SLNB 28

191 8 0
                                    

Francheska POV

Tiningnan ko ng masama si Darren pag tapos nun lumapit ako sa kanya at tinulak ko sya...

"Ang sama mo talaga!" galit kong sabi sa kanya

"Oo na masama na ako kung masama, kasalanan ko ba kung ganto ako ha?! Ayoko lang na mapunta ka sa kanya!"

"Wala ka ng magagawa pa, kami na... at kahit kelan hinding hindi ko sya ipag papalit sa katulad mo!" pag tapos nun lumabas na ako ng gym.

Sinundan ko si Prince, pero hindi ko na sya naabutan pa. Pag punta ko sa parking lot wala na dun yung kotse nya kaya naman kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko yung driver ko...

.......

Pag dating ng driver ko agad akong nag pahatid sa bahay nila Prince.

"Prince! Prince!" tawag ko sa kanya pag pasok ko sa bahay nila

"Iha, may problema ba?" tanong ng mommy nya

"Tita si Prince?" tanong ko

"Eh nasa taas may problema ba kayo?"

"Wala po, pwde ko ba syang puntahan?"

"Osige puntahan mo na sya" sabi nya nag nod nalang ako sa kanya pag tapos nag madali akong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto nya...

Bukas yung pinto ng kwarto nya kaya naman nakapasok ako agad, naabutan ko syang nag aayos ng mga gamit nya at nilalagay yun sa isang box

"Prince saan ka pupunta?" tanong ko.. pero hindi sya lumingon man lang sakin at hindi din nya sinagot yung tanong ko kaya nilapitan ko sya at hinawakan yung braso nya "Prince ano ba nag tatanong ako diba saan ka pupunta?"

"Wala inaayos ko lang yung mga gamit ko" sagot nya pag tapos tinanggal nya yung kamay ko sa braso nya at pinag patuloy nya ulit yung ginagawa nya

"Prince pati ba sakin galit ka?"

"Hindi"

"Eh bakit ganyan ka?" tumingin sya sakin

"Sawa na ako.... sawa na ako na palagi na lang ako minamaliit ni Darren sawa na ako na palagi nalang nya akong pinapahiya sa harap ng maraming tao! Napapagod na ako sa mga ginagawa nya sakin!" galit na galit nyang sabi pag tapos nun binuhat nya yung box na puno ng mga damit nya, pag tapos nag lakad sya palabas ng kwarto kaya agad ko syang sinundan

"Prince teka saan ka pupunta?" tanong ko pero di nya sinagot hanggang sa makarating nalang kami sa sala nila

"Oh Prince ano yan?" tanong ni tita.. nilapag ni Prince yung box sa lapag...

"Manang!" tawag nya sa katulong nila

"Prince ano ba nag tatanong kami ng mommy mo sayo diba?" sabi ko tumingin lang sya sakin pero hindi nya ako sinagot

"Sir bakit po?" tanong ni manang

"Itapon nyo na toh" utos nito sa kanya sabay turo dun sa box

"Teka, ano ba ang laman ng mga yan?" tanong ni tita

"Yan yung mga baduy kong damit... Ayoko na suotin pa yang mga yan kasi dahil sa pag susuot ko ng mga yan palagi nalang ako nilalait, kasi NERD daw ako... pero ngayon mag babago na yun" sagot nya pag tapos tinanggal nya yung suot nyang nerdy glass pag tapos binitiwan nya yun at inapak apakan "Simula ngayon hindi na ako yung Prince of nerd na nilalait lait nila! Ipapakita ko sa kanila kung ano talaga ako! Hinding hindi na nila ako maapakan pa!" galit na galit nyang sabi habang patuloy nyang inaapakan yung salamin nya

"Prince.. Prince tama na" awat ko pag tapos hinila ko sya palapit sakin at niyakap ko sya ng mahigpit "Tama na Prince, tama na" sabi ko pa

"Wala na si Prince of nerd wala na!" sabi nya pag tapos nun umalis sya sa pag kakayakap sakin at umakyat ulit papunta sa kwarto nya

"Prince" susundan ko sana sya pero pinigilan ako ng mommy nya

"Hayaan mo muna sya" sabi nito sakin

"Pero tita..."

