Chapter XV (editing)

2.5K 74 1
                                    

Sa kabilang dako.

Patungo na rin ang grupo nina Agent Caleb sa isang lugar sa Laguna kung saan hinihinalaang nagtatago di umano si Jovit Tansingco. Kasama niya ang ilang mga kapulisan ng laguna kaya ikinagulat naman ng mga pulis na tagaroon kung bakit may check point na nagaganap sa kahabaan ng kalsadang iyon gayong wala silang natatanggap na memo mula sa kinauukulan.

"Bakit may checkpoint, anong division ng mga nakatoka riyan. At kanino sila kumuha ng permiso para isagawa iyan?" tanong ng hepe ng laguna, katabi naman niya sa police mobil si Chief Montaro.

"What do you mean, hindi mo sila mga tauhan?" takang tanong ni Montaro.

"Malalaman natin..."

Lumapit ang grupo nila sa mga nasa check point at may anim na lalaki ang naroon. May mga pulis-sasakyan din ang mga ito at may ilan ding mga nakasakay doon. Nakasuot din sila ng pulis-uniporme.

***

"Anak ng-- magmadali kayo! Senyasan n'yo agad sina Boss. May mga parak bilisan ninyo," ani ng lalaki na may nakaburdang Cruz, Jaime sa uniporme nito. Natanaw niya kasi ang paparating na mga pulis at malapit na ito sa kinatitirikan ng peke nilang check point.

"Boss! Wala hong sumasagot sa kabilang grupo." Ang tinutukoy nito ay ang grupong nasa mismong bakuran ng pinangtataguan ni Jovit.

"Nalintikan na, ipaalam mo na lang kay Mayor ang sitwasyon natin ngayon," pasimple nitong utos na hindi nagpapahalata ng anumang pangamba.

"Sige po!"

"Sumunod kayo sa akin, tayo na ang lumapit sa kanila. Bahala na kapag nagkabukingan na, ihanda n'yo ang mga sarili ninyo. Kontakin ang iba at sabihing maging alerto rin." pagkasabi'y naglakad na sila palapit sa signed board.

Huminto na rin ang mga sasakyan sa grupo ni Caleb. May ilang bumaba sa kanila para makipag-usap sa grupo ng may pangalang Jaime.

"Mga brad, anong nangyayare rito? Pinapatanong ni Chief kung saang division kayo?" tanong ng isang pulis na bumaba.

Nanatili sa sasakyan sina Caleb at ang buong team, inoobserbahan din nila ang mga nangyayare.

"Ah sir napag-utusan lang din po," pangangatwiran ng kabilang grupo.

Hanggang sa naagaw ng malakas na pagsabog ang mga atensyon nila.

Dinig ng lahat ang isang malakas na pagsabog na ilang metro lang ang layo sa kanila, naaninag nila ang maitim na usok na nagmumula sa kabilang bahagi ng lugar.

Nagsimulang mabahala ang grupo nina "Jaime", dahil ang pagsabog na iyon ay nagmumula sa town house kung saan naroroon si Jovit.

Sa pangyayareng iyon, na alerto silang lahat. Ito ang naging senyales para simulan ng grupo ni Jaime ang barilan sa pagitan nila at ng mga totoong pulis na kinabibilangan nina Caleb.

Unang binaril nina Jaime ang pulis na kaharap na siyang nagtanong sa kanila kanina.

Nagsimula ang palitan ng mga putok mula sa magkabilang grupo, pati sina Caleb at ang mga tropa niya ay lumabas na rin ng kotse at nakipagpalitan na rin ng mga putok.

Saka na lang din nila napansin ang mga naka-tatoo sa mga braso ng mga lalaking nasa kalsada at armado rin ng baril. Nasa iba't-ibang parte ito ng katawan nila, nagpapatunay na sila ay pinapatakbo ng isang organisadong samahan.


"Miyembro sila ng Two headed snake syndicate!" sigaw ng isang pulis na unang nakapansin sa mga tatoo.

Mas umalingaw-ngaw ang sunud-sunod na putok ng baril sa buong lugar. Tila isang gyera ang namagitan sa magkabilang kampo. Subalit sadyang marami ang grupo nina Caleb dahil kasama rin nila sa operasyong iyon ang ilang member ng PDEA at PNP, dahil target din nila ang mga iligal na droga na di umano'y nakaimbak sa tinutuluyan ng kanilang target na si Jovit.

Ilang minuto rin ang lumipas bago mapatay nina Caleb ang mga nanlaban sa kanila. May mga nasugatan din sa grupo nina Caleb. Pero hindi ito naging hadlang para mapigilan sila sa kanilang misyon. Agad silang tumawag ng back up para maasikaso ang sugatan nilang mga kasama at panatilihing ligtas ang lugar para sa mga motorista at residenteng naroroon.

Nagpatuloy sa pagbyahe ang grupo nina Caleb patungo sa lugar kung saan, kasalukuyang nagaganap ang isang malaking sunog. Base sa kalkulasyon nila ilang metro na lang ang layo nito sa kanila.

***

Samantala...

"Sandali! Papaano ako?" sigaw ni Vincent sa papaalis na sanang si Czarina.

Mabilis ng nalinis ni Czarina ang lahat ng mga ebidensya na maaring magturo sa kaniya, sinigurado niyang walang makakatuklas na buhay pa siya.

Mabuti na lamang at walang CCtv ang lugar, kaya mas napabilis nito ang paglilinis sa lugar. Muli, nagsulat si Czarina sa isang salamin gamit ang pula niyang lipstick. Isang letrang "J" na umuukol sa nickname niya na "Joy" at sa dahilan kung bakit siya nagbalik, "Justice".

Nagdikit din siya ng isang sticky note sa may salamin ng kwarto kung saan naroon si Vincent. Dito niya isinulat ang munting mensahe niya para sa mga pulis na alam niya ay papunta na rin.

"Hmmn, hintayin mo na lang ang mga pulis, parating na rin ang mga iyon. Ikaw, bahala ka kung ano ang pipiliin mo, ang mamatay ba rito o mapunta sa poder ng mga pulis at pahirapan. Oh sige, I have to go dahil I'm sure, any minute now, they'll be here.

"Huwag! Huwag mo akong iwan. Hindi!" malakas na sigaw ni Vincent.

At tuluyan na ngang umalis si Czarina sa lugar, sigurado siyang wala na rin ang mga babaeng pinatakas niya na biktima rin ng grupong kinabibilangan ni Jovit at kung tama ang kalkulasyon ni Czarina makakasalubong ng mga ito ang mga pulis na on the way na rin sa lokasyon ni Jovit.

Nang makasakay ng kotse si Czarina ay agad siyang tinuruan ng Uncle niya ng panibagong direksyon palabas sa lugar. Sa iba na siya dumaan para hindi niya makasalubong ang mga pulis.

Sa tulong na rin ng sariling satelite ni Miggy ay nailabas niya mula sa magubat na iyon ang pamangkin ng walang naging aberya.

For the second time, nagtagumpay na naman sila sa kanilang misyon.

***

To be continued

Revencher (ACTION) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon