexa POV
Nag aalala ako kay Prince na baka hindi nya magawa yung pinapagawa sa kanya ni Darren, kapag di nya nagawa yun paniuradong aalis sya sa school na toh at hindi ko na sya makakasama. Bakit ba kasi pumayag sya sa ganung kasunduan eh, puro nalang kasi sya Francheska hindi man lang nya ako naisip na kapag di nya nagawa yan iiwan nya ako dito mag isa.
"Alexa, anong meron?" tanong ni Aaron na bagon dating lang
"Natatandaan mo yung kasunduan nila Prince at Darren? Ayan na yun.. sa loob ng isang oras dapat may yumakap sa kanya na benteng babae, kapag hindi nya nagawa yun aalis sya sa school na toh"
"Ano?! Pumayag sya sa ganun?"
"Ewan ko ba dyan! nakakainis nga yan eh"
"So ilang minuto nalang ba ang meron sya?" tumingin ako sa orasan ko
"30 minutes" sagot ko
"Halika sumama ka sakin"
"Saan? Ayokong iwan si Prince dito baka kung anong gawin sa kanya ni Darren"
"Hindi mo naman sya iiwan eh, tutulungan nating sya ok?"
"Anong gagawin natin?"
"Basta tara na" pag katapos hinila nya ako palayo sa field
"Oh ngayon ano ng gagawin natin?" tanong ko sa kanya pag hinto namin sa pag lalakad, ngumiti lang sya sakin, pag tapos tinawag nya yung dalawang babae na dumaan
"Hi miss" nakangiti nyang sabi sa mga toh
"H-hi Aaron" kinikilig nyang sabi
"Gusto nyo ng kiss and hug mula sakin?" tanong nya kaya napataas yung kilay ko
"Talaga? libre?" tanong ng isa
"No, nakikita nyo ba yun si Prince?" turo nya kay Prince
"Yeah si Prince of nerd" sabi nila
"Hoy wag nyo syang tatawagin na ganun!" irita kong sabi sa kanila
"Oh chill lang, ganto mga girls, kiss and hug mula sakin yakapin nyo sya pag katapos nun bumalik kayo sakin at matatanggap nyo na yung premyo nyo" nag katinginan yung dalawang babae
"Ok" sabay nilang sabi at lumapit agad sila kay Prince, tumingin ako kay Aaron at nag thumbs up sya sakin
"Ok ba?" tanong nya
"Oo, pero dalawa palang yan eh" tumingin ako sa relos ko "20 minutes nalang ang meron sya" sabi ko
"Wag ka mag alala dyan ka lang, ako na bahala" pag katapos nun umalis na sya kaya naman tumingin ako kay Prince, niyakap na sya ng dalawang babae kaya nakahinga ako ng maluwag.. Pag katapos nun nakita ko nalang yung mga babae na nag lalapitan kay Prince at niyayakap sya..
"3... 4... 5... 6... 7.... 8.... 9.... 10... 11... 12.... 13.... 14.... 15.... 16... 17... 18... 19..." pag bibilang ko sa mga babae na yayakap sa kanya
"Alexa, ok na ba?" tanong ni Aaron
"Saan ng galing yang mga yun?" tanong ko sa kanya
"Dyan lang sa tabi tabi, ok na ba" nakangiti nyang sabi
"Eh 19 palang kulang pa ng isa"
"Edi ikaw nalang yung yumakap sa kanya"
"Pinag bawalan ako ni Darren na gawin yun" tumingin ako sa mga babae na nag lalapitan pa kay Prince, pero hinarangan na yun ng barkada ni Darren "Ang daya naman nila eh" naiinis kong sabi at tumingin ulit ako sa orasan ko "Dalawang minuto nalang ang natitira... mukang aalis na si Prince dito" malungkot kong sabi
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...