"Kilala ko anak ko, ganyan talaga sya pag sobra na syang nasasaktan... ano ba kasing ng yari ha?"

"Si Darren po yung may gawa nun sa kanya, si Darren yung lalaki na laging nanlalait sa kanya... inapak apakan po kasi ni Darren yung jersy nya at sinabi nito na hindi sya bagay makapasok sa team nila, kaya naman sobrang nasaktan si Prince dahil ang sabi nya sakin pangarap daw nya talagang maging isa sa basketball team ng school namin pero hinahadlangan yun ni Darren"

"Kung sino man yang Darren na yan, sinisugarado kong mag sisisi sya sa gaianagwa nya sa anak ko" sabi nito

***

Prince POV

Nasa harap ako ngayon ng malaking salamin sa kwarto ko. Tiningnan kong mabuti yung sarili ko...

Ako si Prince, na tinatawag nilang Prince of nerd palagi nila akong nilalait, pinapahiya at pinag tatawanan... pero noon yun dahil sinisgurado ko sa kanila na bukas na bukas din ibang Prince na ang makikita nila.. ipaparanas ko sa Darren na yun yung pinaparanas nya sakin ngayon!

Kinuha ko yung lense ko at sinuot yun pag katapos lumabas ulit ako sa kwarto.

"Prince" sabi ni Francheska pag kakita nya sakin

"Umuwi kana" sabi ko sa kanya

"Prince pati ba ako kelangan madamay sa init ng ulo mo?" medyo inis nyang sabi kaya naman hinawakan ko yung dalawa nyang kamay

"Im sorry kung pati ikaw nadadamay, sana maintindihan mo muna ako ngayon" lumapit ako sa kanya at hinalikan yung noo nya "Mahal kita, mahal na mahal kita... mag kita nalang tayo bukas sa school" tapos binitiwan ko na yung kamay nya at lumabas na ng bahay

Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar yun papuntang mall.

***

Pag dating ko sa mall, agad akong namili ng mga damit na bagay sakin, yung damit na hindi na pang nerd na ayos...

"Ah miss, ano ba bagay saking damit dito?" tanong ko sa sales lady

"Ah sir dito po tayo marami pong agagandang damit dito" sabi nya tapos nag lakad kami ng kaonti para mapuntahan yung sinasabi nya "Ito sir simple lang sya pero maganda naman" sabi nya sabay abot sakin ng itim na polo shirt

"Medyo maluwag sakin yan, gusto ko yung fitted sakin" sabi ko

"Ok sir, ito fitted na siguro yan" sabay pakita nya sakin ng white polo shirt

"Ok bibilhin ko na yan" sabi ko ngumiti naman sya sakin

"Prince?" napalingon ako sa tumawag sakin

"Oh Alexa, nandito ka din pala" sabi ko sa kanya

"Oo inutusan kasi ako ni mommy, ikaw anong ginagawa mo dito? Nabalitaan ko yung ng yari kanina ha" sabi nito

"Ganun ba? Tungkol dun kung bakit ako nandito ngayon"

"Bakit?"

"Sawa na ako na lagi nalang ako nilalait ni Darren, kaya its time para baguhin ko yung sarili ko" sagot ko

"Ah sir, bibilhin nyo pa ba ito?" tanong nung sales lady

"Oo, akin na yan" tapos kinuha ko sa kanya yung damit at nag lakad lakad pa para mag tingin pa ng iba

"Gusto mo ng maalis yung papaging nerd mo, pero tanggapin ka naman namin ha kung ano ka" tumingin ako sa kanya

"Tanggap nyo... pero hindi lahat ng tao" sabi ko tapos kinuha ko yung isang damit

"Ok sige ganto nalang, tutal nandito na din naman ako tutulungan na kita sa pamimila ng mga kailangan mo" tumingin ulit ako sa kanya

"Talaga?"

"Oo naman ikaw pa ba"

"Salamat bestfriend" nakangiti kong sabi, ngumiti din naman sya sakin... pero biglang napadako yung mata ko sa isang sulok...

At duon nakita ko si Francheska na nakatingin samin, at nung nakita nyang nakatingin ako sa kanya yumoko ito at nag lakad paalis.

Francheska....

***

Sexy Lady and the Nerdy Boy

Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon