Aaron POV
Nakita ko ang lahat, nakita ko kung paano umiyak si Alexa at kung paano nya sampalin si Prince, nakita ko din na hinabol sya ni Prince nung tumakbo sya habang si Francheska nakatingin lang sa kanila..
Lumapit ako kay Francheska..
"Hindi mo ba sila susundan?" tanong ko, napatingin sya sakin
"For what? Mukang mahalaga yung pag uusapan nilang dalawa"
"Bakit wala ka bang balaka alamin kung ano yung mang yayari sa kanila?" umiwas sya ng tingin sakin "Alam mo na mahal ko si Alexa, kaya nasasaktan ako na makita syang umiiyak... nasasaktan ako, dahil nasasaktan sya... kaya kahit ano pang makita ko susundan ko sila. Dapat ikaw sundan mo din sila kasi boyfriend mo na si Prince may karapatan kang sundan silang dalawa" tumingin ulit sya sakin
"Paano mo nalaman?" tanong nya
"Famous ka dito, kaya lahat ng tungkol sayo alam ng lahat kaya wag kana mag taka kung paano ko nalaman.. ano sasama ka ba saking sundan sila?"
"Bakit mo ba ako pinipilit? Siguro natatakot kang masaktan sa makikita mo dun nuh kaya nag papasama ka sakin?" ngumiti ako sa kanya
"Oo eh, kelangan ko ng karamay"
"Tss... sige na nga tara na, nakakaawa ka naman eh" sabi nya tapos nauna na syang nag lakad kaya sinundan ko na sya...
Nakarating kami sa may field hindi kami masyadong lumapit sa kanila, nakita namin na nakaupo si Alexa sa bench habang si Prince naman nakatayo lang at pinupunasan ang mga luha nya..
"Ang sweet nila ha" medyo bitter na sabi ni Francheska
"Matagal na kasi silang mag kaibigan eh" sabi ko nalang kahit na gustong gusto ko ng palayuin si Prince kay Alexa
"Mas inuna pa nyang habulin si Alexa kesa sakin" sabi nya
"Nag seselos ka?"
"May karapatan naman akong mag selos diba? Boyfriend ko sya"
"Bakit di mo sila lapitan?"
"Eh ikaw bakit ayaw mo silang lapitan?" balik na tanong nya sakin
"Dahil wala akong karapatan na pakelamanan sila"
"Hays..." yan nalang sabi nya
Lumuhod si Prince habang hawak hawak pa nya yung kamay ni Alexa... pag tapos nun tumayo si Alexa at hinila patayo si Prince, may sinabi si Alexa kay Prince na dahilan kung bakit napangiti ito tapos nun niyakap ni Prince si Alexa... at niyakap din sya ni Alexa
"Nakakaiyak yung live show na nakikita natin" napatingin ako kay Francheska, at yung muka nya para syang galit na nag seselos na ewan... "Mauuna na ako mukang happy ending na naman eh" sabi pa nya tapos nag lakad na sya paalis.. hindi ko na sya pinigilan, kasi kung ako na walan karapatan nag seselos na sa nakita ko paano pa kaya sya diba?
***
Alexa POV
"Wag kana umiyak" sabi ni Prince habang pinupunasan nya yung mga luha ko
"Ang sakit eh, alam mo ba yun!" sabi ko... lumuhod sya sa harapan ko at hinawakan nya yung mga kamay ko
"Sorry please patawarin mo na ako, hindi ako sanay na mag kaaway tayong dalawa... patawarin mo na ako, at sana naman matanggap muna na girlfriend ko na si Francheska... pero kahit na girlfriend ko na sya, promise di parin kita babaliwalain kasi ikaw lang naman yung nag iisa kong bestfriend eh" pag mamakaawa nya... kaya naman tumayo ako at hinila ko sya patayo
"Sige na, wala na naman akong magagawa eh.. kayo na at hindi ko na mababago pa yun, kaya mag momove on nalang ako sayo... pero ipangako mo Prince na walang mag babago sating dalawa ha" ngumiti sya
BINABASA MO ANG
Sexy Lady and the Nerdy Boy [OnGOING]
RandomSLNB. Ako si Prince Gomez , isang NERDY BOY .. at may gusto ako sa pinaka sikat , pinaka maganda at pinaka SEXY LADY sa campus namin. Mali pala di ko pala sya gusto kasi mahal ko na sya , pero mapansin nya kaya yung nerd na katulad ko kung pinapalib...