Prince POV
Nakaupo ako sa may sofa namin habang hinihintay kong dumating si Alexa, sabay daw kasi kaming pumunta sa bahay nila Darren dahil hindi ko naman alam bahay nun. Yung totoo ayoko sanang sumama dahil kinakabahan ako baka kasi kung ano na naman gawin sakin nung taong yun, mamaya ipahiya nya pa ako o lunurin sa pool, pero wala naman akong magagawa dahil P.E namin yun sayang yung grade kapag di ako pumunta.
"Pare" tumingin ako kay Alexa na kakadating lang, nilapitan nya ako at hinila patayo "Tara na" aya nya
"Ahm, wag na lang kaya akong pumunta"
"Bakit naman? hahayaan mo ba ako na mag isa lang dun?"
"Hindi, kasi naman eh kinakabahan ako, bahay ni Darren yung pupuntahan natin baka kung ano gawin sakin nun"
"Wag kang mag alala nandun naman ako eh hindi ko hahayaan na may mang yari sayo, saka isa pa kasama ko si Aaron kaya may kakampi tayo"
"Bakit mo sya kasama?" pag tataka kong tanong
"Tinext ko sya, hindi ko kasi alam yung bahay nila Darren kaya sasabya na tayo sa kanya.. Tara na baka naiinip na yun sa labas"
"Ok" tapos kinuha ko na yung bag ko na puno ng gamit na kelangan ko at lumabas na kaming dalawa.
"Kala ko mamaya pa kayo lalabas eh" sabi ni Aaron pag labas namin, nakasandal lang sya sa kotse habang nakapamulsa pa.
"Pasensya na matagal ba?" sabi ni Alexa
"No, tara na" tapos sumakay na sya sa kotse kaya sumakay narin kaming dalawa ni Alexa, ako sa shutgun seat si Alexa naman nasa likod.
"Nga pala Aaron, bakit hindi ka nila kasama kanina sa may field kumpleto ang section nyo ikaw lang ang wala" tanong ko habang nag dadrive sya.
"Hindi ako pinapansin ni Darren kaya naman umiiwas nalang ako para hindi na lumala yung away naming dalawa" sagot nya
"Dahil sakin kaya kayo nag away diba? Pasensya na"
"Wala yun ginagawa ko lang naman yung tama"
"Oo nga, buti pa nga toh si Aaron mabait, Eh yung Darren na yun nuknukan ng kasamaan" -Alexa
"Mabait din naman yun si Darren, pero pag dating talaga kay Francheska, lahat gagawin nya wag lang tong mapunta sa iba" -Aaron
"Matagal na ba silang mag kakilala?" tanong ko
"Oo almost 8 years na ata, dahil natatandaan ko nung bagong lipat si Francheska dito sa Manila mga 12 years old sya nun, si Darren yung kauna unahan nyang naging kaibagan dito. Simula nun sila na yung palaging mag kasamang dalawa halos nga nalimutan na ni Darren na ako yung kababata nya eh, at simula din nun si Darren na ang nag protekta sa kanya. Alam ko naman na nuon palang gusto na ni Darren si Francheska pero dahil dose anyos palang si Francheska at 17 na sya hindi nya agad sinabi dito yung nararamdaman nya"
"Teka ibig sabihin mag kasing tanda lang kayo ni Darren?" tanong sakin ni Alexa
"Oo 25 years old narin sya tama?" tanong ko kay Aaron
"Oo parehas kami ng edad"
"Eh bakit 4th year college parin kayo? Diba dapat tapos na kayo sa pag aaral?" tanong ni Alexa kay Aaron
"Alam mo yung drop out? Dahil maloko kami ni Darren nun nag paulit ulit kami ng pag aaral, No si Darren lang pala maloko nun nadamay lang ako, gusto nya kasi na sabay silang dalawa ni Francheska na mag 4th year college para daw sabay silang mag tatapos.. Eh ikaw Prince bakit 4th year college ka palang?"
"Ah kasi--"
"Nandito na pala tayo nalibang ako sa pag kukwento" sabi nya kaya di ko na natapos yung sasabihin ko
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...