Chapter II ✔

5.5K 117 9
                                    

              Kasalukuyang na sa tarrace si Czarina, minamasdan niya ang ganda ng lupain na pagmamay-ari nila. Nilanghap niya ang preskong simoy ng hangin na dulot ng mga puno na nakapalibot sa kanilang paligid. Walang makikitang kalapit na bahay dahil ang lupain ay para lamang sa mga Javier, na sa loob din ng lupain ang mga pagmamay-ari na bunga ng yaman na mayroon sila.  Matatanaw din sa di kalayuan ang ganda ng asul na karagatan na nasa gawing likuran ng kanilang mansyon na mas nagbibigay lalo ng ganda sa buong lugar.

               Hinihintay ni Czarina ang pag-uwi ng kanilang magulang para sa isang bagay na gusto niyang malaman at nais maintindihan. Dahil sa totoo lang matagal na itong bumabagabag sa kaniyang kalooban. May nabasa at napanood siya sa internet patungkol sa kaso na kinasasangkutan ng Daddy niya. Gusto niyang malaman ang totoo sa likod nito dahil natatakot din naman siya sa maaring mangyari sa Daddy niya. Mahal na mahal niya ito at hindi niya alam ang gagawin kung bigla na lamang ito mawawala sa piling nila, mas lubos niyang ikinababahala ang iisipin ng musmos niyang kapatid na kambal.

         At sa wakas narinig na niya ang pagbusina ng sasakyan, senyales na nakauwi na ang mga ito. Agad na bumaba sa kanilang sala si Czarina at hinintay ang pagpasok ng magulang. Nagdesisyon siya na kahit doon na lamang din niya kausapin ang mga ito. Ilang saglit lang ay pumasok na ang mag-asawa kasunod ang isang katulong at bitbit na nito ang mga gamit nila at ilang mga shopping bags. "Oh Hija, hinintay mo talaga kami. Pasensiya na, natagalan kami ng mommy mo. May inasikaso lang kami sa school nina Sairah at Zoren tapos itong mommy mo nagpadaan pa sa department store," paliwanag ni Mr. Javier, naupo ito sa sala kasunod ang asawa nitong si Carmela.

               Ganoon din ang ginawa ni Czarina, "It's Okay Dad.. Ahh Dad?"

               "Yes? Ano nga pala 'yong gusto mong itanong sa akin kanina?" Niluwagan ni Mr. Javier ang pagkakatali ng necktie niya.

                Nabalot naman ng kalungkutan ang mukha ni Czarina, huminga muna siya nang malalim bago ulit magsalita, "Dad, I've read an article about the smuggling and human trafficking case na nakakonek sa pangalan nyo po. Ano po ang tungkol doon? Bakit nakadawit ang pangalan n'yo doon, please tell me na mali lang ako ng pagkakaintindi." Bakas sa mga mata ni Czarina ang lungkot at kaba mula sa boses niya. Namagitan sa kanila ang panandaliang katahimikan, tila inaalam ng mag-asawa kung ito na nga ba ang tamang panahon para isambulat ang katotohanang ilang buwan din nilang ikinukubli.

                 "So... Nalaman mo rin pala Hija." Napatingin muna si Mr. Javier sa kaniyang misis bago ulit ibaling ang atensyon sa anak at magpatuloy sa pagsasalita, "Honey... Siguro it's time na rin para malaman ng prinsesa natin ang lahat at makiproblema rin sa gusot na dapat sana tayo na lang ang naghahanap ng solusyon." Tumango lamang ang misis niya sa kaniya bilang pagsang-ayon sa iminungkahi niya.

                "Yes Dad, I can't wait to know the facts about that." Kita naman sa mga mata ni Czarina ang pagnanais niya na malaman ang katotohanan. Muling sinulyapan ni Mr. Javier ang asawa bago ulit magsalita, "Okay anak, di ko alam kung paano mo nalaman gayong na ipa-block list ko pa ang isyu na iyan at nagbayad nang malaki para hindi na lumabas pa sa television, dahil nga sa iniingatan ko kayo at ang pamilya natin. Pero wala na akong magagawa dahil heto, nalaman mo pa rin. Anak ang totoo niyan..." Muling nagkatinginan ang mag-asawa na ginawa rin naman ni Czarina, parehas niyang tinignan ang Mommy at Daddy niya.

                "Ang kumpanya natin ang tumatayong saksi sa malaking sindikato ng mga smuggling and human trafficking case dito sa ating bansa. Base sa initial investigation and testimony ng mga nabiktima, pinamumunuan ng Mayor ng San Guillermo na walang iba kundi si Mayor Fredrick Tansingco, ang isang iligal na gawain kung saan sila nahuli sa akto ng mga tauhan ko."

                "Dad..."

                  Hindi mawarian ni Czarina kung ano ang dapat maging reaksyon, matutuwa ba siya dahil mali ang kaniyang akala na kabilang ang daddy niya sa maling gawain na iyon o malulungkot dahil tiyak na malalagay sa panganib hindi lamang ang negosyo nila maging kaligtasan nila subalit nanatili siyang tahimik at nagpatuloy sa pakikinig, "Nalaman namin na ang mga dinala nilang mga kabataang lalaki at kabataang babae, sa isa nating hotel ay ang mga kaawa-awang biktima nila.  Isa sa mga biktima ang nakakuha ng pagkakataon na magsumbong sa isa sa mga staffs natin, na agad din namang ipinaalam sa akin. Anak, hindi ako papayag na gamitin ang business ko sa mga ganoong uri ng kalaswaan, kaya agad akong nagpatawag ng mga pulisya para maagapan at matulungan ang ilan sa mga biktimang na sa hotel natin. Hanggang sa umamin na nga ang isa sa mga nahuli namin kung sino ang nasa likod ng gawain iyon, itinuro niya si Mayor Fredrick Tansingco, pero mahina ang ebidensya para patunayan kung ang Mayor nga ang pinuno at may pakana niyon. Hanggang sa nagkaroon na nang malaking isyu sa pagitan nila at ng mga posibleng suspek na sinampahan namin ng kaso. Nakidutdot na nga rin sa isyu ang mga media pero bago pa ito tuluyang lumabas sa publiko, nagbayad ako ng malaki upang hindi na nila ito pagpiyestahan pa. Ayokong madamay kayo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mailalagay ko kayo sa kapahamakan pero... nangyari pa rin, nalaman at nalaman nyo pa rin. Patawarin mo ang daddy, hindi ko agad naayos ang gusot na ito." Niyakap ni Czarina ng buong higpit ang Daddy niya dahil sa ngayon ito lang ang magagawa niya bilang anak. Pagkatapos ay malumanay siyang nagsalita, "Dad, may alam na rin po ba sina kuya Mckie at kuya Kenji dito?" tanong niya. Mababanaag sa mata ng dalaga ang simpatya niya para sa ama.

                 "Oo anak, pero sinabihan ko sila na huwag nang mag-alala, inaayos na ng Daddy. Don't worry anak hindi papayag si Daddy na mapahamak kayo at ipinapangako ko, na hanggat nasa poder ko kayo, ipagtanggol ko kayo, sisiguraduhin kong ligtas kayo... Halika nga dito." Niyakap muli ni Mr. Javier ang anak dahil nakita niya na nangangamba talaga ito sa sitwasyon na napasukan niya. Nakiyakap na rin ang kaniyang maybahay, dama niya ang kalungkutan din nito buhat sa kinahaharapan nila. Para silang bumangga sa pader at hinamon ito. Sa paningin ng ilan, nagkamali yata siya nang pinasukang gulo pero naninindigan siya na bilang haligi ng kanilang tahanan kailangan niyang maingatan ang mga ito. He knows that he is fighting for what is right and true kaya naman pinanghahawakan nila ngayon ang kaisipang nasa panig din nila ang Diyos, dahil pinapanigan lang naman nito ang mga sitwasyon na naaayon sa tama, sigurado rin sila na maging ang taumbayan at ang mismong batas ng bansang kinabibilangan nila ay magiging kakampi nila. Tiwala sila na makakasama nila ang mga ito sa laban na susuungin nila dahil kagaya ng pauli-ulit niyang sinasabi, inilalaban niya lamang kung ano ang totoo at tama.

***

To be continued...

Revencher (ACTION) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon