SLNB 31

188 8 0
                                    

Prince POV

"Urgh!" inis na inis kong sabi sabay upo sa sofa namin

"Oh anak, nandyan kana pala" sabi ni mommy tapos tumabi sya ng upo sakin

"Nakakainis mom! Nakakainis!" sabi ko sabay sabunot sa sarili ko

"Bakit Prince anong problema?" pag aalala nyang tanong

"Mom wala na kami! Nakakainis mom, bakit ganun? Bakit di nya ako maintindihan bakit kailangan nyang makipag break sakin? Akala ko ba mahal nya ako!"

"Wala na kayo? Pero nangako sya sakin na hindi ka nya iiwan"

"Iniwan na nya ako... iniwan na nya ako dahil hindi nya ako maintindihan!"

"Hindi din kita maintindihan anak, ano bang problema? Bakit kayo nag hiwalay? Bakit ka nya hiniwalayan?"

"Kasi hindi nya ako maintindihan, masama bang gumanti sa taong matagal na akong inaapi? Gusto ko lang syang gantihan mom, gusto ko lang bumawi dun sa lalaking yun sa lahat ng pang lalait nya sakin at sa lahat ng masamang ginawa nya sakin! Pero hindi nya ako maintindihan, mas ginusto nyang makipag hiwalay sakin"

"Anak, masama talaga ang gumanti alam mo yan"

"Alam ko... pero punong puno na ako sa lalaking yun mom, ngayon lang ako makakabawi sa kanya sa lahat ng ginawa nya sakin. Ang akin lang naman mom, sana naman intindihin nya ako"

"Anak nakakasigurado akong naiintindihan ka ni Francheska sa nais mo, pero anak mahal ka ni Francheska panigurado akong may dahilan kung bakit ayaw nya ng ginagawa mong pag hihiganti sa lalaking yun" napabuntong hininga ako "Anak, mahal mo si Francheska diba?" tumingin ako kay mommy at tumango

"Sobra mom, sobrang mahal na mahal ko sya"

"Kung ganun, sana sundin mo nalang ang gusto ng taong mahal mo, baka ang gusto lang kasi nya eh yung ikakabuti ng relasyon nyong dalawa"

"Pero mom paano naman ako? Hahayaan ko nalang bang saktan ako ng lalaking yun"

"Anak hindi naman ganun ang ibig kong sabihin, kung kelangan mong protektahan yung sarili mo edi gawin mo. Pero yung ikaw yung unang makikipag away sa kanya yun ang hindi maganda... Tandaan mo anak, kung mahal mo talaga ang isang tao lahat ng gusto nya susundin mo... lalo na kung hindi lang naman para sa kanya ang gusto nya" napayuko ako

"Ano ang dapat kong gawin mom?... Paano ko maibabalik sa akin si Francheska?" tanong ko

"Gawin mo yung dapat, suyuin mo sya at ipangako mong hindi na mauulit kung ano man yung napag awayan nyong dalawa" tumingin ako sa kanya

"Salamat mommy ha, kung wala kayo baka hindi ko na alam yung gagawin ko"

"Wala yun, tungkulin kong tulungan ka sa mga problema mo" ngumiti ako sa kanya pag tapos kinuha ko yung cellphone ko at dinail yung number ni Aaron...

"Sup?" sabi nya pag sagot ng tawag ko

"Hey amfp, pwde bang humingin ng favor?"

"Sure.. ano ba yun?"

"Mag kita tayo sa mall ok lang?"

"Bakit mag dadate tayong dalawa? Hahah"

"Baliw! Gusto ko lang humingin ng tulong sayo"

"Osige pumunta ka nalang sa mall, nandito na ako"

"Ang bilis mo naman"

"Kanina pa ako dito, bilisan mo baka mainip ako sayo iwanan kita"

"Sige sige papunta na ako" sabi ko tapos pinatay ko na yung tawag "Mommy aalis na muna ako"

"Hindi ka ba mag papalit muna ng damit?"

Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon