Prince POV
Pag pasok ko ng canteen lahat ng tao nakatingin sakin, wala eh famous ako dito eh, ako ba naman ang prince of nerd syempre pag titinginan talaga nila ako. Hays nasaan naba kasi yun si Alexa? Dito pa kasi tumakbo eh ang daming tao dito.
Pak! may pumalo sa likod ko, hindi naman ganun kalakas pero masakit parin
"Hey Prince of nerd.. sino hinahanap mo?" tanong nung pumalo sa likod na alagad ni Darren
"Ah si Alexa"
"Si Alexa? Nanduon oh" sabay turo sa pinaka dulo ng canteen
"Sige salamat"
"Ge, ingat ka ha baka bigla na lang may sumipa sayo dyan" nakangisi nyang sabi tapos umalis na sya.
Bakit naman may sisipa sakin?
Nag lakad ako papunta sa dulo ng canteen, lahat ng nandito habol tingin sakin nakakailang tuloy. Pag dating ko sa may gitna ng canteen, bigla na lang may sumipa sakin sa may pwetan ko kaya naman napasubsob ako at lahat ng tao nanarito ay nag sitawanan. LOL!
Hinanap ko yung salamin ko na nahulog, pero di ko mahanap yun dahil sa labo ng paningin ko.
"Prince.. ito oh suotin mo" boses yun ni Alexa, isinuot nya sakin yung salamin ko at tinulungan tumayo. Pag tingin ko kung sino yung sumipa sakin, nakita ko yung muka ni Darren na tawa ng tawa.
"Hi Prince of nerd" mapang asar nyang sabi
"Bakit mo ginawa sa kanya yun ha?!" galit na sabi ni Alexa
"Chill ka lang.. sinunod ko lang naman yung nakalagay sa likuran ng kaibigan mo" sabi nya kaya tiningnan naman ni Alexa kung ano yung nakalagay sa likuran ko. Pag tapos tinanggal nya yun at pinakita sakin. Isang papel yun na may nakasulat na Libre sipa!
"Sino nag lagay nito sa kanya ha?!" tanong ni Alexa nag kibit balikat si Darren
"Hindi ako.. kakarating ko lang"
"Alam ko na kung sino nag lagay nito sakin" sabi ko tapos tiningnan ko yung katabi ni Darren na lalaki na pumalo sa likuran ko
"Bakit? Papalag kana?" maangas nyang sabi
"Bakit mo ginawa sakin toh? Wala naman akong ginagawa sayo eh"
"HAHAHA! Eh sa ang sarap mong pag tripan eh" lumapit sya sakin tapos nilagay nya yung hintuturo nya sa noo ko "Alam mo kasi hindi ka naman bagay dito.. Alam mo bang panira ka ng image ng school dahil ikaw lang yung nag iisang nerd dito" sabi nya
"ialis mo yang kamay mo!" tapos tinapik ni Alexa yung kamay nya sa noo ko, ako naman napayuko na lang
"Tama di ka bagay dito"
"Kaya nga.. panira ka ng image"
"Tss... dapat sayo lumipat ka na lang ibang school" sabi ng mga tao rito sa canteen
"Bakit ha kayo ba nag papaaral sa kanya para diktahan sya?!" galit na sabi ni Alexa
Tumakbo na lang ako palabas ng canteen dahil ayoko ng marinig pa yung mga pang lalait nila sakin.
"PRINCE!" Tawag nya sakin pero di ko na sya pinansin. Dumeretsyo na lang ako sa tambayan ko.
Dito sa likod ng campus, walang masyadong tao rito.. umupo ako sa lapag at sumandal sa pader tapos ipinatong ko yung ulo ko sa mga tuhod ko at nag simulang umiyak.
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...