SLNB 32

192 8 0
                                    

Prince POV

"So sigurado kana ba sa disisyon mo?" tanong sakin ni Aaron habang nag lalakad kami papunta sa gym

"Oo, mahal ko si Francheska kaya naman handa akong gawin lahat para sa kanya, kaya kung gusto nyang lumayo na ako sa gulo... gagawin ko yun para sa kanya"

"Ang swerte sayo ni Francheska"

"No, ako ang swerte sa kanya dahil minahal nya ako kahit nerd ako nuon at sya ay isang sexy lady dito sa campus, napak swerte ko sa kanya dahil tinaggap nya ako kahit ano pa yung itsura ko" sabi ko, tinap na lang nya yung balikat ko at ngumiti sakin.

"Oh Prince nandito kana pala, handa kana ba mag practice?" tanong ng coach nila pag pasok namin sa gym

"Hindi na po ako sasali" sabi ko kaya napatingin naman lahat ng kateam nila Aaron

"Bakit? Akala ko ba gusto mong sumali sa team namin?" tanong ni Vince

"Oo gustong gusto ko, pero pag pinag patuloy ko yung kagustuhan ko, maaaring mawala sakin si Francheska... mas gugustuhin ko ng hindi ko maabot yung pangarap kong makasali sa team nyo, kesa naman mawala sakin yung babaeng pinakamamahal ko" sabi ko tapos inabot ko yung jersey sa coach nila kinuha naman nya yun "Maraming salamat nalang po sa pag imbita sakin na sumali sa groupo nyo, pero ayoko na po ng away kaya hindi nalang po ako sasali" sabi ko sa kanya

"Naiintindihan kita" sabi nito, nag nod nalang ako sa kanya pag tapos tumingin ako kay Aaron

"Paano mauuna na ako" sabi ko kay Aaron

"Sige" sabi nito kaya naman nag lakad na ulit ako palabas ng gym at pinuntahan ko si Francheska sa field.

***

Pag dating ko sa field naabutan ko si Francheska na nakaupo sa damuhan kaya naman tumabi ako sa kanya ng upo, napatingin sya sakin.

"Oh kala ko ba may practice kayo?" tanong nya ngumiti ako sa kanya

"Hindi na ako sumali sa team nila, nag back out na ako" sabi ko

"Bakit? Dahil yan sakin diba? Sorry ha kung hadlang ako sa pangarap mo" hinawakan ko yung kamay nya

"Wag kang mag sorry, ok lang yun... dahil hindi ka naman hadlang sa pangrap ko eh, kasi ikaw yung nag iisa kong pangarap" nakangiti kong sabi sa kanya

"Eh, bolero" sabi nya na halata namang kinilig sya sa sinabi ko

"Kung bolero ang tawag mo sakin ok lang, handa akong bolahin ka para lang pakiligin ka" kinurot nya yung pisngi ko

"Ang dami mong alam" sabi nya

"At isa na dun ay yung mahalin ko habang buhay" dugtong ko sa sinabi nya... ngumiti sya sakin pag tapos hinalikan nya yung noo ko

"Mahal na mahal kita" sabi nito

"And i love you too" sabi ko tapos nun niyakap ko sya.

***

*Kinabukasan...*

Sabado ngayon kaya naman wala kaming pasok, at ngayong araw na toh... eh kaarawan ko.

"Anak happy birthday" bati sakin ni mommy pag baba ko galing sa kwarto

"Salamat mom" nakangiti kong sabi

"So anong balak mo ngayong birthday mo? Kaen tayo sa labas"

"Ah... sige po" sabi ko tapos kinuha ko yung cellphone ko para tingnan kung nag text si Francheska, pero ni isang text galing sa kanya wala man lang.

"May problema ba?" napatingin ako kay mommy

"Wala po bakit?" tanong ko

"Bigla kasing sumimangot yang muka mo" napakamot ako sa batok

Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon