Aaron POV
Nandito padin ako sa court nakaupo sa may bench, hindi padin ako makapaniwala kung bakit ko ba nasabi yun kay Prince kung bakit inamin ko sa kanya yung totoo, siguro sobrang nag seselos lang ako dahil simula nung akalain nyang si Alexa yung nag ligtas sa kanya hindi na sila mapag hiwalay dalawa sobrang dikit nila sa isa't isa may payak yakap pang nalalaman.
"Uy" nagulat ako sa biglang nag salita. Mag isa nalang kasi ako dito, si Prince kasi umuwi na dahil dadating daw yung mommy nya.
"Uy, A-Alexa anong ginagawa mo dito?" tanong ko umupo sya sa tabi ko
"Nag jojoging kasi ako eh napadaan ako dito tapos nakita mag isa kaya lumapit ako sayo"
"Ganun ba?" tumayo ako " Sige aalis na din ako" sabi ko aalis na sana ako pero hinawakan nya yung kamay ko na dahilan para tumaas yung mga balahibo ko, grabeng kuryente ang nararamdaman ko
"Aalis kana agad pwde bang dito ka muna?" napatingin ako sa kanya at ang lungkot nyang tingnan
"May problema ba?" tanong ko
"Malaki" sabi nya at binitiwan na nya yung kamay ko, kaya wala na akong nagawa kundi umupo ulit sa tabi nya
"Ano ba yun? Pwde mo bang ishare?" tanong ko, napabuntong hininga sya
"Ang hirap pala nuh... sobrang hirap mainlove sa bestfriend mo lalo na kung hindi naman ikaw yung gusto nya" napayuko ako sa sinabi nya
"Oo napaka hirap mainlove sa taong hindi naman ikaw yung gusto" mahina kong sabi
"Ano yun?" tanong nya
"Ah wa-wala... ang sabi ko anuh, ganun talaga bestfriend ka nya eh kaya hindi malabong mainlove ka sa kanya.. pero kung ako sayo dapat ngayon palang ihinto mo na yang nararamdaman mo para hindi kapa masaktan pa ng tuluyan"
"Hays ewan ko, nuon pa lang nung nalaman kong gusto nya si Francheska pinilit ko ng mag move on sa kanya, ayus nga eh nuh.. hindi naman kami pero kelangan ko padin mag move on. Pero kahit anong gawin ko hindi ko makaya eh walang nagagawa yung pag momove on ko"
"Dahil umaasa kapadin na mamahalin ka nya balang araw?" tanong ko tumingin ako sa kanya, nakatingin lang sya sa malayo
"Oo paano mo nalaman yun?" tumingin sya sakin kaya naman nag eye to eye contact kaming dalawa.
"Kasi.. kasi ganyan ako sayo umaasa padin na mamahalin mo ko" napanga nga sya sa sinabi ko na para bang hindi nya inaasahan na sasabihin ko yun.
Shit Aaron bakit hindi mo pinigilan yung sarili mo?
"Pfft... hahaha joker ka din nuh kayo talagang mga heartthrob porket pogi kayo kung ano ano na sinasabi nyo sa mga babae" tawang tawa nyang sabi sabay palo pa sa braso ko.
"He-he" napakamot ako sa batok ko at iniwas ko na yung tingin ko sa kanya
Hays ang hirap talagang maging pogi akala nila palaging babaero yung katulad namin.
"Pano una na ako ha" sabi nya tapos tumayo na sya
"Hahatid na kita" at tumayo na rin ako
"Hindi na salamat nalang, at salamat din kahit papaano napatawa mo ko.. sige babaye na"
"Sige ingat" sabi ko nag nod lang sya at nag lakad na sya paalis. "Hays Alexa kelan mo ba mararamdaman na mahal kita?" mahina kong sabi sabay iling
***
Prince POV
"Mommy.. mommy" tawag ko habang hinahanap ko sya. Kanina lang pag uwi ko nakita ko lang sya sa sala tapos nag paalam lang ako saglit na kukuha ng tubig bigla naman syang nawala.
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...