SLNB 18

265 10 0
                                    

Prince POV

Muntik na ako dun kanina, buti nalang nilagtas ako ni Alexa kung hindi baka patay na ako ngayon.. hindi ko kasi akalain na pupulikatin ako kaya naman hindi ko makampay yung mga paa ko at yun yung dahilan kung bakit muntik na akong malunod.

"Pare, alam mo di ako mag sasawang mag pasalamat sayo sa pag ligtas mo sakin" kanina ko pa sa kanya sinasabi yung salitang salamat

"Ako naman nag sasawa na akong sabihin sayo na wala yun, bestfriend kita kaya naman handa akong tulungan ka ano mang oras" nakangiti nyang sabi

"Swerte ko talaga na nag karoon ako ng bestfriend na kagaya mo"

"Sus nang bol ka pa"

"Hindi yun bola nuh totoo yun promise" sabay taas ko ng kanang kamay ko, yung bang parang nanunumpa ako sa kanya

"Oo na, swerte din naman ako kasi ikaw yung naging bestfriend ko"

"Swerte tayo sa isat isa"

"Tama" pag sang ayon nya

"Hey, kakain na" parehas kaming napatingin kay Aaron

"Ganun ba?" sabi ko tumingin ako sa orasan ko.. 7pm na din pala..

"Oo tara na" sabi nya

"Sige" sabi ko

"Teka lang Prince" sabi ni Alexa kaya napatingin ako sa kanya

"Bakit?" tanong ko

"Nilalamig kasi ako eh" sabi nya habang nakayakap sya sa sarili nya

"Ikaw kasi eh bakit kasi ganyan sinuot mo" sabi ko

"Eh diba nga kelangan swimsuit yung suot" sabi naman nya

"Ito oh ibalot mo muna sayo" sabi ni Aaron sabay bigay sa kanya ng twalya

"Ah salamat nalang" sabi ni Alexa tapos tumingin sya sakin "Ahm Prince pwde bang akbayan mo ko? para mawala medyo yung lamig"

"Ha?" pag tataka kong tanong

"Akbayan mo ko, hanggang dun lang naman oh sa pwesto natin kanina, kukunin ko lang dun yung damit ko sige na" napatingin ako kay Aaron umiwas lang sya ng tingin sakin kaya naman tumingin nalang ulit ako kay Alexa

"O-ok tara na" at tulad ng gusto nya inakbayan ko sya papunta sa pwesto namin kanina.

Pag dating namin dun napatingin samin si Francheska na abalang nakain, napadako yung tingin nya sa mga kamay ko na nakaakbay kay Alexa.

"Kayo na?" tanong nya

"Ha? Hi-hindi ha" at agad kong inalis yung kamay ko sa balikat ni Alexa. Nag kibit balikat nalang si Francheska at pinag patuloy yung pag kaen nya.

"Pakuha nga ng bag ko Prince" utos sakin ni Alexa kaya naman inabot ko sa kanya yung bag nya. Kinuha nya yung dami nya at sinuot yun. "Tara na kumuha na tayo ng pag kaen" sabi nya

"Ahm, pwde bang kuhaan mo nalang ako?" sabi ko

"Bakit hindi ka nalang sumama?" tanong nya

"Wala kasing kasama si Francheska dito eh, sasamahan ko nalang sya" sagot ko

"Ano? Prince naman hindi naman mawawala yang babaeng yan dyan" inis nyang sabi

"Alexa ako nalang sasama sayo kumuha ng pag kaen" sabi ni Aaron

"Tss.. fine" tapos nun nag lakad na sila papunta sa loob ng bahay.

"Nausok na naman yung ilong ng kaibigan mo" sabi ni Francheska kaya medyo natawa ako.

Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon