Francheska POV
Pag labas ko ng room, nag lakad na ako palayo dito... pero di pa ako nakakalayo masyado ng bigla nalang ako magulat nung may yumakap sakin.
"Ano ba bitiwan mo ko!" inis kong sabi habang tinutulak ko sya palayo sakin, pero sobrang higpit ng yakap nya
"Cheska, ako nalang kasi hiwalayan mo na sya" sabi nito
"Darren?.... Darren pwde ba lumayo ka sakin"
"Hindi ako lalayo sayo, hinding hindi ako lalayo sayo" sabi nya na may nakakaawang boses
"Layuan mo sya!" narinig kong sabi ni Prince pag tapos nun bigla nalang tumuba si Darren
"Prince tama na" awat ko sa kanya
"Bitiwan mo ko, sumosobra na toh eh!" inis na sabi nya sabay turo kay Darren, tumayo si Darren pag tapos tiningnan ng masama si Prince
"Bakit papalag kana ha?!" sabi ni Darren dito
"Bakit hindi? Eh sumosobra kana eh, girlfriend ko na sya kaya kung pwde lang layuan mo na sya" -Prince
"At sa tingin mo susundin ko yang sinasabi mo ha?!" -Darren
"Tama na pwde ba! Para kayong batang dalawa!" sabi ko sa kanila
"Yan kasing Prince na yan, yumayabang na" -Darren
"Hindi ako mayabang ayoko lang na pinapakelaman MO yung bagay na akin na!" Sabi ni Prince, at dahil lalong nagalit si Darren kaya susugurin na sana nya ito para suntukin.... pero dumating yung mga barkada nya.
"Oh pare, tama na yan" sabi ni Vince sabay hawak kay Darren
"Ano ba bitiwan nyo nga ako!" pag pupumiglas nya
"Pare tama na, hindi mo pwdeng saktan si Prince" sabi ni Patrick
"At bakit hindi? Bakit mas kinakampihan nyo ba sya kesa sakin ha!" galit na tanong ni Darren
"Hindi pare, pero kapag sinaktan mo sya baka di na sya sumali sa team natin" sabi ni Vince, bigla namang napakunto yung noo ni Darren
"Anong sinasabi mo? Anong sasali sa team natin?.. Yang lampa na yan sasali sa team natin? Nag bibiro ba kayo ha?" tanong ni Darren
"Pare hindi lang sya basta lampa, magaling syang mag basketball at dahil dun nag pasya si couch na isali sya sa team natin" -Patrick
"NO! Hindi ako papayag ako ang team captain nyo kaya hindi ako papayag na may sumali sating Prince of nerd!" sai nya pag tapos tumingin sya kay Prince "Hindi pa tayo tapos, may araw ka din sakin!" sabi nya dito pag tapos nag madali na syang umalis..
"Ok ka lang?" tanong ni Vince kay Prince
"Ayos lang" sagot nya
"Ge, mauuna na kami kita nalang tayo mamaya sa gym" sabi nito pag tapos umalis na sila...
"Prince" tawag ko sa kanya tumingin naman sya agad sakin "Sorry" sabi ko
"Ayos lang, ang ganda kasi ng girlfriend ko eh kaya naman ayaw ka tantanan nung Darren na yun" sabi nya sabay smile, pero alam kong pilit lang yung smile na nyang yun kaya naman hinawakan ko yung kamay nya
"Alam kong napapagod kana dahil unang araw palang natin ang dami ng nang yari... pero kahit ganun wag kang bibitaw ha, kapag alam mong pagod kana sa mga ng yayari satin hawakan mo lang agad yung kamay ko at hahawakan kita ng mahigpit para hindi ka mawala sakin" nakangiti kong sabi kaya naman napangiti din sya pag tapos hinigpitan nya yung pag kakahawak nya sa kamay ko
"Tatandaan ko yan" nakangiti nyang sabi
"Tara" aya ko sa kanya
"Saan?" tanong nya
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...