Chapter XIX (editing)

2.5K 69 0
                                    

Kinagabihan...

Hindi naging mahirap kay Czarina ang pagpasok sa hospital, nagpanggap siyang isa sa mga pasyente at nang makakuha ng pagkakataon ay agad niyang sinimulan ang mga dapat niyang gawin.

"Nasaan na 'yon?" takang tanong ng Nurse pagkakita sa pasyente niyang wala na sa lugar na pinag-iwanan niya.

Isinuot ni Czarina ang nakitang uniporme ng mga nurse sa isa sa mga silid na pinasok niya. Lumabas siyang suot ito at ni isa ay walang nakahalata sa pagpapanggap niya.

Pinuntahan niya ang room na sinabi ni Miggy sa kaniya, kung saan naroon si Mayor Tansingco. Ayon sa nakalap nila, unstable pa rin daw ang sitwasyon nito. Sa 8th floor ng hospital naka-confined ang mayor kasama ang sariling mga Security Guard at ilang kapulisan na naatasang magbantay dahil na rin sa pagtatangka sa buhay niya

***

Samantala...

Katulad nina Czarina, kumikilos na rin ang TWO HEADED SNAKE SYNDICATE, bilang bahagi ng kanilang napagkasunduan. Kailangan madispatsya si Tansingco bago pa man ito makapagsalita.

Aminado naman silang naging palpak ang kanilang unang plano na pagpatay dito pero ngayon ay sisiguraduhin nila na hindi na matatakasan pa ni Tansingco ang kamatayan.

Nagpadala sila ng dalawang tauhan na kagaya ni Czarina ay mapayapa ring nakapasok sa Hospital ng walang nakakahalata.

***

Hawak ang isang notepad na nakita niya ay nagsimulang maglakad si Czarina patungo sa silid na kinaroroonan ng Mayor, wala pa man sa pintuan ay agad siyang nilapitan ng isang pulis na kasalukuyang nagbabantay doon.

"Ma'am? Kayo po ang titingin kay Mr. Tansingco."

"Oho, kailangan ko hong maging updated sa blood sugar niya at sa mga vital organs niya. Kukuha rin ako ng ilang sample para ibigay kay doctor Calmeron," paliwanag ni Czarina.

"Okay lang ho bang makita ho namin ang ID po ninyo?"

"Yes po, here." Iniabot ni Czarina ang Fake ID na inihanda ng Uncle niya para sa misyong ito.

Nakalagay dito na isa siyang lisensyadong nurse ng hospital. Tumingin naman ang lalaki sa isang kasamahan nito na nasa tapat pa rin ng pintuan ng silid ni Tansingco, sinenyasan niya ito at muling ibinalik ang atensyon sa nakangiting si Czarina.

"Ahm sige po, pwede na ho kayong tumuloy ma'am." Nagpa-cute pa ang pulis sa kaniya, ngiti naman ang isinukli niya rito.

Nagsimula si Czarina na maglakad palapit sa pintuan, pinagbuksan naman siya ng lalaking nakatayo roon at nginitian din siya nito.

Matagumpay siyang nakapasok sa silid, pasimple niyang nai-lock ang pinto at agad na tinungo ang kama kung saan nakaratay ang natutulog na Mayor.

Halos magkahalong kaba at galit ang namayani sa puso niya ng lapitan niya si Tansingco. Hanggang sa ang nararamdaman niya ay napalitan ng awa pagkakita sa nakaratay nitong katawan.

Oo naawa nga siya sa kinahantungan ni Tansingco, at the same time napopoot din naman siya dahil ito mismo ang naging dahilan kung bakit nasira ang buong buhay niya at kung bakit ngayon ay nangungulila siya sa pamilya niya.

Kung sa tingin mo kaawaan kita dahil sa sitwasyon mo, pwes nagkakamali ka! You deserved to be on that. After what you've done to us! Kinasusuklaman kita! Sigaw ng isip ni Czarina habang matalim na nakatitig kay Tansingco.

May benda ito sa kaniyang katawan at benda sa kaniyang ulo. May mga lapnos din na umabot ng third degree burn dahil sa pagsabog.

Saglit na napahinto si Czarina nang makita niyang gumalaw ang dalawang daliri nito at nang silipin niyang maigi ang mukha ng mayor, nabatid niya ang pagluha ng isang sa mga mata nito. Hindi niya maipaliwanag pero parang ang galit na dapat ay nararamdaman niya ay unti-unting nababawasan.

Revencher (ACTION) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon