Chapter XXVII (editing)

2K 45 6
                                    

"Ate Rina? Wow, ang tagal na rin noong huli po tayong nagkita. Kumusta na po," galak na bati ni Yllana. Naabutan niya kasi si Czarina na pasakay na sa kaniyang kotse na naka-park sa harap ng coffee store kung saan madalas silang magkita.

"Oh ikaw pala! Oo nga 'no. Heto, I'm still good," masigla ding tugon ni Czarina. Pansin ang masayang awra na taglay niya.

"May lakad ka po ba? Kung wala, aanyayahin po sana kita?" tanong muli ni Yllana.

"Wala naman, Hmmn saan ba?" Nakangiti muling saad ni Czarina. Ang pagiging succesful ng nakaraan niyang misyon ang nagbibigay ngiti sa kaniya.

"Treat po sana kita ng lunch, e kasi candidates ako as a graduating student at saka, ah e, ako rin kasi suma-Cumlaude sa batch namin he he, this May na iyon kaya gusto ko sanang mag-celebrate. Kaya lang wala akong makakasama kasi busy si kuya ko. So pinuntahan kita rito, hoping makita kita at sakaling masamahan mo ako-- kung okay lang naman he he. Pero kung busy ka, nauunawaan ko naman." Sabay bitaw ni Yllana nang ubod ng tamis na ngiti.

"Oo ba, makakatanggi pa ba ako, e good news iyan para sa 'yo. Oh sige, I'll come with you. Saan ba tayo?"

"Yehey! Okay tara, ako na bahala." Agad silang umalis sa coffee store na iyon.

Lulan sila ng sasakyan ni Rina, pinaharurot ito ng dalaga palayo sa lugar kasama ang tinuturing na niyang kaibigan na si Yllana. Lingid sa kanilang kaalaman ay may nagmamatyag pala sa kanila sa 'di kalayuan. Nakasakay ito sa isang itim na kotse na agad silang sinundan pagkaalis nila sa lugar.

Sa isang restaurant sa tagaytay dinala ni Yllana si Czarina, dito madalas kumain noon sina Yllana kasama ang buo niyang pamilya noong nabubuhay pa ang kanilang magulang ni Caleb. Espesyal sa kaniya ang lugar kaya rito siya nagpasyang magdiwang.

"Kumakain ka rin dito?" tanong ni Czarina pagkakuha ng waiter sa order nila.

"Oo, bakit? Nakapunta ka na rin dito?"

"Ha, Oo dito kami madalas pumunta ng pamilya ko, noong nabubuhay pa sila." Hindi sinasadyang nabanggit ni Czarina ang tungkol sa kaniyang pamilya. Binalot ng kalungkutan ang mukha niya at napatungo dahil marami na namang ala-ala ang muling nanumbalik sa kaniyang isipan dahil sa lugar na kinaroroonan nila.

"So-sorry ate Rina, pero parehas na pala tayong ulilang lubos." Malungkot din ang pagkakasabi ni Yllana.

"Wala na rin ang parents mo?" tanong naman ni Czarina. Sinusubukan niyang alisin ang ideyang tungkol sa pamilya niya.

"Oo, pitong taon na rin ang nakakalipas nang mawala sila. Kami na lamang ni kuya ang magkasama. E ikaw, ah okay lang ba kung malaman ko kung gaano katagal ka ng ulila?" Napatingin muna si Yllana kay Czarina at nang mapansin natahimik ito at nakatungo ay dali-dali niyang binawi ang kaniyang tanong. "Ay okay lang kung ayaw mo sagutin he he, minsan talaga pakelamera talaga ako-- pasensiya na he he."

Saktong dumating ang order nila, inihain sa kanila ang mainit-init pang especial bulalo at ang ilan pa sa mga in-order nila. Matapos maihain ang lahat ay iniwan na sila ng waitress.

Nasa kasarapan sila ng pagkain ng mag-ring ang phone ni Yllana.

"Oh kuya! Napatawag ka?"

(.....)

"Ah akala ko kasi busy ka kaya hindi ko na muna binanggit"

(....)

"Actually I am with my friend."

(.....)

"Yes kuya."

Revencher (ACTION) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon