Isang pamilyar na tawag ang narinig ni Czarina mula sa suot niyang hikaw.At alam na niya kung sino ito, "Miggy! I can't believe it, you lied to me!" giit niya. Pinagbagsakan niya pa ito ng kamay mula sa hawak na manibela at hindi sinasadyang nakabig pakaliwa. Kamuntikan na tuloy niyang mahagip ang papasalubong na kotse dahil napalipat siya sa kabilang linya ng binabagtas niyang kalsada.
Nagdesisyon siyang itabi na muna ang sasakyan mula sa malawak na kalyeng kinaroroonan, para makausap din nang matino ang tiyuhin.
"I know galit ka. But you cannot blame me, nangyari na ang mga nangyari. Ka--kahit naman ako ay nagsisisi, kaya--- Please... Sana intindihin mo ako."
Panandaliang nanahimik si Czarina, napayuko ito at tila nag-iisip kung ano ang mga susunod na sasabihin.
(.....)
Lumipas pa ang ilang segundo. Hanggang sa si Miggy na rin mismo ang unang bumasag sa nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.
"Czarina?" pangungumpirma ni Miggy kung nasa linya pa rin ba ito.
"Tsss..." bakas sa tono ni Czarina ang pagkadismaya niya. Kasunod nito ang hindi mapigilang paglalabas niya ng sama ng loob para sa tiyuhin. "Ano pa ba ang plano mo ang hindi ko alam? Dammit! Pwede ba, this time maging tapat ka sa akin!" may diin niyang sabi.
"Okay okay! I--I'm sorry, I know it was all my fault, but will you please allow me to give you, yo--your last mission? This would be your last, so please? Bumalik tayo sa unang plano and I promise you, after this, everything's gonna be fine."
Kahit kailan hindi na natin maibabalik sa dati ang lahat, Uncle, bulong ng isip ni Czarina.
"Tssss!" Ito na lang ang naitugon ni Czarina, pero nagdesisyon siyang sumang-ayon na lamang din sa mungkahi ng tiyuhin.
"Salamat sweetie, that's good to hear. You have to stay with me in this fight, para maipaghiganti natin ang buong Javier sa kanila, okay?" Pero walang natanggap si Miggy na tugon mula sa kabilang linya.
"Darwin just called me few minutes ago. I know, hawak mo ang seal ng pamilya natin, ano bang pinaplano mo?" tanong ni Miggy.
"Ililigtas ang isang kaibigan," diretsahang tugon ni Czarina.
"Teka, isusuko mo ang seal para lang sa isang babae na kakakilala mo pa lamang? Hindi ba't kahangalan ang gagawin mong iyan."
"Compared to what you have done to us Uncle!" Naramdaman ni Czarina ang biglaang pananahimik ni Miggy mula sa kabilang linya, dama niya na nagi-guilty ito sa mga sinabi niya. Hindi na rin niya kase napagilan na ibunton ang paninisi rito.
Nagpatuloy si Czarina sa pananalita at sa bawat salitang kaniyang binibitawan ay tila nanunumbalik na naman ang lahat ng sakit sa kaniya. "Dahil sa pagiging makasarili mo pati buong pamilya mo nagawa mong talikuran. Ni hindi mo nga naisip na baka mapahamak kami sa ginawa mong pagtatago. Uncle, hindi na lang basta ordinaryong kaibigan si Yllana para sa akin. She is my closest friend na mayroon ako ngayon, she's like my little sister and I am considering her as my very own family now. Kaya hindi mo ako masisisi kung ang natitirang pamilya na itinuturing ko ngayon, ay iligtas ko kahit ang maging kabayaran pa nito ay ang pagsuko sa lahat-lahat ng meron ako, kahit pa nga maging buhay ko pa ito. Hindi ako tutunganga at hahayaan na lamang mamatay ang mga taong importante sa akin sa gitna ng kamalayan ko! Kagaya ng ginawa mo Uncle. "
Napangisi pa si Czarina bago ulit nagpatuloy sa pagsasalita, "Mabuti pa nga siya, totoong nag-aalala sa akin. She never used me sa pansariling kagustuhan lamang. Kaya hindi kahangalan ang desisyon kong ito, gagawin ko lamang kung ano ang tama at ang dapat."
BINABASA MO ANG
Revencher (ACTION) ✔
Aksiyon[CZARINA JOY "RINA" JAVIER STORY] Grievous incident can create consummate killings whether they like it or not. A revencher was born, she'll do whatever it takes just to earn the just she thought she deserves. The truth awaits on her, the truth that...