Chapter VII ✔

3K 90 3
                                    

                "Rinaaaaaa!"  

                Ang boses na iyon, pamilyar sa akin, Andrew? Kahit nakapikit ako at hindi nakikita ang paligid, sigurado akong si Andrew nga iyon.

              Halos ulanin ang buong paligid ng iba't-ibang klaseng putok ng baril.

               Nakakabingi...

               Nakakakilabot...

              At  ako? Nananatili pa ring nakadapa at hinihintay na lamang si kamatayan.

              "Bilisan n'yo! Patayin n'yo ang tarantadong iyon!" boses ulit ng isang lalaki. Hindi ko na minulat pa ang aking mga mata dahil ayoko nang madagdagan pa ang mga nasaksihan ko kanina sa pagkitil ng buhay.

               "Hanapin nyo ang lalaking iyon! Patayin nyo! Huwag kayong titigil ang hangga't hindi siya napapatay!" boses iyon ng lalaking nagturok ng syringe sa akin.

              "Paano ang babaing ito boss?"

              "Huwag kayong mag-alala, may mas maganda akong plano,  pabayaan nyo na iyan, sumunod kayo sa akin!" Pakiramdam ko'y dinig ko ang bawat yabag ng mga ito habang papalayo sa akin. Ilang saglit lang ay may kung sino ang humablot sa aking braso at pilit akong itinatayo, "Rina, gumising ka. Rinaa!" 

             Andrew? Ang boses na iyon, si Andrew nga!  Kaya panatag kong iminulat ang mga mata ko at laking-tuwa nang maaninagan ko na ang mukha ng taong pinakamamahal ko kahit nga ramdam ko pa rin ang pagkahilo. May sugat siya sa kanang noo niya kaya naman ang dugo nito ay halos umagos sa gilid ng mukha pababa sa damit niya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit na para bang isang batang nagsusumbong na sinabayan pa ng malakas na hagulgol, "Andrew... Wala na sila, wala na silang lahat! Pinatay sila ng mga hayop na iyon Drew. Natatakot ako, takot na takot. Drew paano kung maging ikaw mawala sa akin. Ayoko! Hindi ko na kakayanin pa!"

             "Shhh! Tahan na, tumawag na ako sa mga pulis, anytime nandito na sila at pagbabayaran nila ang lahat ng mga ginawa nila. Mabuti pa siguro umalis na tayo rito at humanap ng ligtas na lugar." Sa sinabi niyang iyon nakaramdam ako ng kapanatagan pero hindi pa rin nito maiaalis ang hapdi sa isang bahagi ng puso ko, hapdi na pumupunit maging sa isipan ko. Parang may kung anong humiwalay sa bahagi ng puso ko at kahit kailan hindi na ito mabubuo pa. Sa ngayon ang nasa isip ko lang, wala na ang buong pamilya ko at si Andrew, si Andrew na lang ang natatanging dahilan para maghangad pa akong mabuhay.

              "Doon tayo."

              Tinahak namin ang papunta sa docks kung saan nakaparada ang limang yate na pagmamay-ari namin. Mula sa pinakamagandang klase hanggang sa pinakamaliit at payak. Pinili namin ang pinakamaliit at ang pinakamagaan na yata matapos makuha ang susi mula sa isa sa mga susian na nakatabi lamang sa guard house malapit sa dokcs, agad naming pinaandar ang yate pagkasakay namin palayo sa lugar na naging bulwagan ng mga mapapait na kaganapan. Ang tahanan namin, kung saan nabuo ang mga masasayang ala-ala kasama ang mga taong mahal ko ngunit ang lahat ng iyon ngayon ay biglang naglaho at mananatili na lamang na isang kahindik-hindik na bangungot na kahit sino ay hindi na gugustuhing balikan pa.

                Nagulantang kami pareho nang masaksihan namin ni Drew ang paglamon ng malakas na pagsabog sa malaking bahay namin. Mukhang hindi pa sila nakontento noong patayin nila ang pamilya ko dahil maging ang ala-ala ko mula sa bahay na iyon ay winasak din nila. Kitang-kita ko ang itim na usok at pagliyab ng magandang bahay namin mula sa kinaroroonan ko. Tanaw na tanaw ko ang pagliyab nito. Daddy... Mommy, Kuya Mckie, kuya Kenjie.... Sairah... Zoren...

Revencher (ACTION) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon