SLNB 29

192 7 0
                                    

Francheska POV

Bakit ganun, parang ayaw nya ako kasama pero bakit mag kasama sila ni Alexa? Dapat ko bang sisihin sarili ko kung bakit ganun sya ganun sakin ngayon o dapat ba akong mainis sa kanya dahil ganun ang trato nya sakin? Ano ba dapat kong maramdaman? Dapat ba akong mag selos o mananahimik na lang ako at mag kukunwaring hindi ako na sasaktan....

Nakakalito.....

Hindi pa kami nag tatagal pero ang dami ng nang yayari, siguro pag subok lang toh saming dalawa...

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni dad sakin pag pasok ko ng bahay

"Ahm may pinuntahan lang po ako"

"Saan?"

"Sa mall po"

"Totoo bang may boyfriend kana?" seryoso nyang tanong

"Yes dad, si Prince po yung kababata ko" sagot ko bigla namang nangunot ang noo nya

"Bakit di mo agad sinabi na may boyfriend kana?! Diba pumayag kang ligawan ka ni Darren?"

"No dad, hindi naman ako pumayag eh... ikaw lang yung nag sabing pwde nya akong ligawan"

"Pero Cheska, alam na ng parents nya na liligawan kana nya... anong sasabihin nalang nila satin? Na pinapaasa natin ang anak nila?"

"Dad alam naman ni Darren na wala syang pag asa sakin, kaya hindi na natin dapat tong pag talunan pa... ayoko sa kanya at mahal ko si Prince" mag lalakad na sana ako paakyat sa kwarto ko pero bigla nyang hinawakan yung braso ko "Dad ano ba!"

"Makipag hiwalay ka sa Prince na yan" utos nya

"No! Ayoko!"

"Sundin mo ang sinasabi ko!" tinanggal ko yung kamay nya sa braso ko

"Ano bang problema nyo kay Prince? Kilala nyo na naman sya diba? Mabait sya at mayaman din sila kaya anong dahilan nyo para pag hiwalayin kaming dalawa ha?" inis kong sabi

"Dahil...."

"Dahil ano dad?"

"Nevermind, umakyat kana sa kwarto mo" sabi nya pag tapos nun nag lakad na sya papunta sa kwarto nila ni mommy.

****

Kinabukasan......

Buong mag damag hindi nag text sakin si Prince, kaya naman ngayon hinihintay ko sya ngayon dito sa labas ng room namin.

"Hey hinihintay mo si Prince?" tanong ni Aaron pag lapit nya sakin

"Oo"

"Kamusta naman sya? Anong ng yari sa kanya pag tapos nung ginawa sa kanya ni Darren?"

"Galit na galit sya.. at sa tingin ko---"

"Waaaahhhh!" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bgilang mag tilian yung mga babae, kaya naman napatingin kami ni Aaron kung sino ba yung tinitilian nya.

"Si... Prince ba yun?" tanong nya

"Si...guro?" hindi ko siguradong sagot dahil pinag kakaguluhan ng mga babae yung tinilian nila

"Lapitan natin" sabi nya tapos hinila nya ako papunta dun

"Ikaw ba yan Prince? Ang pogi mo naman" sabi nung isang babae

"Ang pogi mo pala talaga eh" sabi pa nung isa

"Salamat" nakangiting sagot nya, tapos napatingin naman ito sakin "Francheska" sabi nya pag tapos lumapit sya sakin... tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa, ibang iba na sya, yung ayos nya ngayon hindi mo mapag hahalataang nerd sya nuon... bagong gupit sya at nakataas ang mga buhok nya at lahat ng suot nya fitted sa kanya kaya naman kitang kita sa kanya yung ganda ng hubog ng katawan nya.

Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon