"Dad may gusto po sana akong itanong sa inyo, just wanna make things clear for me Dad," salubong na tanong ni Czarina sa kaniyang Daddy na kasalukuyan nang nagkakape habang bumabasa ng newspaper.
"Oh gising ka na pala Joy, mag-almusal ka na muna," alok sa kaniya ng Ina. Inilapag ni Carmela ang sinangag rice sa table, kasunod ang pagsigaw nito sa katulong, "Pakihain na lang din dito 'yong mga ulam at isabay mo na 'yong dessert Martha!"
"Yes Ma'am!" sigaw ng katulong mula sa kusina.
"Mamaya n'yo na pag-usapan 'yan, pagkatapos nating kumain okay?" malambing na suyo ni Carmela sa anak. Tumango na lang din si Czarina. Ilang saglit lang ay dumating na ang pinakuha ni Carmela sa mga katulong. Nagsulputan na rin ang iba pa nilang mga anak.
"Hey Mom, Hey Dad!" masayang bati nina Mckie at Kenjie sa kanila habang bitbit ng isa sa kanila ang bola para basketball. Nakasuot din ng jersey ang mga ito at halatang may lakad ang dalawa. Humalik muna ang dalawa sa pisngi ng Ina at nagmano sa Daddy nila bilang respeto sa mga ito.
Mckie Javier, Kenjie Javier and Czarina Joy Javier
"Oh! You two are exactly for breakfast, kumain na muna kayo."
"Thanks Mom. Kaya lang may laro kami ni kuya ngayon e, hindi na kami kakain," sabi ni Kenjie
"For sure ,magagalit na naman si coach dahil male-late na naman kami ng 10 mins kapag hindi pa kami umalis ngayon," paliwanag ni Mckie sabay kuha nito ng dalawang chicken sandwich na nagtatagalay ng personal recipe ni Czarina.
"Teka sigurado ba kayo na hindi kayo kakain? Niluto ko pa naman ang paborito ninyong Adobo?" Tila may pagtatampong tanong ni Carmela sa dalawa.
"Sorry Mom, bawi na lang kami next. At saka okay na po ito sa amin," sagot ni Kenjie na kumuha rin ng tinapay kagaya ng kuya niya, "Joy! Ang sarap talaga nitong chicken sandwich mo, the best ka talaga! Love you bunso."
"Bunso... Hindi naman na ako ang bunso..." nakangusong wika ni Czarina na para bang pinagdidiinan niya ang pagtatampo niya. Naglakad naman ang mga Kuya ni Czarina palapit sa kaniya at saka pinagpipisil ang pisngi niya, "Ang kyut-kyut mo talaga, kahit nandyan ang kambal, bunso ka pa rin namin got it?"
"Sige po Mom we have to go, Ahh Dad?" paalam na tanong ni Mckie. Tumango naman ang daddy nila, "Sige mag-iingat kayo. Galingan n'yo doon ha!"
"Yes Dad, mark our word ni Kuya. Kami ulit ang mananalo ngayon taon," pagmamayabang pa ni Kenjie. Pagkatapos ay naglakad na sila palayo. "Bye mga Kuyas!" pahabol na paalam na lamang ni Czarina. Hanggang sa tuluyan na ngang nawala sa paningin nila ang dalawa.
"Ah Martha, pakigising naman sa kambal. Sabihin mo may pasok pa sila at kami ng daddy nila ang maghahatid sa kanila sa school, okay?" utos ni Carmela na agad naman sinunod ng dalawang katulong.
"How about you Joy, may iba ka bang lakad ngayon Hija?" tanong ng Daddy niya na nagsimula na rin kumain. Nakagawian na ni Czarina ang tawag na "Joy" ng kaniyang magulang at mga kapatid.
"Wala naman po Dad, sige po mamaya ko na lang kayo tatanungin after n'yo pong ihatid sina Sairah at Zoren."
"Hmmn okay! So let's eat?"
Masaya na nga nilang pinagsaluhan ang kanilang umagahan. Kahit pa nga may kinikimkim si Czarina na halos gumugulo sa isipan niya. May tanong siya na kailangan nang maliwanagan at sa tulong ng daddy niya, saka lamang mawawala ang mga agam-agam niya.
Kaya kahit anong mangyari, buo na ang loob niya, kailangan na niyang makausap ng personal ang Daddy niya ngayong araw. Dahil ito lang ang makakapagbigay linaw sa mga bumabagabag sa isipan niya.To be continued...
BINABASA MO ANG
Revencher (ACTION) ✔
Acción[CZARINA JOY "RINA" JAVIER STORY] Grievous incident can create consummate killings whether they like it or not. A revencher was born, she'll do whatever it takes just to earn the just she thought she deserves. The truth awaits on her, the truth that...