Francheska POV
Habang nag lalaro ako ng biiliard hindi ako mapakali kaya naman tingin ako ng tingin kung nasaan nakaupo si Prince, para syang inosente sa gantong lugar ganyan siguro talaga pag nerd ka dahil puro pag aaral lang ang alam mo at napakabait mo pang tao. Tss bakit ba kasi sumama pa sya sakin dito
"Hoy eka ikaw na" sabi sakin nitong kalaro kong si Nate
"Ok" sabi ko then sabay tira, dahil last ball ko na sya at na ishoot ko pa edi nanalo na naman ako sa kanya
"Langya naman oh, palagi nalang akong talo sayo" sabi nya habang nag kakamot pa ng ulo
"Malamang, ako pa kasi hinamon mo eh" tapos inabot ko na sa kanya yung tako sabay tingin kay Prince
"Kaibigan mo ba yun ha?" tanong nya
"Bakit?"
"Wala lang, hindi lang ako makapaniwala na may kaibigan kang nerd" tumingin ako sa kanya sabay batok
"Hindi porket nerd sya di ko na sya pwdeng maging kaibigan, tinginan mo nga mas pogi pa nga sya sayo eh"
"Paano naging pogi ang isang nerd? Ang baduy kaya nya pumorma"
"Tss.. kasi kayo mapang husga kayo, tinitingnan nyo lang yung pang labas na anyo" pag tapos nun lumapit na ako kay Prince
"Ah tapos kana mag laro?" tanong nya
"Obvious ba?"
"Ahm edi babalik na tayo sa school?"
"No.. kelan ba bumalik sa school ang mga nag cacutting ha?"
"Pero kasi--"
"Kung gusto mong bumalik dun, edi bumalik kana basta ako dito lang ako" at nag lakad na ako papunta sa isang table, pag upo ko nag si lapitan sakin yung ga barkada ko dito. Apat lang sila dalawng babae dalawang lalaki.
"Hey Cheska, long time no see ha" sabi ni Erwin
"Yeah akala ko nag paka good girl kana talaga eh" sabat naman ni Riza
"Marami lang akong inasikaso, masyado lang naging busy kaya ngayon nalang ulit ako nakapunta dito"
"Busy saan? Dun sa kasama mong nerd?" sabi ni Loraine tapos sabay sabay silang tumawa
"Anong nakakatawa?" inis kong sabi kaya tumigil na sila sa pag tawa nila
"Nothing, di lang kami makapaniwala na mag sasama ka ng nerd dito" sabi naman ni Enzo
"Ok lang yan Enzo, wala naman nakalagay sa labas na no pets allowed dito eh" sabi pa ni Loraine tapos nag tawanan na naman sila, tumayo na ako sa pag kakaupo ko kaya tumigil ulit sila sa pag tawa nila
"Anong karapatan nyong laitin sya ha? Baka nakakalimutan nyong kasama ko sya dito.. kaya kung sino man ang mang lait sa kanya, malalagot sakin!" galit kong sabi
"Ok chill.. nag bibiro lang naman kami eh" sabi ni Erwin at pinaupo nya ulit ako
"Pag sabihan nyo yan" sabi ko habang nakatingin ako ng masama kay Loraine, sumenyas naman si Erwin kay Riza na ilayo muna sakin si Loraine
"Tara sis dun muna tayo" sabi nito sa kanya kaya naman umalis na silang dalawa.
"Pasensya na bro" sabi ni Enzo tapos umupo na silang dalawa ni Erwin sa tapat ko, hindi ko nalang sila sinagot, tumingin nalang ako kung nasaan si Prince.
Ano bang ginagawa nya dun? Bakit ayaw nya lumapit dito?
"Gusto mo tawagin ko sya?" tanong ni Enzo
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...