Francheska POV
Nandito na ako sa tapat ng kotse ko, hindi muna ako pumasok sa loob dahil baka mapatakan sya ng dugo mula sa kamay ko. Yung bote kasi na pinukpok ko dun sa lalaki tumusok sa kamay ko medyo malalim yung pag kakatusok tapos malaki pa kaya sobrang sakit.
"Aish.. ang sakit malas naman oh" sabi ko habang dahan dahan kong tinatanggal yung bubog
"Francheska" tawag sakin ni Prince kaya agad kong tinago yung kamay ko sa likuran ko.
"Bakit?" tanong ko
"Anong tinatago mo sa likuran mo?" pag tataka nyang tanong
"Wa-wala"
"Weh patingin nga" tapos pilit nyang kinuha yung kamay ko
"Ano ba Prince wala nga yan eh" reklamo ko sa kanya, pero malakas sya kaya nakita nya yung kamay ko na nadugo. Medyo nagulat sya sa nakita nya
"Ang lalim nito ha, kaya kaba ngumiti sakin kanina dahil masakit yung kamay mo?" Tanong nya
"Oo, kesa naman umiyak ako dahil masakit yung kamay ko"
"Ganyan kaba talaga? Ipapakita mo sa iba na ayos ka lang kahit hindi naman talaga"
"Pwde ba" inalis ko yung kamay ko na hawak nya "Malayo toh sa bituka kaya ok lang ako"
"Pero masakit?"
"Malamang" sarcastic kong sabi, kinapa nya yung bulsa nya
"Hays, wala akong panyo, ikaw may panyo kaba?"
"Wala"
"Akin na yan" kinuha ulit nya yung kamay ko
"Anong gagawin mo?" tanong ko
"Tatanggalin ko yung bubog" tapos nun hinawakan nya yung bubog na nakatusok sa kamay ko
"Teka masakit-- Aray!" reklamo ko ng bigla nyang hilahin yung bubog.. at dahil wala na yung bubog s kamay ko lalo pa syang dumugo. "Baliw ka Prince!" hinawakan ko yung kamay ko ng bitiwa nya yun, napatingin naman ako sa kanya ng tanggalin nya yung salamin nya at ipatong yung sa bubong ng kotse ko pag tapos hinubad nya yung suot nyang tshirt "Ho-hoy a-anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong sa kanya
"Wala kasi tayong parehas na panyo kaya ito nalang yung ipang babalot ko dyan para mapigilan yung pag dudugo" sabi nya tapos pinunit nya yung damit nya. Pero seryoso, hindi ako sa damit nya nakatingin eh, kundi sa katawan nya.. Shit kahit pala nerd sya may abs sya! "Akin na yan" nung sinabi nya yun saka ko lang iniwas yung tingin ko sa katawan nya at kusang binigay yung kamay ko sa kanya.
"Paano ka nyan? Wala ka ng damit?" tanong ko habang binabalot nya yung kamay ko
"Wag ka mag alala may extra akong damit sa bag ko"
"May dala ka naman palang damit bakit di nalang yun yung pinunit mo kesa nag hubad kapa sa harapan ko" reklamo ko
"Pasensya na.. ayoko kasing iwan ka ng ganyan eh" tapos nun binitiwan na nya yung kamay ko ng matapos nya yung balutin
"Mag damit kana" utos ko sa kanya pag tapos nun pumasok na ko sa loob ng kotse ko. Papasok narin sana sya pero pinigilan ko sya "Wag ka dito mag bihis baka kung ano pa isipin ng makakita sakin"
"Ah oo sige" kinuha na nya yung bag nya at sa labas sya nag bihis. Pag tapos nya mag bihis pumasok na sya sa kotse ko at agad ko naman pinaandar yun.
--
"Uuwi naba tayo?" tanong nya
"Gusto mo na ba umuwi? Pwde na kitang ibaba dito"
"Eh ikaw uuwi ka narin ba?"
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...