SLNB 37

189 8 0
                                    

Prince POV

*Kinabukasan sa school...*

"Prince!" tawag sakin ni Alexa, habang papalapit sya sakin naalala ko yung sinabi nyang may ng yari daw saming dalawa, kaya naman nag madali akong mag lakad para iwasan sya "Prince teka lang!" sabi nya tapos tumakbo na sya papalapit sakin

"Saka na tayo mag usap" sabi ko sa kanya

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong nya

"Hindi.. gusto ko lang mag isip, hindi ko kasi kayang panindigan yung ng yari" sabi ko. Hinawakan nya yung braso ko kaya naman napahinto ako sa pag lalakad

"Paano kung may mabuo? Hindi mo pa din ba paninindigan yun ha?" tanong nya

"Alexa... ni hindi ko nga matandaan na may ng yari nga sating dalawa eh, kaya wag mo ko sisihin kung sakali mang di ko matanggap yung mang yayari sayo"

"Bakit dahil ayaw mo mag kapamilya sakin ha? Hindi ba ako yung pinapangarap mong mag sisilang ng magiging anak mo ganun ba?!"

"Oo! Alam mo naman na hindi kita mahal diba? Kapatid lang ang turing ko sayo pero pinag pilitan mo yung sarili mo sakin. Pinag samantalahan mo yung kahinaan ko, kaya Alexa sorry kung sakali man na may mabuo hindi ko kayang panindigan yun" pag kasabi kong yun sinampal nya ako ng malakas.

"Wala kang kwenta! Sarili mo lang iniisip mo! Hindi mo kasi alam na may nag mamahal pa sayong iba! Hindi lang naman si Francheska yung babae sa mundo ha, kaya bakit hindi mo matanggap na hindi ka na nya mahal ha?! Na dapat akin kana ngayon kasi may ng yari na sating dalawa!"

"Hindi porket may ng yari na sating dalawa eh sayo na ako, dahil kung ganun lang din naman pala ang basihan kung bakit kailangan mag sama ng dalawang tao edi sana wala ng bata na nangungulila sa ama at wala ng pamilya na kulang. Alexa hindi mo kasi ako maintindihan, mas masarap kasi bumuo ng isang pamilya kapag nag mag mamahal ng totoo yung dalawang tao. Hindi yung bubuo lang sila ng pamilya dahil sa pag kakamali ng isa. Oo wala akong kwenta pero masisisi mo ba ako, kung hindi talaga ikaw ang mahal ko?" pag kasabi ko nun napayuko nalang sya

"Tama ka, siguro nga masyado lang akong naging mapusok. Pero sana naman Prince wag mo naman sana akong hayaan na mag palaki sa batang buhay naman ang ama" sabi nya habang umiiyak

"Kaya kong soportahan yung bata, at kung yun lang kailangan hindi ko papabayaan yung bata kung sakali mang mabuo sya" sabi ko nag nod nalang sya pag tapos nun nag lakad na sya palayo sakin.

***

Nag lalakad ako papunta sa parking lot, wala ulit akong balak pumasok ngayon dahil ang dami ko pang iniisip. Kung papasok ako baka hindi din ako makafocus sa pag aaral.

"Hey guys pwde ko ba kayong maistorbo" napahinto ako ng marinig ko yung boses ni Darren, pag tingin ko sa kanya kasama nya si Francheska at nakaakay sya dito.

Lahat ng tao na nakarinig nung sinabi nya eh nag silapitan kaya naman lumapit na din ako.

"Gusto ko lang kayong imbatahin sa nalalapit kong kasal" sabi ni Darren kaya napatingin ako kay Francheska na nakatingin lang din sakin.

"Kasal?" tanong nung isang babae

"Oo kasal, ikakasal na ako sa susunod na linggo sa pinaka sexy na babae" tumingin sya saglit kay Francheska "Kaya lahat kayo na nandito eh imbitado sa kasal ko" sabi nya pag tapos tumingin sya sakin "Pati na ikaw Prince, kung gusto mo pumunta pwdeng pwde" nakangisi nyang sabi sakin

"Hindi na kailangan" sabi ko pag tapos mag lalakad na sana ako palayo sa kanila pero tinawag ako ni Francheska

"Prince saglit" sabi nya pag tapos tinanggal nya yung pag kakaakbay ni Darren sa kanya at lumapit sya sakin.

Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon