Chapter XVI (editing)

3.1K 84 2
                                    

Pagkatapos maalalayan ng grupo nina Caleb ang ilang kakababaihan na kanilang nakasalubong ay agad silang dumiresto kung saan nagsisimula ang sunog, ito rin ang lugar na tinutukoy ng mga babaeng nakatakas mula roon.

Nang makarating sila ay bumungad sa kanila ang ilang mga bangkay sa iba't ibang parte sa bakuran ng may kalakihang bahay. Napag-alaman nila na konektado ang mga natagpuang bangkay sa sindikatong binabantayan nila; Ang TWO HEADED SNAKES SYNDICATES, makikilala ang mga miyembro nila sa pamamagitan ng mga tattoo sa kanilang katawan, isa itong simbolo ng ahas na may dalawang ulo.

Tukoy na rin nila ang pinagmumulan ng sunog, nagmumula ito sa likod ng bahay. Tiyak nilang ito ang sumabog kanina, isang bangkay din ang natagpuan nila roon, gutay-gutay ito at sunog.

Maya-maya ay nakita na rin nila sa second floor ng bahay si Vincent, nananatili pa rin itong nakatayo roon.

Ipinagtataka naman ito nina Caleb, kung bakit hindi ito umaalis sa kabila ng pagtatama ng kanilang mga mata.

"Sir, may tao pa ho ang nasa itaas," banggit ng isa.

"Sige, get his identity and make things here clear do you understand?" paalala ni Montaro sa mga kasama.

"Yes Sir."

Pinangunahan ni Caleb ang pagpasok sa loob ng bahay, naging maingat pa rin sila dahil hindi pa nila sigurado kung may iba pa ba ang naroon maliban sa lalaking natanaw nila sa itaas.

Mabilis at masinop ang kilos nila, sinenyasan ni Caleb ang mga kasama na walang problema sa sala at kailangan na nilang tunguhin ang second floor ng bahay.

Nang makaakyat na silang lahat ay nakita nila si Vincent na nakatayo malapit sa may terraces, nanginginig ito at tila kabadong-kabado.

"Taas ang kamay!" Sunud-sunod naman ang pagtutok ng baril ng mga kasama ni Caleb kay Vincent.

"S-sandali! Huwag kayong lalapit. M-may bomba ang tinatapakan ko. At a-a-ayaw ko pang mamatay," nauutal na saad ni Vincent habang marahan nitong itinataas ang kaniyang mga kamay. Nakaramdam naman ng kaba ang buong team ni Caleb kaya bahadyang pinaatras niya ang mga ito.

"Sinong ang nasa likod ng lahat ng ito?" tanong ni Caleb, pero mga iling lang ang isinagot nito sa kaniya.

"Caleb, tignan mo ito!" May itinuro si Arthuro sa kaibigan, ang tinutukoy nito ay ang salamin malapit sa kinatatayuan nila. Nilapitan ito nina Caleb, nanatili naman ang mga kasama nilang alerto. Walang nais gumawa ng hakbang dahil sa badya di umano ng bomba.

Nagkatinginan pa sina Caleb at Arthuro sa isa't-isa nang mapansin ang isang pamilyar na sulat na naroon sa may salamin.

"Letrang J ulit?" takang tanong ni Arthuro. Ginamitan ng pulang lipstick ang pagkakasulat. Isinalukbit nina Caleb at Arthuro ang mga hawak na baril at muling nagkatinginan.

"Ano sa tingin mo Caleb, hindi kaya... isa lang ang may kagagawan nito?" pangungumpirmang hula ni Arthuro.

"Kung ibabase natin sa ginagamit niyang simbolo, maaring isang tao o grupo lang ang may pakana ng lahat ng ito." Hinaplos ni Caleb ang pagkakasulat sa malaking J sa salamin. May kakaiba talaga siyang nararamdam mula sa bagay na ginamit dito.

"I-isa lang siya maniwala kayo!" nauutal na sabat ni Vincent kaya napatingin sina Caleb sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin? Maari mo ba siyang ilarawan sa amin?" mabilis na tanong ni Caleb. Tinuon nito ang buong pansin sa lalaki. Panandaliang nanahimik si Vincent na tila binigyang pansin ang panunumbalik ng isang alaala.

Revencher (ACTION) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon