SLNB 9

292 9 0
                                    

Prince POV

*Kinabukasan...*

Kahit na hindi na ako excited pumasok dahil sa sinabi kahapon sakin ni Francheska, kelangan ko padin pumasok. Ok na sakin kahit na hindi ko sya malapitan basta makita ko lang sya araw araw, kinakailangan ko din pumasok para balang araw ako na ang hahawak ng kompanya namin.

Boggsh* napaatras ako ng may bumangga sakin at pag tingin ko kung sino yun ng laki ang mga mata ko at ang puso ko parang gusto kumawala sa dibdib ko, kinakabahan ako dahil pag tripan na naman nya ako

"Lalim ng iniisip ha" nakangisi nyang sabi

"Da-Darren, bakit nandito ka? Akala ko isang linggo kang di makakapasok"

"Ha.ha, satingin mo ba matitiis ako ng campus na toh? Alalahanin mo ako ang leader ng mga heartthrob dito, ako rin ang MVP ng basketball team, kaya sa tingin mo hahayaan nilang mawala ako ng ganung katagal?" pag mamayabang nya kaya napayuko nalang ako.

Sige na ikaw na heartthrob, ikaw na ang MVP! Ako na ang nerd! Ako na!

"Mauuna na ako" lalampasan ko na sana sya pero humarang s dadaanan ko yung kasama nya

"Hindi pa ako tapos mag salita Prince of nerd" pag katapos sya na ang humarang sa dadaanan ko kaya napaatras ako "May nabalitaan ako eh, pinipilit mo daw lapitan si Cheska?" tanong nya

"Ah ano kasi, may gust--"

"Whatever nerd, hindi ko naman kailangan ng explanation mo eh" Putol nya sa sinasabi ko

Tss eh bakit nag tanong kapa?

"O-Ok sige una na ako" mag lalakad na sana ako pero nag salita ulit sya

"Teka lang! gusto mo bang malapitan na si Cheska? yung hindi na kita pipigilan?" napatingin ako sa kanya

"Payag kana?" tanong ko, nag katingin sila ng mga kasama nya at sabay sabay na tumawa

"Sa tingin mo papayagan kita? HAHA! .. Pero sige tutal nakakaawa ka naman eh pag bibigyan, pwde mo na syang lapitan--" napangiti ako sa sinabi nya "Kapag nagawa mo ang iuutos ko sayo" nawala naman agad yung ngiti sa labi ko, malamang pag titripan na naman ako nito, iisahan na naman nya ako.

"Ano naman yun?"

"Mamayang breaktime mag kita tayo sa may field.. at duon malalaman mo kung ano yung utos ko sayo at kapag di ka dun pumunta, alam mo na mang yayari sayo" nakangisi nyang sabi pag katapos nag lakad na sila palayo sakin ng mga kasama nya

"Patay na naman ako nito" sabi ko sa sarili ko

"Pare" napalingon ako kay Alexa "Pare si Darren ba yun?" tanong nya

"Oo, pumasok na sya"

"Wala pang isang linggo ha, binully ka na naman ba nya?"

"Hindi, may sinabi lang sya sakin"

"Ano naman yun?"

"Payag na daw sya lapitan ko si Francheska" napasimangot naman sya sa sinabi ko

"Talaga sinabi nya yun?" walang ganang tanong nya

"Oo, pag nagawa ko daw yung iuutos nya sakin"

"Pumayag ka naman?" nag nod ako "Ano ka ba naman Prince, hindi kapa ba nadadala sa lalaking yun? Baka mamaya kalokohan lang yung ipagawa nya sayo mapahiya ka nanaman sa campus"

"Pero pare, alam mo naman na matagal ko ng gustong maging kaibgan si Francheska diba? Hindi lang yun matupadtupad dahil palaging naasungot yung Darren na yun, kapag nagawa ko yung iuutos nya edi malaya ko ng malalapitan si Francheska"

Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon