Chapter XXVIII (editing)

2.1K 46 2
                                    

"Pasensiya na ho, false alarm lang pala ang lahat, isa rin akong goverment agent." Sabay pakita ni Caleb sa kaniyang badge, "Akala ko ho kasi nawawala ang kapatid ko, may pinuntahan lang pala," dagdag pa niya.

Napatingin naman sa kaniya ng masama ang nakababatang kapatid na para bang sinasabi na bakit niya kailangang magsinungaling sa harap ng mga kapwa niya otoridad. Nakatayo si Yllana sa likuran ng mga pulis habang kinakausap ng mga ito ang kuya niya.

"Gan'on po ba sir? O sige po, nauunawaan po namin. Kapag may problema po, asahan n'yo po ang mga kapulisan namin dito. Sige po, aalis na ho kami," sinserong paalam ng isang pulis kay Zembrano. Pagkaalis na pagkaalis ng mga ito ay dali-daling lumapit sa kaniya si Yllana, baon ang pagtataka at sama ng loob.

"Kuya! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Nasisiraan ka na ba! Bakit 'di mo sinabi sa kanila ang totoo? Na ang nawawala rito ay ang kaibigan ko at hindi ako! Kuya! Posibleng nasa panganib si ate Rina ngayon, pero bakit nagawa mong pagtakpan ang bagay na iyon! Ano bang problema mo kuya!" nanggagalaiting bulyaw ni Yllana sa nakatatanda niyang kapatid.

"Hindi mo ako naiintindihan," pangangatwiran ni Caleb. Sa ngayon, ang alam niya lang, hindi maaring may makatuklas sa muling pagbabalik ni Czarina lalo na ang mga pulis. Hindi na rin niya kasi matukoy kung sino ang kaaway at kakampi nila ni Czarina.

"Anong hindi ko maiintindihan kuya! Kitang-kita ng mga mata ko na wala si Ate Rina sa sariling niyang kotse. Hindi pa ba halata iyon? Malaki ang posibilidad na may nangyareng masama sa kaniya, my God kuya!" patuloy na paghehesterikal ni Yllana.

"Bumalik na tayo sa sasakyan, sa daan ko na ipapaliwanag ang lahat." Nauna sa paglakad si Caleb, wala namang nagawa si Yllana kundi sumunod dito. Muli siyang sumulyap sa abandunadong kotse ni Yllana at kita sa mga mata niya ang sobrang pangamba sa kung ano ang kalagayan nito.

Tahimik pa rin si Yllana, nakabusangot ang mukha niya at nakatingin sa labas ng bintana upang ipakita na may tampo siya sa ginawa ng kuya niya.

"Bunso... I know nagagalit ka." Hindi siya pinansin ng kapatid sa halip ay inirapan lang siya nito. Nagpatuloy sa pagtakbo ang sinasakyan nila.

"Hindi mo kasi nauunawaan e, hindi pwedeng malaman ng mga kapwa ko pulis na ang nawawala ngayon ay ang matagal na pa lang wala!" Kunot ang noong napatingin sa kaniya si Yllana.

"Kuya kahit anong usap mo riyan, hinding-hindi talaga kita mauunawaan lalo na't kung ayaw mo siyang ipaunawa sa akin at saka bakit ba ganyan ka magsalita? I know, siguro nga, dahil ba sa bagong kakilala mo siya kaya wala kang pakealam sa nangyare sa kaniya- but that's not fair kuya!"

"Shut up Yllana! Makinig ka! Matagal ko nang kilala si Rina!"

Napatingin nang seryoso sa kaniya si Yllana, halata sa mukha niya ang pagkagulantang at pagkalito, natameme siya at walang nagawa kundi hintayin ang mga susunod na sasabihin ng kuya niya bilang paliwanag sa unang nasabi nito.

***

"Boss, kasama na ho namin siya," bungad ni Marco. Tumango muna si Arabis at saka ipinasok si Czarina. Pilit inaalis ni Czarina sa pamamagitan ng pag-uga sa kaniyang mga braso ang pagkakahawak sa kaniya ng dalawang lalaki. Naka-duct tape ang dalawa nitong kamay sa harapan, kasabay nito ang patuloy niyang paglalakad habang minamasdan ang kabuuan ng silid.

"Bakit n'yo naman tinalian ang aking bisita, hindi ko tinatrato ng ganyan ang bawat iniimbitahan ko. Hala! Sige tanggalin ninyo ang bagay na iyan sa kamay niya," utos ni Arabis na agad din naman sinunod ng mga naroon.

Pagkatanggal ay agad na inalok ni Arabis si Czarina na maupo, itinuro niya ang single couch na nasa harapan niya na nakalaan talaga para kay Czarina. "Halika, maupo ka, huwag kang mahiya," nakangiti pang sambit niya. Walang reklamong naupo si Czarina sa harapan ni Arabis.

Revencher (ACTION) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon