Francheska POV
*Linggo....*
"Cheska anak bilisan mo dyan" sabi ni mommy sakin, nandito kasi ako sa kwarto ko nag aayos para pag handaan yung mga pupunta dito samin, kelangan daw kasi maayos ako sa harapan nila.
"Opo mom" wala kong ganang sabi
"Sumunod kana sa baba ha, mamaya nandito na sila" sabi pa nya... hindi ko na sya sinagot dahil sa totoo lang wala akong ganang humarap sa kanila. Ang nasa isip ko lang ngayon ay si Prince.
Iniwan ko syang natutulog sa may condo, hindi ko na sya ginising kasi hindi ko alam kung paano ako mag paalam sa kanya, kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Ayoko syang masaktan, pero anong magagawa ko? Paano ako tatakas sa gantong bagay? Kung nakahanda na ang kasal ko sa lalaking hindi ko naman gusto. Kapag hindi ako pumayag mag pakasal sa kanya ipapakulong nila ang daddy ko dahil sa malaking utang nito na hindi nababayaran sa kanila.
Hindi ko na alam yung gagawin ko, kapag tumakas ako ang daddy ko ang mapapahamak. Kapag pumayag naman ako sa kasal kaming dalawa ni Prince ang mag hihiwalay!.
*sigh*
"Anak" narinig ko yung boses ni daddy kaya naman pilit kong inayos yung sarili ko.
"Yes dad? Matatapos na po ako" sabi ko, pinatong nya yung kamay nya sa balikat ko.
"Nakapag paalam kana ba sa kanya?" tanong ni dad kaya naman nalungkot ulit ako.
"..... Hindi pa dad, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat" sagot ko, pumunta sya sa harapan ko.
"Sorry anak, kung ikaw yung agiging kabayaran sa lahat ng pag kakamali ng nagawa ko" malungkot na sabi ni dad
"Wala naman akong magagawa dad eh, nagawa mo na eh... nang yari na, kaya ngayon mag papakasal ako sa lalaking hindi ko gusto, paano na yung kaligayahan ko dad? Kay Prince lang ako masaya dad" hinawakan nya yung dalawa kong kamay
"Anak matutunan mo din syang mahalin kapag nag sama na kayong dalawa"
"Dad imposible kasi wala naman akong nararamdaman sa kanya"
"Anak please, gusto mo bang makulong ang daddy mo?" tanong nya kaya naman napayuko ako at umiling nalang "Kung ganun, hayaan mo ng makasal ka sa kanya... alam ko na hindi ka nya sasaktan at alam ko din na iingatan ka nya"
"Pero hindi ako magiging masaya sa kanya" sabi ko pag tapos inalis ko na yung kamay ko sa pag kakahawak nya at nag lakad na ako palabas ng kwarto ko. At habang humahakbang ako papunta sa sala, para namang unti unting nadudurog ang puso ko.
***
Darren POV
"Tita" bati ko sa mommy ni Francheska pag dating namin ng parents ko sa bahay nila.
"Oh buti naman nandito na kayo" sabi nya
"Yes tita, si Francheska po?" tanong ko
"Pababa na yun... halika umupo muna kayo" sabi nya kaya naman umupo na kami nila dad "Saglit lang ha, ipag hahanda ko lang yung ng maiinom" nag nod nalang ako sa kanya kaya naman umalis na sya
"Magiging asawa mo na ang matagal mo ng pinapangrap na babae" sabi ni mommy
"Yes mommy... at sobrang saya ko" nakangiti kong sabi
"Sigurado kaba na sya na yung babaeng gusto mo?" tanong ni dad
"Opo dad, sya lang at wala ng iba pa" sagot ko.
Oo ako yung lalaking papakasalan ni Francheska. Nung nalaman kong may malaking utang ang daddy nya sa daddy ko at hindi alam ng daddy nya kung paano makakabayad dito, balak na sana nyang ipakulong ang daddy ni Francheska pero pinigilan ko yun... pumayag naman si daddy na hindi na ipakulong ang daddy ni Francheska, kapalit ng pag papakasal nya sakin. At syempre tuwang tuwa naman ako, dahil sa wakas magiging akin na yung babaeng mahal na mahal ko.
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...