Prince POV
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga lang ako sa kama habang tinitingnan yung naiwan ni Fracheska na kwintas sa clinic. Ito yung dahilan kung bakit ko sya hinabol, pero hindi ko akalain na dahil sa pag habol ko sa kanya masasaktan pala ako ng sobra. Bakit ba ganun kadali sa kanya na palayuin nalang ako sa kanya, saka ano ba yung sinasabi nyang matagal na nyang tinapos yung pagiging mag kaibigan namin? Kelan ba kame naging mag kaibigan? O siguro tinuring na siguro nya akong kaibigan nuon kaya nya nasabi yun, pero bakit di man lang nya pinaramdam sakin na tinuring na pala nya akong kaibigan? Haysss.
Napaupo ako sa kama at tiningnan ko ulit yung kwintas nya. Para kasing may gusto akong maalala pero hindi ko alam kung ano yun...
tok!tok! napalingon ako sa pinto ng may kumatok dito.
"Bukas yan, pasok" kaya naman pumasok na yung kumatok
"Sir, nandyan po sa baba si ma'am Alexa hinihintay po kayo"
"Ganun po ba manang, sige po susunod po ako" sabi ko sa katulong namin, nag nod lang sya sakin at lumabas na ulit sa kwarto ko. Tumayo na ako sa kama at tinago ko muna sa drawer ko yung kwintas ni Francheska at lumabas narin ng kwarto ko.
Pag baba ko sa sala, lumapit agad sakin si Alexa.
"Pare bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya
"Nag alala ako sayo, hindi kana pumasok ng last subject natin kaya dito na ako dumertsyo nung uwian na, kamusta kana ba?" umupo ako sa sofa kaya tumabi sya sakin
"Ayos lang ako, pero medyo masakit yung katawan ko"
"Ganun ba? buti nalang wala pa mommy mo ngayon dito kundi panigurado sinugod na nya yun si Darren"
"Kaya nga eh, buti nalang nasa Cebu sya ngayon, pag balik nya dito sigurado ako na wala na yung mga pasa ko, ayoko syang madamay sa galit sakin ni Darren eh"
"Ang sama sama kasi ng lalaking yun, pero speaking of Darren.. Isang linggo syang hindi makakapasok sa school"
"Ha? Bakit?" pag tataka kong tanong
"Sinumbong sya ng adviser natin, kasi sinabi ko sa kanya yung dahilan kung bakit di kana nakapasok sa susunod na subject natin, kaya ayun isang linggo syang band sa school.. buti nga sa kanya" napatahimik lang ako sa sinabi nya.. sigurado yari na naman ako dun kay Darren ako na naman sisihin nya kung bakit di sya nakapasok. "Huy, bakit tahimik ka dyan? Hindi kaba natutuwa na isang linggo mong di makikita yung taong yun?"
"Hindi, dahil panigurado pag nakapasok na ulit sya ako na naman sisihin nya sa ng yari patay na naman ako dun"
"Oo nga nuh.. hayaan mo pare, ako bahala sayo" tumingin ako sa kanya
"Para namang may magagawa ka?"
"Oo naman mag papalaki na ako nito oh" sabay pakita nya ng muscle nya"
"Hindi bagay pare" tapos ginulo ko yung buhok nya
***
Francheska POV
"Ano ba girl kanina pa tayo rito nag hahanap, wala naman tayong nakikitang kwintas" reklamo ni Rinna, nandito kami ngayon sa likod ng campus baka kasi dito ko nahulog yung kwintas ko, hinanap narin kasi namin sya sa canteen at sa clinic pero wala kaming nakita.
"Kaya nga.. lets go uwi na tayo" sabi naman ni Elza
"No, hindi pwdeng umuwi tayo na hindi ko nakikita yun, mahalaga sakin yun"
"Cheska, nakailang ikot na tayo dito pero walang kwintas na lumilitaw" -Rinna
"Oo nga bumali ka na lang ng bago" pag sang ayon ni Elza
"Hindi ako pwdeng bumlili ng bago dahil wala ng katulad yun, ang tagal na sakin yun bigay pa sakin yun nga kababata ko"
"Pero wala nga tayong makita diba? Baka may nakakuha na nun" -Rinna
"Kaya ngam kaya umuwi na tayo" pag sang ayon ulit ni Elza
"Pero—"
"Wala ng pero pero sis, tara na" putol ni Rinna sa sinasabi ko sabya hila sakin kaya wala na akong nagawa kundi sumama sa kanila.
***
Prince POV
*Kinabukasan....*
Hinihintay ko si Francheska na dumating para maisaoli ko na yung kwintas nya. Kaya nung nakita ko sya agad ko syang nilapitan, pero biglang humarang sa dadaanan ko yung dalawang kabarkada ni Darren
"Oh Prince of nerd saan ka pupunta?" tanong nung isa
"Kay Francheska.. may gusto lang akong ibalik sa kanya"
"Hindi ka pwdeng lumapit kay Fracheska, hindi porket wala si Darren eh malaya kang makakalapit sa sexy lady ng campus.. binilin sya samin ni Darren at inutos nya na wag na wag naming hahayaan na makalapit ka sa kanya" sabi pa ng isa, pag katapos sumunod na sila kay Francheska...
"Mamaya ko na nga lang ibabalik" sabi ko sa sarili ko at nag lakad na ako papunta sa room namin.
Nung nakapasok na ako sa room, nakita kong nakaupo na si Francheska sa upuan nya kaya agad ko syang nilapitan.
"Francheska" napatingin sya sakin at lahat ng clasmate namin napatingin samin
"Prince" tawag sakin ni Alexa
"What?" tanong ni Francheska
"May gusto lang sana akong—" naputol yung sasabihin ko ng may humila sakin palayo kay Francheska.
"Hindi kaba nakakaintindi ha nerd? Diba sabi namin sayo hindi ka makakalapit kay Francheska" sabi nung isa sa dalawang barkada ni Darren na humarang sakin kanina
"Anong gingawa nyo dito Vince?" tanong ni Francheska sa humigit sakin
"Binabantayan ka, dito kami mag roroom ng isang linggo" sagot nya
"At bakit?" naiiritang tanong ni Francheska
"Dahil yun yung sabi ni Darren, diba Patrick" sabi nung Vince sa kama nya
"Yeah, para daw hindi makalapit sayo tong nerd na toh" sabi nung Patrick sabay turo sakin, nag role eyes nalang si Francheska na halatang naiirita sa kanya. At dahil wala na akong pa asa makalapit sa kanya nag lakad nalang ako papunta sa upuan ko. Pero pag upo ko bigla nalang hinigit ni Vince yung upuan ko kaya sa lapag ako napaupo kaya yung iba kong classmate eh nag tawanan.
"Prince ok ka lang?" tanong ni Alexa sabay tinulungan nya akong tumayo
"Oo ok lang" sagot ko pag tayo ko, inayos ko lang salamit ko dahil muntik na syang malaglag
"Hoy ano bang problema nyo ha?!" singhal ni Alexa sa dalawa
"Wala dyan kasi ako uupo, kaya ikaw nerd dun ka sa likod umupo" sabay turo sa pinaka likuran
"Eh dito ako nakaupo eh" sabi ko
"Eh dito ako ngayon uupo eh, may angal ka?" mayabang na sabi ni Vince at umupo na sya sa upuan ko kaya wala na akong nagawa, bago ako pumunta sa pinaka likuran.. napatingin ako kay Francheska kaya naman umiwas sya ng tingin sakin. Napabuntong hininga nalang ako at pumunta na sa likuran at duon umupo.
"Grrrr! Nakakaasar talaga kayo!" sabi ni Alexa at padabog na kinuha yung bag nya at umupo rin sa tabi ko
"Bakit dito ka umupo?" tanong ko sa kanya
"Syempre mag pare tayo diba? Kaya dadamayan kita" nakangiti nyang sagot
"Salamat pare" nakangiti ko ring sabi sa kanya
"Wala yun" tapos nag high five kameng dalawa, pag tingin ko kung saan nakaupo si Francheska nahuli ko syang masama ang tingin kay Alexa, pero nung napansin nyang nakatingin ako sa kanya nag role eyes lang sya sakin at umiwas na ng tingin. Anong problema nya?
***
Sexy Lady and the Nerdy Boy
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...