"Hoy! Pare! Ano bang nangyari sa 'yo kanina? Usap ako ng usap, hindi ka naman pala nakikinig!" salubong agad ni Arthuro pagkakita kay Caleb.
Paakyat na sila sa office ni Chief Montaro dahil sa may sasabihin daw ito sa kanila.
"Wala~ ganoon pa rin, katulad ng dati," matamlay na sagot ni Caleb.
Sinasaluduhan naman sila ng mga kapwa nila pulis doon na nakakasalubong nila, ganoon din ang ginagawa nila bilang respeto sa isa't-isa.
Ipinagpatuloy ni Arthuro ang pakikipagdiskusyunan sa kaibigan, "Tinutukoy mo na naman ba ay 'yong yumao ng anak na dalaga ni Mr. Javier? Aba pare! Mag-move on ka na, wala na nga 'yong tao dapat pinatatahimik mo na kaluluwa niyon," pabirong litanya ni Arthuro kaya natapik tuloy siya ng malakas ni Caleb sa sikmura niya.
"Aray!"
"Hayaan mo na nga lang ako! Hinihingi ko ba opinyon mo!"
Nagpatuloy sila sa pag-akyat sa hagdanan, nasa 3rd floor pa kasi ang office ni Chief Montaro.
"Siya nga pala, hindi mo man lamang sinabi sa akin na birthday pala ni Yllana," pag-iiba ni Arthuro sa kanilang usapan.
"Para ano?"
"E di, sumama sana ako sa 'yo kanina para bumili ng regalo. Para kapag nagpunta na ako sa inyo e, may maibigay man lamang sana ako kay Yllana," pagmamaktol pa ni Arthuro.
"Bakit inimbitahan na ba kita, sa pagkakaalam ko hindi pa. At saka wala akong balak pare na papuntahin ka sa espesyal na araw ng kapatid ko." Sa sinabi ni Caleb ay muling napasingamot si Arthuro.
"Teka~ bakit naman? Hindi ko pwedeng palagpasin ang special day ni Yllana pare. At saka mag-buddy tayo di ba. Kaya dapat, nandoon ako."
"Iyon na nga e, kilala na kita at alam ko na kung paano tumakbo iyang utak mo. At saka pare, iba na lang, huwag na ang utol ko," dagdag pa ni Caleb.
Natigil na lang ang pag-uusap nila ng marating nila ang pinto ng office ni Chief Montaro. Napakamot naman sa ulo si Arthuro at sumunod na lamang sa pumasok na niyang kaibigan.
***
Makalipas ang isang linggo...
Napagpasyahan ng magtiyuhin na pansamantalang itigil muna ang misyon dahil na rin sa pag-init ng mga mata ng pulisya sa mga taong target din nila, mahirap na baka magkaroon pa sila ng ebidensya na magtuturo sa pagkakakilanlan ni Czarina. Baka mabulilyaso pa ang kanilang mga plano. Maingat din na pinag-aaralan ni Miggy kung sa papaanong paraan makakalapit ang pamangkin sa big three na una ng binanggit ni Jovit.
Aminado naman siya na di magiging madali ang mga susunod na misyong ibibigay niya sa pamangkin, kaya kailangan, maging maingat sila sa lahat ng angulo.
"Hey Sweetie, pa-deliver ka na lang ng coffee para sa akin ha," paalala ni Miggy habang nasa harap ng counter si Czarina. Nasa loob siya ng isang sikat ng coffee shop na madalas niyang puntahan nitong mga nakaraang araw. This time, nag-uusap sila through cellphone.
"Okay!" Nai-off na ni Czarina ang phone niya at muling humarap sa kahera.
Pagkatapos pumili ng kaniya at magpa-deliver para sa uncle niya ay naglakad-lakad na lang muna siya.
Nagsasawa na rin kasi siya sa outdoor view ng store na iyon dahil lagi siyang naroon lalo na't pag may free time siya. Katunayan, sa sobrang dalas niya sa store ay namumukhaan na nga rin siya ng mga staff doon e.Hanggang sa mapadaan siya sa isang toys stored, napahinto siya sa tapat ng salaming bintana nito dahil sa isang masayang alaala na biglang nanumbalik sa kaniyang isipan.
BINABASA MO ANG
Revencher (ACTION) ✔
Ação[CZARINA JOY "RINA" JAVIER STORY] Grievous incident can create consummate killings whether they like it or not. A revencher was born, she'll do whatever it takes just to earn the just she thought she deserves. The truth awaits on her, the truth that...