SLNB 22

236 11 0
                                    

Prince POV

Nandito na ako sa bahay, si Francheska kasi kelangan umuwi agad dahil may dinner daw sila ng family nya kasama ang family ni Darren gusto ko sana syang pigilan ang kaso hindi ko naman magawa, ayoko kasing pag higpitan sya sa mga ganung bagay kaya kahit nag seselos ako ok lang may tiwala naman ako sa kanya eh.

Mahal maaga kang uuwi ha- text ko sa kanya

Opo mahal, pag tapos ng dinner namin uuwi na po ako-

Good, and wag ka masyado didikit kay Darren ok?-

Bakit nag seselos ka? Haha wag ka mag alala si mommy at daddy yung katabi ko-

Buti naman... i love you-

I love you more, sige mahal maya na ha baka mapagalitan ako ni dad ayaw kasi nyang may hawak akong phone kapag nasa harap ng pag kaen-

Ok, text mo nalang ako pag nakauwi kana ingat ka dyan-

Ok.-

Pag replay nyang yan humiga na ako at kinuha ko yung laptop ko, hindi muna ako matutulog hihintayin ko munang makauwi sya bago ako matulog. Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na girlfriend ko na sya, akala ko kasi dati hanggang panaginip ko nalang makakamtam yun, pero sino nga ba mag aakala na ang isang nerd na katulad ko ay magiging girlfriend ang famous na katulad nya? Sobrang galing kasi ng tadhana, siguro kung hindi ako yung kababata nya wala din pag asa na maging kaming dalawa.. kaya buti nalang ako yung kababata nya!

11:30pm

Chineck ko yung phone ko kung may text na ba nya pero wala padin..

"Anong oras na ha, hindi pa ba sya nakakauwi?"

Mahal nakauwi kana?- text ko sa kanya.. pero hindi sya nag rereplay, kaya naman tinawagan ko nalang sya... pero nakapatay ang phone nya.

"Bakit nakapatay? Ano na kayang ng yari sa kanya?" pag aalala kong sabi

Ting!

Napatingin ako sa laptop ko ng may mag message sakin.

Mahal sorry ha nalobat kasi phone ko- chat sakin ni Francheska

Akala ko may ng yari na sayong masama- replay ko

Grabe ka naman mag alala.. sige na goodnight na kita nalang tayo bukas inaantok na ako eh-

Ok goodnight too. i love you- replay ko, pero nag out na sya kaya di na nya nakita yung replay ko sa kanya.

Sinarado ko na yung laptop ko at tinabi yun, tapos natulog na ako.

***

*Kinabukasan...*

"Anak.. gumising kana dyan anong oras na" sabi ni mommy sabay yugyog sakin

"Mommy.. 10 minutes pa" inaantok kong sabi

"10 minutes? sige ikaw bahala, kung gusto mo bang pag intayin ang girlfriend mo ng ganung katagal sa baba eh" napadilat ako sa sinabi nya at napaupo ako

"Girlfriend?" tanong ko

"Oo yung girlfriend mo nasa baba kaya bilisan mo na dyan anong oras na malalate kayo" sabi nya tapos nun lumabas na sya ng kwarto ko..

"Girlfriend? Ibig sabihin hindi panaginip yung kagabe? Ibig sabihin totoong girlfriend ko na nga si sexy lady!" tuwang tuwa kong sabi at agad akong lumabas ng kwarto ko para makita ko na yung pinaka maganda kong girlfriend.

"Oh ayan na pala eh" sabi ni mommy pag kita nya sakin.. napatingin naman ako kay Francheska na abalang nag aayos ng mga pag kain sa lamesa

"Wow ikaw ba nag luto nito?" nakangiti kong tanong

Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon