SLNB 30

187 7 0
                                    

Prince POV

"Prince tama na yan" awat sakin ni Alexa pag tapos hinila nya ako palayo kay Darren

"Tama na tumigil na kayo!" awat din ni Aaron pag tapos pumagitna sya samin ni Darren

"Prince punasan mo yang labi mo oh" sabi ni Alexa sabay abot sakin ng panyo, kinuha ko naman yun at pinunasan ko yung labi ko dahil nadugo na yun

"Hindi pa tayo tapos Prince! Pag babayaran mo yung ginagawa mo sakin ngayon!" galit na sabi ni Darren pag tapos umalis na sya, sumunod naman sa kanya si Vince at si Patrick

"Ako pa ba ang dapat mag bayad? Eh sya nga tong madami ng atraso sakin" sabi ko

"Hindi mo na dapat sya pinatulan Prince" sabi ni Aaron

"At bakit hindi? Sumosobra na sya!" sabi ko

"Kahit na, madaming tropa si Darren kapag nalaman nila yung ginawa mo sa kanya baka lalo ka lang mapaaway"

"Sumosobra na kasi sya eh... hindi ko na kaya yung mga ginagawa nya sakin"

"Alam ko... hayaan mo, pipilitin kong makatulong sayo oras na malaman ng tropa nya yung ginawa mo sa kanya"

"Salamat Aaron" sabi ko sabay tap ng balikat nya

"Tara na Prince dalhin na muna kita sa clinic para magamot yang sugat mo" sabi ni Alexa

"Hindi na kailangan ko pang hanapin si Francheska, nasan ba sya ? Nakita mo ba sya"

"Hindi eh"

"Ganun ba, sige mauuna na ako hahanapin ko muna sya" sabi ko pag tapos nag madali na akong lumabas ng canteen...

Pumunta muna ako sa room para tingnan kung nandun sya, pero wala... kaya naman pumunta ako sa library at sa likod ng campus, pero wala din sya dun...

"Rinna.. saglit" tawag ko sa kaibigan ni Francheska

"Uy... Prince? Ikaw na ba yan?" tanong nya pag lapit ko sa kanya

"Oo ako nga"

"Wow ang gwapo mo na ha, so anong kelangan mo ?"

"Tatanong ko lang sana kung nakita mo si Francheska"

"Nakita ko sya pumunta sya sa parking lot"

"Sa parking lot?"

"Oo, at sa tingin ko wala na sya dun ngayon"

"Sige salamat" tapos tumakbo na ako papunta sa parking lot

Hinanap ko yung sasakyan nya dun pero wala na nga ito dun, kaya naman sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar yun palabas ng campus namin.

Saan ko ba sya hahanapin? Sa arcade ba? Sa bahay nila? O dun sa lugar kung saan unang naging kami?

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko sya pero di nya sinasagot yung tawag ko...

"Urgh saan ba kita hahanapin?!" inis kong sabi

***

Francheska POV

Nandito ko ngayon kung saan unang naging kami ni Prince, dito ako pumunta dahil mahalaga sakin tong lugar na toh... Hindi ko na kasi kaya yung nakikita kong pag babago kay Prince, ok lang sana kun itsura nya lang yung nag bago eh... pero pati ugali nya nag bago narin, parang di na sya si Prince na kababata ko at yung lalaking minahal ko.

"Sabi ko na eh nandito ka lang" napatingin ako kay Prince at dun sa labi nya na may sugat, pag tapos inalis ko kaagad yung tingin ko sa kanya, ayokong makita syang ganyan...

"Anong ginagawa mo dito?" wala kong ganang sabi sa kanya

"Sinundan ka, bakit ba kasi bigla kang umalis?"

"Bakit anong gusto mo? Panuorin ko kayo ni Darren habang nag susuntukan? Prince alam mo naman na ayaw kitang nasasaktan diba? Kaya mas mabuti pang umalis na lang ako dun kesa naman panuorin ko kung paano ka suntukin ni Darren"

"Sorry na" sabi nya kaya tumingin ako sa kanya

"Sorry? Pag tapos ano uulitin mo na naman? Prince hindi naman kelangan pati ugali mo mag iba diba? Tama na naman siguro yung ganyan ka... yung hindi ka na nerd, pero sana naman yung ugali mo wag mong baguhin... Ayoko ng nakikipag away ka"

"Hindi naman ako makikipag away kung wala silang ginagawa sakin"

"Hindi mo ba ko naiintindihan ha? Ayoko lang mapahamak ka Prince, Kilala ko si Darren kapag nagalit yung tao na yun panigurado may mang yayari sayong masama, kaya sana naman makinig ka sakin... tigilan mo si Darren wag mo na syang patulan pa"

"Tapos ano? Kapag hinayaan ko sya sa ginagawa nya sakin, maiisahan na naman nya ako, aapihin naman nya ako? Ipapahiya na naman nya ako? Sa tingin mo ba gusto ko tong ginagawa ko? Ayoko din na maging ganto ako! Pero punong puno na ako sa kanya! Hindi na ako papayag na apak-apakan lang nya ang pag katao ko!"

"Prince nandito naman ako, handa naman kitang protektahan sa kanya eh"

"Yun na nga ang isa pang nakakainis eh! Ikaw pa yung kelangan prumotekta sakin samantalang ako yung lalaki, ako yung dapat na protekta sayo"

"Ano naman kung ikaw yung lalaki ha? Hindi ba pwdeng isipin mo nalang na mahal kita kaya ginagawa ko yun?"

"Francheska ano ba ha!" galit na nyang sabi kaya natahimik naman ako "Hindi mo ba ako naiintindihan ha?.... Sabagay paano mo pala maiintindihan yung nararamdaman ko ngayon samantalang hindi naman ikaw yung nilalait lait nuon, hindi naman ikaw yung laging napapahiya... kasi palagi kang nasa taas, tinitingala ka nila, hinahangaan ka nila... samantalang ako Prince of nerd sa paningin nila! na akala mo hindi wala akong puso na pwdeng masaktan sa pinag gagawa nila!"

"Yan ba talaga ang tingin mo Prince? Sa tingin mo ba talaga hindi kita naiintindihan ha? Prince simula ng bata pa tayo kilala na kita... At nung nakita ulit kita hindi ko na inalis yung paningin ko sayo palagi kitang binabatayan, palagi kong inaalam yung lagay mo kaya naman alam ko yung nararamdaman mo tuwing nilalait ka nila at pinapahiya... nasasaktan din ako tuwing ginagawa nila sayo yun" hindi ko na napigilan pang pumatak ang mga luha ko

"Francheska" sabi nya na para bang naawa sya sakin

"Ako yung hindi mo maintindihan Prince, nag aalala lang naman ako sayo eh, nag aalala lang ako na baka may mang yari sayong masama... natatakot ako Prince na mawala ka ulit sakin, takot na takot ako na baka may mang yari na naman sayong masama, hindi ko na kakayanin Prince kung mawawala ka pa sakin... Pero hindi mo ko maintindihan dahil yung sarili mo lang yung iniisip mo" pinunasan ko yung mga luha ko "Prince mamili ka, ako o yung kagustuhan mong gumanti kay Darren?" dahan dahan syang umiling na para bang nalilito sya

"Francheska..."

"Ano mamili ka!"

"Francheska mahal kita alam mo yan... pero gusto ko turuan ng leksyon si Darren gusto kong bawian sya sa lahat ng ginawa nya sakin nuon"

"Talaga mahal mo ko? Pero mas gusto mo pang bawian si Darren kesa piliin ako? Nasaan ang pag mamahal dun ha Prince?! Sabihin mo nasaan?!" lalapitan sana nya ako pero tinulak ko sya palayo sakin "Itigil na natin toh Prince, tigilan na natin toh"

"No, ayoko..." umiling lang ako pag tapos nun nag lakad na ako palayo sa kanya... habang pumapatak ang mga luha ko

Ayokong gawin toh, ayoko syang iwan... pero bakit feeling ko mas mahalaga pa sa kanya ang kagustuhan nyang pag higantihan si Darren kesa sakin? Naiintindihan ko naman yung nararamdaman nya eh... Pero sana naman naiintindihan nya din ako, hindi yung ako lang yung naintindi sa kanya. Nasasaktan din kasi ako sa mga pinag gagawa nya, ang gusto ko lang naman maging maayos yung takbo ng relasyon naming dalawa, yung wala bang gulo at tahimik lang yung buhay naming dalawa... Pero hindi mang yayari yun kung patuloy syang makikipag away kay Darren...

****

Sexy Lady and the Nerdy Boy

Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon