SLNB 35

187 6 0
                                    

Alexa POV

*Kinabukasan sa school...*

"Prince" tawag ko sa kanya pero parang wala sya sa sarili nya dahil tuloy tuloy lang sya sa pag lalakad. Kaya naman tumakbo na ako papunta sa kanya. "Huy Prince" sabi ko sabay tap ng balikat nya kaya napatingin na sya sakin

"Uy, ikaw pala bakit?" tanong nya

"Bakit parang namamaga yung mata mo? Umiyak ka ba?" tanong ko sa kanya, napaiwas naman sya sakin ng tingin

"Hindi ah, ano lang napuyat lang kagabi" paliwanag nya

"Umm ok sabi mo eh, tara na pasok na tayo" sabi ko, natigilan naman kami sa pag lalakad ng bigla naming nakita sila Darren na nakaakbay kay Francheska. "Bakit nag kaakbay si Darren sa girlfriend mo?" tanong ko pero hindi sya sumagot nakatingin lang sya sa dalawa.

"Babe so dinner tayo later ha" sabi ni Darren kay Francheska pag daan nila samin, tumingin lang saglit si Francheska kay Prince kaya napatingin din ako kay Prince.

"Babe? Wala na ba kayo?" tanong ko kay Prince

"Ikakasal na sya" malungkot na sabi ni Prince

"Ikakasal? Teka diba girlfriend mo sya? Tapos ikakasal na sya sa iba?" naguguluhan kong tanong

"Hindi ko na sya girlfriend, wala ng kami" sabi nya pag tapos nag lakad na ulit sya

"Hoy teka saan ka pupunta?" tanong ko pero di nya ako sinagot kaya sinundan ko nalang sya.

***

Nakarating kami sa parking lot pag tapos sumakay sya sa kotse nya.

"Hoy wag mong sabihing hindi ka papasok?" tanong ko

"Wala akong ganang pumasok" sabi nya

"Pero Prince, hindi ka naman sanay na hindi pumasok ha" sabi ko

"Sumakay ka" sabi nya

"Ha?" tanong ko

"Sumakay ka!" parang galit nyang sabi kaya naman sumakay na ako sa kotse nya, at pag sakay ko pinaadar nya agad yun.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko

"Dun sa lugar kung saan pwde akong makalimot" sabi nya

"Prince ano bang ng yari ha?" tanong ko, hindi ako sanay na nakikita syang ganto kalungkot, yung para bang wala ng pag asa para sumaya pa sya.

"Hindi ko din alam, kaya nga ako naiinis eh. Akala ko akin na talaga sya tapos bigla nalang ganto ikakasal na pala sya sa iba. Ang daya sobra! Ilang araw lang ako naging masaya tapos grabe naman yung lungko na kapalit!" sabi nya sbay palo s manebela

"Prince tama na baka naman mabangga tayo" sabi ko pag tapos tinabi nya yung sasakyan at bumaba sya.

"HAAAAAA! BAKIT NYO PA SYA BINIGAY SAKIN KUNG BABAWIIN NYO DIN NAMAN AGAD!" sigaw nya kaya naman agad akong bumaba at nilapit sya

"Prince, ano ba tama na yan" awat ko sa kanya

"Masakit eh, sobrang sakit!" naiiyak nyang sabi

"Prince tama na" sabi ko tapos niyakap ko sya "Wag kang mag alala kahit anong mang yari nandito lang ako" sabi ko

"Sana hindi nalang naging kami para hindi ako nasasaktan ng ganto. Bakit kasi pinilit ko pa yung sarili ko na maging kami, bakit kasi minahal ko pa sya?" naiyak na nyang sabi kaya hindi ko na alam yung gagawin ko. Hindi ko kayang nakikitang umiiyak si Prince.

"Prince tahan na" sabi ko habang hinahagod ko yung likod nya

"Mahal na mahal ko sya eh, mahal na mahal ko" iyak pa din sya ng iyak

Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon