Francheska POV
Nandito kami ngayon ni Prince sa field, nakasandal sya sa puno habang ako naman nakasandal yung ulo ko sa balikat nya.
"Prince" tawag ko sa kanya
"Bakit?"
"Sorry talaga kanina ha" malungkot kong sabi... alam kong medyo naging OA yung trato ko sa kanya kanina, wala eh hindi ko kasi mapigilan yung pag seselos ko.
"Ok lang yun, basta wag mo na uulitin yun ha" umayos ako ng upo at tumingin sa kanya
"I try"
"Bakit try pa? Alam mo gusto kong mag kasundo na kayo ni Alexa, para ng kapatid ang turing ko sa kanya... kaya nasasaktan ako pag hindi kayo mag kasundong dalawa" umiwas ako ng tingin sa kanya
"Parang mahirap kasi yun... lalo na at alam kong gusto ka nya"
"Paano mo nalaman?" pag tataka nyang tanong .. tumingin ulit ako sa kanya
"Halata kaya sa mga kilos nya, alam ko na matagal ka na nyang gusto"
"Ah.. buti kapa matagal mo ng alam, samantalang ako kanina ko lang nalaman" sabi nya
"Matanong nga kita Prince, kung sakali bang walang tayo ngayon at nalaman mong may gusto sayo si Alexa... may pag asa bang maging kayo?" napatingin sya sakin ng serysoso
"Siguro, ewan ko... wala kasi talaga akong nararamdaman sa kanyang kakaiba... importante sya sakin dahil kapatid na nga ang turing ko sa kanya, pero siguro malabong maging kami kahit walang tayo"
"Ah" sagot ko nalang
"So pano na nga pala si Darren, paano yung pang liligaw nya sayo?" tanong nya
"Wala, boyfriend na kita Prince kaya kahit ligawan pa nya ako never magiging kami kasi ikaw lang yung mahal ko" napangiti naman sya sa sinabi ko
"Mahal din kita" sabi nya tapos kiniss nya yung noo ko
"Ang sweet naman" napatingin kaming dalawa ni Prince sa biglang nag salita... at nakita namin dun si Rinna at Elza
"Bakit nandito kayo?" tanong ko
"Bakit girl bawal na ba?" tanong ni Rinna
"Hindi naman" sagot ko
"Buti naman" nakangiti sabi ni Rinna, pag tapos tumingin sya kay Prince "Hi Prince" nakangiti nyang bati dito
"H-hi" sabi ni Prince
"Patabi kami ha" sabi ni Elza pag tapos umupo sya sa gitna namin Prince si Rinna naman dun s kabailang side ni Prince... kaya ang ng yari napalayo sya sakin
"Teka, kelangan talaga sa pagitan pa namin ni Prince ikaw uupo?" irita kong tanong kay Elza
"Ano ka ba sis, share your blessing ok?"
"Anong share your blessing ka dyan?"
"Sis alam namin na itong si Prince ay hunk sa totoong buhay.. kalat na kaya sa campus yung picture nya at wag ka... an pogi pogi nya" kinikilig na sabi ni Elza
"Tama, kaya pahiram naman kami minsan, kahit mahawakan lang namin si Prince ok na samin" sabi naman ni Rinna.. napatayo naman ako sa mga pinag sasabi nila
"Hindi gamit si Prince na pwde nyong hiramin.. boyfriend ko sya kaya respeto naman pwde?! Umalis na kayo" inis kong sabi sa kanila.. tumayo naman si Prince at lumapit sakin
"Mahal kalma lang" sabi nya
"Kaya nga sis, kalma lang nag bibiro lang naman kami eh masyado ka namang highblood" natatawang sabi ni Elza, tapos tumayo na silang dalawa ni Rinna
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...