Ano ba talaga ang balak ng mga taong ito sa amin, halos matagal-tagal na rin mula ng bihagin nila kami. Hindi ko alam kung ano ang kanilang hinihintay o kung sino ang hinahanap nila, kanina pa kasi sila aligaga na para bang may kung sino ang hinahanap.Yakap-yakap ni Mommy ang kambal at ako nakakulong pa rin mula sa pagkakasakal sa akin ng isa sa kanila. Si Daddy naman ay sa wakas, nagkamalay na rin, "Daddy!" tawag ng kambal. Nakaramdam ako nang tuwa matapos masaksihan iyon. Agad na niyakap ni Daddy ang kambal, ganoon din ang ginawa ni mommy. Pagkatapos ay napatingin si Dad sa akin at nabasa ko sa mga mata niya na para bang sinasabi niya sa akin na Anak patawarin mo ako.
"Sa wakas, Mr. Javier nagising ka rin. Akala ko mawawala ka na agad ng gan'on-gan'on lang. Aba hindi pu-pwede 'yon, magagalit ang boss ko panigurado. Ang bilin pa naman niya ay pahirapan ka ng dahan-dahan." Nagtawanan naman ang ilan sa mga kasamahan ng lalaking nagsalita, armado pa rin sila ng mga baril. "...At saka may kailangan ka pang masaksihan, ang climax sa palabas na ito. Sayang naman kung hindi ito makikita ng iyong mga mata." Sinundan niya ito ng isang nakakalokong ngisi na nagbigay ng matinding kaba sa akin. Tingnan kasi ako nito mula ulo hanggang paa at saka lumapit sa akin pagkatapos ay hinawakan ang pisngi ko, "Ito pala ang anak mong babae Mr. Javier hindi na masama ha ha ha," nagbitaw pa ito ng nakakaasar na halakhak. Halos magtaasan naman ang mga balahibo ko sa katawan nang igapang nito sa balat ko ang mga daliri nito.
"Hayop ka huwag mong hawakan ang anak ko!" Muling tumayo si Daddy at akmang susugurin ang lalaking nangahas humawak sa akin pero agad siyang hinarangan at napigilan ng mga kasamahan ng lalaki, "Para namang may magagawa ka?" Lumapit ito kay Daddy, pagkatapos ay biglang nitong sinikmuraan at sinikuhan sa likod si Dad dahilan para muling bumagsak si Daddy sa damuhan. Halatang wala na ang pisikal na lakas ni Dad, kung tutuusin may edad na siya para parusahan pa ng gan'on.
"Hindii!" malakas na sigaw ni mommy. Sa sobrang galit ni Mom ay siya naman ang sumugod sa lalaking nanakit kay Dad, pero nagulat ako nang muling makatikim ng sampal si mommy mula sa hudas na iyon. Hayop! Mga hayop talaga sila, wala na silang galang pati ang babae pinapatulan nila. Kaya naman nagpumiglas muli si Daddy at nang makatayo'y pinagsusuntok niya ang lalaking nanakit kay Mommy. Nawalan ng balanse ang lalaki at agad pumutok ang labi nito dahil sa lakas ng suntok ni Daddy. Pinagpatuloy ito ni Dad na halos ikabasag-bungo ng lalaki ngunit isang putok, isang putok ang umalingawngaw sa buong lugar kasunod ang nakabibinging sigaw. Hindi...
"MIGUELL!" Ang sigaw na iyon ay mula kay mommy at ako? Nakatulala sa aking nasasaksihan. Si Daddy, binaril siya sa likod ng isa sa mga lalaking armado ng baril. Tumagos ang bala hanggang sa kanang dibdib ni Daddy. Pagkatapos ay biglang bumagsak si Dad sa harapan ko at ngayon ay pilit nang hinahabol ang sarili niyang paghinga.
"Bakit n'yo binaril? Malilintikan tayo kay boss niyan e! Ang utos niya kailangan niyang manitiling buhay hangga't wala pa ang kailangan natin sa pamilyang ito. Mga tarantado talaga kayo!" wika ng lalaking naka-brown ng leather na jacket, kinuha nito ang sariling baril sabay putok ng sunud-sunod sa isa sa mga kasamahan nito na bumaril kay Dad at agad na binawian ng buhay. Mga demonyo talaga sila, paano nila nasisikmura ang patayin ang isa sa mga kasamahan nila. Walang dudang mga halang nga ang kaluluwa nila.
Muli na naman akong napaiyak pero this time aminado ako na wala na akong mailuluha pa, halos naubos ko na ang mga luha ko dahil kanina pa ako panay ang iyak. Napakasakit ng mga nangyayari ngayon, parang kanina lang ang saya-saya namin sa kaarawan ko pero ngayon naging impyerno na ang lahat.
"Mukhang wala naman na tayong magagawa, papatayin din naman 'yan, napaagap lang, mga bwiset! Sabihin na lang natin na hindi ito nakaligtas kanina," saad ng naka-leather na Jacket. Kaunti na lang matatandaan ko na rin ang pagmumukha ng lalaking ito. May kahabaan at kulay ginto ang ibabang bahagi ng buhok nito, makapal din ang labi sa ibaba, matangos ang ilong at higit sa lahat malawak ang nasasakop ng tattoo nito na halos sakupin ang buong braso niya, ahas na may dalawang ulo, iyon ang imahe sa tattoo niya. Nakita ko na may inabot sa kaniya na isang syringe ang kasamahan niya. Naglalaman iyon ng kulay-ubas na likido at sigurado akong hindi iyon mabuti. Malalakas na kaba ang kumalabog sa dibdib ko nang simulan niyang maglakad palapit sa akin hawak ang bagay na iyon. "Itaas mo ang braso niya," utos niya sa lalaking nasa tabi ko lang na agad din namang tumalima.
BINABASA MO ANG
Revencher (ACTION) ✔
Action[CZARINA JOY "RINA" JAVIER STORY] Grievous incident can create consummate killings whether they like it or not. A revencher was born, she'll do whatever it takes just to earn the just she thought she deserves. The truth awaits on her, the truth that...