SLNB 36

168 4 0
                                    

Prince POV

Naalimpungatan ako sa pag kakatulog ko na maramdaman kong may nakayakap sakin, kaya agad akong nag mulat ng mata at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong si Alexa ang nakayakap sakin.

"Alexa" tawag ko sa kanya sabay alis ng kamay nya sa pag kakayakap sakin at dun ko napansin na wala ako damit pang itas. "A-ano ng yari?" kabado kong tanong sa sarili ko, agad ko namang tiningnan kung may damit ako pang ibaba. Pero mas lalo akong kinabahan ng naka boxer nalang ako. Agad akong tumayo sa pag kakahiga at hinanap ang mga damit ko na nakakalat sa lapag at agad na sinuot yun.

"Hmm gising kana pala" sabi ni Alexa kaya napatingin ako sa kanya, at dun ko lang napansin na nakasando nalang sya at short

"Sabihin mo anong ng yari ha!" tanong ko sa kanya

"Hindi mo ba natatandaan?" tanong din nya

"Alexa sagutin mo nalang yung tanong ko, anong ng yari? May ng yari ba ha?!" inis ko ng tanong kaya naman tumayo na sya sa pag kakahiga nya at lumapit sya sakin.

"Sorry Prince, yun lang kasi ang alam kong paraan para kalimutan mo na si Francheska" sabi nya kaya napalunok ako

"Ibig sabihin may ng yari sating dalawa?" hindi ko makapaniwalang tanong, hinawakan naman nya ang mga braso ko

"Sorry" yan lang ang sabi nya kaya naman sa inis ko naitulak ko sya kaya napaupo sya sa kama

"Sorry? Pinag samantalahan mo na lasing ako!" sabi ko

"Pero yun lang yung alam kong paraan para hindi mo na isipin si Francheska, para ako nalang isipin mo"

"No, hindi sa gantong paraan Alexa. Oo gusto ko syang kalimutan, pero Alexa hindi sa gantong paraan! Mas lalo lang magugulo ang isip ko. Mas lalo mo lang pinagulo ang sitwasyon!" galit kong sabi kaya napayuko sya "Umalis kana, wag mo muna ako kausapin" tumingin sya sakin

"Pero Prince..."

"Sabi ko umalis kana, ayoko na muna kita makita" sabi ko pag tapos lumabas na ako sa kwarto ko at dumeretsyo sa may pool side.

---

"Sir, kape" sabi ng katulong namin sabay abot ng isang tasang kape sakin

"Salamat, ahm nandyan pa ba si Alexa?" tanong ko

"Yes sir nandyan pa"

"Sige pag wala na sya paki sabihan nalang ako" nag nod naman sya at umalis na, nilapag ko muna yung kape ko sa may table at napailing nalang ako.

Hindi ko akalain na maiisip yun ni Alexa, akala ko pa naman maliwanag na sa kanya na mag kaibigan lang kaming dalawa. Hindi pa ako handa sa mga ganung bagay, at kung sakali man na gusto kong mag kapamilya... hindi sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ako pag tapos hinubad ko yung t-shirt ko at lumusong sa swimmingpool. Nag lakad ako hanggang makarating ako sa may bandang gitna kung saan malalim na.

Sana bangungot nalang ang lahat ng toh, sana lahat ng toh hindi totoo. Hirap na hirap na ako kung paano ko makakaya o malalampasan ang lahat ng yayari sakin, parang gusto ko na sumuko.

At dahil medyo may hangover pa ako, naramdaman ko nalang na namamanhid ang mga binti ko. Hindi ako makalakad pabalik, hindi ko maikampay ang mga paa ko para hindi ako lumubog.

"Ugh! Tulong!" sigaw ko habang pinipilit kong itaas ang sarili ko "Tulong!" sigaw ko pero parang walang nakakarinig sakin. At dahil hindi ko na kayang ikampay pa ang mga paa ko pataas, naramdaman ko nalang na unti unti akong lumulubog.

"Prince!" sigaw ng isang babae

Tulungan mo ko

Pinilit kong humingi sa ilalim ng tubig, hanggang sa may humawak sakin at hinila ako paitaas.

Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon