Prince POV
Pag tapos kong mag drama kay Alexa sa likod ng campus, nag pasya na kaming bumalik sa room namin para sa susunod naming subject. Habang nag lalakad kami ni Alexa nakita ko si Darren na masama ang tingin sakin kaya napayuko ako.
"Hoy nerd" sabi nya at lumapit sya samin
"Oh ano na naman kelangan mo ha Darren?" tanung sa kanya ni Alexa
"Wala kana dun" tumingin sya sakin "Humanda ka sakin" sabi nya tapos nag lakad na ulit sya paalis
"Anong problema nya?" pag tataka kong tanong, sya na nga kasi yung dahilan kung bakit ako napahiya sa canteen kanina pero parang sya pa yung may ganang magalit
"Hayaan mo na yun pare, tara na" sabay higit sakin ni Alexa
Pag dating namin sa room si Francheska agad yung napansin ko. Tahimik lang syang nakaupo sa upuan nya habang may nakalagay na earphone sa tenga nya.
"Baka matunaw yan. tss" sabi sakin ni Alexa kaya naman iniwas ko na yung tingin ko kay Francheska.
Pag upo namin sakto naman yung dating ng last subject namin. Syempre katulad ng ginagawa ng teacher nag turo na sya ng subject nya. Sa pag kakataon na toh nakinig na ako ng maayos inalis ko muna yung focus ko kay Francheska dahil baka mapahiya na naman ako.
"Miss Montez?" sabi ng teacher namin kaya lahat kami napatingin sa kanya
"Why?" walang gana nyang sabi
"Nakikinig kaba sakin?"
"Kung hindi sasagutin ba kita?" napailing yung teacher namin sa asta nya
"Look miss Montez, hindi porket ikaw ang famous dito sa campus at ikaw ang dahilan kung bakit maraming gusto mag aral dito eh magiging ganyan na ugali mo"
"Sir matanong nga kita, ano bang subject nyo ha?"
"Science"
"So nakasulat ba sa libro ng science o kasama ba sa pag aaralan natin ngayon ay ang sermunan ako?"
"No"
"Yun naman pala eh, kung patuloy nyo akong sesermunan sa tingin nyo may matutunan ang mga estudyante nyo?.. Sa tingin ko meron naman, yun ay ang mangelam ng may buhay na buhay"
"Miss Montez sumosobra kana!" pasigaw na sabi ng teacher namin
"No sir kayo ang sumosobra na.. nasasayang yung oras nyo sa pag sermon sakin. Kaya kung ako sayo sir ituloy mo na yung pag tuturo mo dahil sayang lang yung binabayad sayo" sabi nya sabay iling kaya yung teacher namin eh napabuntong hininga na lang si sir
"Ok back to lesson" sabi ni sir at tinuloy na lang nya yung pag tuturo nya
"Ganyan bang babae ang gusto mo? Walang respeto sa matanda?" sabi ni Alexa sakin. Medyo malakas ang pag kakasabi nya kaya naman nag panic ako dahil baka narinig yun ni Francheska
"Pare, wag ka naman ganyan.. nasa harap lang natin sya oh" bulonng ko sa kanya
"So? Ano naman kung marinig nya eh totoo naman"
"Alexa" saway ko sa kanya
"Yeah i know na wala akong respeto sa matanda, pero at least hindi ako nangengelam ng may buhay na buhay" narinig ko na sabi ni Francheska habang sa unahan lang sya nakatingin.
"Buhay na may buhay? tss, word of the day ba yan?"
"Ano bang problema mo sakin Alexa?" sa pag kakataon na toh tumingin na sya kay Alexa
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...